Chapter 6

140 7 0
                                    

Rokia's pov

"Miss, okay ka lang ba?"

Napalingon ako sa nagtanong. Isang lalaking naka white tshirt at hawaiian shorts ang nakita ko.

Who the hell is he?

Hindi ko siya sinagot. Kainis, panira ng moment. No, wait—not moment, sinira niya ang peaceful aura na nandito sa pool area. Tinalikuran ko siya.

"Sungit mo naman, Miss."

"Leave. Your presence is not needed here," inis kong sabi sakanya.

"Sungit nga, may problema ba?"

Ang kulit naman nitong taong 'to?

"Pakialam mo?! Just leave me alone! Or just shut the fuck up!" sabi ko habang nakatingin sa mukha niya.

Nakita ko kung paano nanlaki ang mata niya dahil sa gulat. Umayos naman siya ng umupo sa gilid ng pool.

"Umiiyak ka kasi, you know, concern citizen ako."

"Tsk."

"Fine, I'll shut up."

Pumunta ako sa part ng pool kung saan malayo sakanya. Nakakainis. Nagdradrama ako, umepal naman. Ayoko pang bumalik sa room, alam kong kukulitin ako nila Mayuki.

I felt betrayed. Nakakainis. Pinagkaisahan nila ako. Matagal na ba silang may contact kay Ace?! Tsk.

"Hey, we can talk about your problem," sabi naman nung epal.

"Alam mo, ang chismoso mo."

"Luh, chismoso, agad-agad? Sabi nila talking about a problem to others will lessen the weight of your shoulders."

Ume-english, saan kaya niya napulot yung quotes na 'yon?

"Chismoso ka lang talaga."

"Gusto mo e treat kita ng ice cream?"

"Ano ako bata?"

"Sungit," sabay pout.

"What the fuck? Wag kang magpout. Nakakadiri. Mukha kang ugly duckling."

"Alam mo, for a girl, ang lakas mong magmura."

"Pakialam mo ba."

"Hindi maganda pakinggan."

"Edi tanggalin mo ang tenga mo. Ako pa mag-aadjust? First of all, ako ang una dito. You, go away."

"You're harsh."

"Edi wag mo akong kausapin. Bullshit."

Napairap ako ng walang oras dahil sa inis.

Ilangoy mo nalang 'yan, Rokia, langoy.

"Ako nalang magshare ng problema."

"Bahala ka diyan."

Nagfloating ako, I wanna relax. Gusto kong maglaho ang galit, inis, at tampo ko sakanila. Pero, hindi talaga mawala, e.

"Nagbreak kami ng girlfriend ko."

"Pakialam ko sa inyong dalawa."

"Just let me share. Tapos, ikaw naman magshare."

"Ayoko nga. Chismoso."

"Charot. Wala naman talaga akong girlfriend."

Hindi ako umimik, bahala ka diyan.

"Hey, natutulog ka ba?"

Bahala ka, mabulok ka diyan.

"Bibili ako ng ice cream, ikaw dito ka lang?"

You Are Still My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon