Alvin's pov
Ano bang pumasok sa isip ko kanina? Her nose really bled! I feel kinda bad about it. Tss. I'll check my phone, nakalimutan kong nagcharge pala ako.
Pumasok na ako sa room, napakunot ang noo ko dahil may nakita akong bote ng gamot sa mesa. Familiar, saan ko ba 'to nakita?
Napakunot ang noo ko dahil walang nakalagay na pangalan or any label ang bote.
"Anong ginagawa mo, Alvin?" napalingon ako kay Kuya na kakalabas sa banyo.
"Kanino 'to?"
"Vitamins ko 'yan," sabay kuha ng bote.
"Bakit walang label? Herbal ba 'yan?"
"Hmmm, herbal. Mauna na ako sa'yo, hinihintay ako ni Rokia. Ano bang ginagawa mo dito?" tanong niya habang ibinabalik ang gamot sa bag.
"Kukunin ko cellphone ko," sabay tanggal ko sa charger at phone ko.
"Sige. Lock mo ang pinto," sabay labas ng kwarto.
Possible ba 'yon? Kung herbal, may ingredients naman siguro at dosage level. Machat nga si Nina.
Alvin: Nina, busy ka ba?
Nina: What's the matter, cousin?
Alvin: Pwede ba akong humingi ng favor?
Nina: Libre mo ako ng lunch?
Alvin: Nasa bakasyon pa ako.
Nina: Kapag bumalik ka na. Ano pala pabor na hinihingi mo?
Alvin: Nurse ka, diba?
Nina: Ay, hindi halata? 🙄 Gusto mo isampal ko sa'yo diploma ko?
Alvin: Naninigurado lang.
Nina: STUPID!
Alvin: Sorry 😅
Nina: Tss 😒
Alvin: Libre kita ng lunch. I want to ask you about a vitamin.
Nina: 🤨
Alvin: Pwede ba yung bote ng gamot ay walang label?
Nina: Depends, kung alam ng umiinom ang right dosage at kung para saan ang vitamin, that's okay. Pero much better if may label.
Nina: Why? Anong vitamin ba 'yan? Sinong umiinom?
Alvin: Si Kuya. Parang may mali kasi.
Nina: Bakit? Walang label ang bote? May his taking that a long time ago kaya alam na niya ang right dosage.
Alvin: Dapat same time mo iinumin ang vitamins, diba?
Nina: Anong vitamins ba kasi 'yan?
Alvin: Hindi ko nga alam!
Nina: Kumuha ka ng isa at ibigay mo sa akin kapag nakabalik ka na.
Alvin: Tnx.
Lumabas na ako ng kwarto at bumalik na sa baba. We're going to some bar or club later. Time flies so fast, gabi na. Hinihintay namin sina Miss Rokia. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ng makita si Pader.
I covered my mouth as I turned my back when I saw her. Ewan ko ba bakit ako napangiti.
"Nababaliw ka na ba diyan, Hermes?"
BINABASA MO ANG
You Are Still My Boss
Teen FictionYears passed and you haven't heard anything of him since then. Will everything still be the same when he left? Is love still there? --- Season 02 of "Boss Kong Masungit" Enjoy 😊 Fighting!