Chapter 60

104 5 2
                                        

Rokia's pov

Kakatapos lang ng board meeting, ni report ko sakanila ang tungkol sa progress ng project.

"Emma, anong schedule ko bukas?" tanong ko kay Emma pagkapasok sa office.

"Miss Dizon, sabado bukas."

"Hay, salamat," umupo ako at sumandal sa swivel chair ko.

"May date kayo bukas ni Architect?"

"Emma!" saway ko. Wala, ayaw ko lang pag-usapan si Ace ngayon. Inasar niya ako kahapon. Tumataba raw ako, kainis.

"Miss Dizon, ayos lang po 'yan. Malinaw po sa aming lahat dito na nililigawan ka ni Architect," pang-aasar niya.

"Hmp."

"Kailan mo ba siya sasagutin?"

"Huli ka na sa balita," inikot ko ang swivel chair ko at tiningnan ang labas. Psh.

"Nagkabalikan na kayo?!"

"Wag ka ngang maingay," sabi ko at sinilip siya.

"What?! Kailan pa?! Hala, Miss Dizon naman, hindi ka man lang nagkuwento! Hala!"

"Ikaw, kailan mo ba sasagutin ang Engineer mo, huh?" tinaasan ko siya ng kilay, namula ang magkabila niyang pisngi.

"Miss Dizon naman, e! Ilang buwan na lumipas? Three months na! Kailan pa kayo nagkabalikan?"

"Secret."

"Sige na lang, basta nandito kami para sa inyo Miss Dizon!" masaya niyang sabi.

Napatingin ako sa cellphone ko, walang chat galing kay Panget. Busy ba siya? Psh.

Rokia: Nagsnack ka na?

Naglaro nalang ako ng tetris sa computer habang hinihintay ang reply niya pero wala. Lumabas din si Emma dahil may aasikasuhin na mga documento. Haba ng hair ng babaeng 'yon, nililigawan ni Alvin. Noon todo tanggi, ngayon, wow!

Wala pa rin reply galing kay Ace, nakakainis. Hays, hayaan nalang natin. Sabi niya may ibang project daw siya na tinanggap kaya medyo busy siya. Inaantok ako kaya pinatay ko ang computer at humiga sa couch na nandito at pumikit.

Nagising ako dahil sa bango ng bulaklak. Iminulat ko ang mata ko, napabangon ako ng makita siya.

"Hey, Boss," sabay halik sa noo ko.

"Kailan ka pa dumating?" tanong ko, umupo siya sa tabi ko.

"Kaninang hapon, around 5pm."

"Anong oras na ba?"

He hugged me, dahilan para mapalapit ako sakanya. Sumiksik siya sa leeg ko, I can feel his breath.

"7pm na, Boss."

"Ano?!" tiningnan ko siya.

"Pagod ako ngayong araw, can I just hug you?" pakiusap niya na parang bata.

"Kanina ka pa ba nakatayo?" napatingin ako sa bulaklak sa mesa. He gives me flowers when he visits me.

"Hmmm, umupo ako sa sahig ng nangawit na ako."

"Ginising mo nalang sana ako," I told him as I run my fingers through his hair.

"Ayokong disturbuhin kayo sa pagtulog."

"Kumain na tayo ng dinner. Nagugutom ako."

"Tara," sabay tayo at hinawakan kamay ko.

I picked up my things at umalis na kami sa office. Kumain kami sa isang malapit na restaurant. Habang kumakain kami, I asked how his day is, bakit pagod siya.

You Are Still My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon