Rokia's pov
"Bakit ito ang napili mong restaurant? Hindi mabubutas bulsa mo?" yanong ko kay Panget.
Hinihintay namin ang order namin. Ngumuso lang siya.
"May ipon naman ako."
"Alam kong may ipon ka."
"Oh? Talaga, Boss?" Napairap nalang ako dahil sa sinabi niya.
"Panget, alam kong may ipon ka, noon pa lang ang kuripot mo."
"Huh?! Hindi kaya ako kuripot."
"I'll pay half of the bill."
"Wag na! Ako na, ayos lang, Boss."
"Parang binagsakan nga ng langit ang mukha mo."
Pumikit siya at huminga ng malalim. Tiningnan niya ako, tinaasan ko siya ng kilay.
"Boss, ako na ang bahala, pinaghandaan ko 'to. Tsaka, first official date natin 'to. Ako as your manliligaw."
Napaiwas ako ng tingin dahil sa sinabi niya. Ewan ko ba, nahiya tuloy ako kay Panget. Mukhang na underestimate ko siya.
"Sorry."
"Don't worry, Boss. Ayos lang," tiningnan ko siya, nakangiti lang siya sa akin.
Dumating na orders namin, kumain na kami.
"So, anong palabas ang titingnan natin?" tanong ko habang nagslice ng steak.
"Uh, ano bang gusto mo, Boss?"
"Ikaw, ano bang gusto mo?"
"Ikaw ang gusto ko, Boss," sabay ngiti.
"Duh."
"Chill lang, Boss."
Nagkwentuhan lang kami habang kumakain.
"Nga pala, alam ba 'to ni Lolo?"
"Hmmm, tumawag ako sakanya kaninang umaga."
"Char, talagang pinaghandaan."
"Of course, para mapasaya kita, paghahandaan ko talaga."
Hindi ko mapigilan ngumiti dahil sa sinabi niya. Pagkatapos namin kumain, just like he said, siya nagbayad. Bumyahe na kami papunta sa mall para manood ng cine.
Napagdecisionan namin manood ng Peach Girl, love action japanese movie. Iyon nalang pinanood namin. It was fun, maganda ang movie. Pagkalabas namin sa sine nagsnack muna kami.
"Boss, nagustuhan mo ba ang movie?"
"Oo, maganda."
"Mabuti naman."
"May gagawin ka ba bukas?"
"Hmmm, oo. Bakit?"
"Wala, nagtatanong lang."
"Gusto mong magdate tayo ulit bukas? Gagawan ko ng paraan Boss—"
"How about next week?"
"Pwede rin. Sorry talaga, Boss," uminom siya ng juice.
"Wag kang mag-alala, its okay. Alam ko rin naman na busy ka bukas. May duty ka pa."
"Pero, gusto mo ba bukas?"
"Ayokong mabutas ang bulsa mo."
Nakita ko paglungkot sa mukha niya.
"Doon ka magdidinner bukas ng gabi sa mansion," tiningnan niya ako, malungkot pa rin ang mukha.
BINABASA MO ANG
You Are Still My Boss
Teen FictionYears passed and you haven't heard anything of him since then. Will everything still be the same when he left? Is love still there? --- Season 02 of "Boss Kong Masungit" Enjoy 😊 Fighting!