Rokia's pov
Ilang buwan na ang lumipas mula ng sinampal ko si Ace. Minsan nagkikita kami tuwing bumibisita ako sa site pero hindi ako kumikibo, si Emma lang inuutusan ko.
Bukas magkikita kami ni Justine, lalabas lang kami. Sakto at wala kaming trabaho bukas. Manglibre 'yon, sabi niya siya daw sagot sa lahat.
Binabasa ko ang reports tungkol sa process sa site para sa nakaraang buwan. Maybe next week bibisita ulit ako sa site. So far, walang hinaharap na mga problema. Everything is going smoothly.
"Emma," tawag ko sakanya na nakaupo sa sofa at may nirereview na papeles.
"Yes, Miss Dizon."
"Next monday, vacant ba tayo? No meetings? Anong araw ba ang pwede makabisita sa site?"
"Friday po, sa lunes may titingnan kayong papeles. Then, may meeting on wednesday with the board. Sa thursday ay pupunta kayo sa university dahil may meeting po kayo doon. I suggest Friday nalang po, Miss Dizon."
"Sige."
"Same time po, ba?"
"Yes, around 3pm."
Pagdating ko sa mansion ay kumain ako ng hapunan at binisita si Lolo sa kwarto niya. Kinukwento ko sakanya ang mga nangyayari sa project at natutuwa siya dahil maayos na tumatakbo ang lahat.
Pagkatapos ay nagpaalam na ako, dadaanan ko sana si Mayuki kaso narinig kong may kausap. Call center agent na siya, busy kay Nate. Psh.
Pumasok na ako sa kwarto ko at nagpahinga. Kinabukasan ay tinanghali ako ng gising. Nakita ko ang text ni Justine.
From: Justine.
Secret, mamayang hapon nalang ako pupunta diyan. May aasikasuhin pa ako.Kagabi pa 'tong text niya. Hindi na ako nakareply dahil sa pagod at antok. Bumangon na ako para kumain. Naabutan ko si Nate sa baba, aba, date na naman?!
"Ano ba 'yan, date na naman, araw-araw ba?"
"Kind of," nakangiti niyang sagot.
"Hindi ka ba nagsasawa sa mukha ni Mayuki? Halos kada araw kayong nagkikita."
Kulang nalang dito tumira si Nate, hatid-sundo niya si Mayuki. Tapos, napansin ko halos sabado o linggo ay lumalabas sila. Like, what?!
"Nate!" napatingin ako kay Mayuki na nakasuot ng floral dress. Saan ba sila pupunta?
"Ayos lang ba?" tanong ni Mayuki at umikot sa harapan ni Nate.
Psh.
"Yup, you look great."
Pwe.
"Umalis na nga kayo, nakakasira kayo ng view."
Tinawanan nila ako at inasar. Dumiretso na ako sa kusina at tinanong sina Manang kung anong pagkain niluto nila at kumain na. Pagkatapos kong kumain ay umidlip ako ng konti, nag-alarm ako around 1:30pm.
Tinext ko si Justine kung anong oras siya pupunta, 2pm siya pupunta. Agad akong bumangon at naligo. Nakablack longsleeves lang ako at black jeans with boots. Tinali ko buhok ko at naglagay ng lip tint. Kinuha ko shoulder bag ko at lumabas na ng kwarto.
Dumaan ako sa kwarto ni Lolo at nagpaalam na may lakad ako.
"Sino kasama mo, Apo?"
"Si Justine. Yung kaibigan ko."
"Na sabi pala ni Mayuki sa akin na nagkita kayo ni Ace."
Natigilan ako sa sinabi ni Lolo. Nilingon ko siya, hays. Sinabi ko na sakanya na ayaw ko na kay Ace dahil sa nangyari noon pero ewan ko ba at doon pa rin siya kumakampi.
BINABASA MO ANG
You Are Still My Boss
Teen FictionYears passed and you haven't heard anything of him since then. Will everything still be the same when he left? Is love still there? --- Season 02 of "Boss Kong Masungit" Enjoy 😊 Fighting!