Emma's pov
"Tinanong ko si Kuya at sinabi niyang wala raw siyang girlfriend."
Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Hermes. Hmmm.
"E, sino yung babaeng 'yon? Yung Stephanie Cortez? Stinalk ko siya, Hermes at ang mga post niya ay madalas picture nila ng kuya mo!"
"Wala silang relasyon, 100 percent confirmed na wala."
"Sigurado ka ba diyan?"
"Oo nga, he even showed me his messenger. About business lang pinag-uusapan nila ni Kuya. Hindi nga niya halos nirereplayan."
"Oh? Talaga?"
"Oo nga."
"Bakit parang concerned girlfriend siya ng kuya mo?" tanong ko.
"Nakikita kong gusto niya si Kuya. Siya pala ang dahilan kung bakit naghiwalay sila ni Miss Rokia."
Nanlaki mata ko at napaayos ng upo.
"Sure? Bakit? Anong ginawa niya?"
"Hindi ko na tinanong si Kuya. Pero, parang ganun ang nangyari, base sa narinig ko. Lumabas kasi sila sa silid kaya hindi ko na narinig ang iba nilang pinag-usapan. So, wala silang relasyon."
"Edi, ibig sabihin may pag-asa pa na maging sila ulit?!"
"Yep. May pag-asa," pagsang-ayon niya sabay taas-baba ng kilay.
"Henrick!" napakurap ako ng may narinig akong babae sa kabilang linya, may narinig din akong pinto na bumukas.
"Ano?" tanong niya habang nakatingin sa ibang direksyon.
"Nandito na ang pizza. What are you doing?"
"Bababa ako pagkatapos nito."
"Oh? Ano ba 'yan? Naglalaro ka?" papalapit ata ang boses kay Hermes.
"Wag ka ngang lumapit!" saway niya.
"How dare you! May babae ka?! Akala ko ba ako lang?!"
Napanganga ako sa narinig ko sa kabilang linya.
"What the heck are you talking about?!" inis na tanong ni Hermes.
Oh my gosh, nag-e-LQ sila dahil sa akin?! Hala! Oh my gosh! Ayoko madamay sa gulong 'to!
"Akala ko ba mahal mo ako! Sino ba 'yang babaeng 'yan?!"
"Oh my ghad! Hindi po ako babae ni H-Herme-A-Alvin! Nag-uusap lang kami, pasensya na po sa disturbo! Wag na po kayong mag-LQ! Spread love no hate, po!"
Napatingin si Hermes sa akin, narinig ko pang tinawag niya ako pero pinindot ko na ang end call button.
Oh my gosh.
Ano ba 'yon, muntik na ako doon. Ayokong maging third wheel! Kahit minsan gusto ko ng magkalovelife, hindi sumagi sa isip ko ang mang-agaw 'no!
Naalala kong nagchat yung kasamahan niya sa trabaho. Yung Creazia, grabe. Nakakahiya! Girlfriend niya ata 'yon, nakakatakot pa naman.
Creazia: Girlfriend ka ni Alvin?
Emma: Hindi, single po ako. Nag-usap lang kami kanina. Pasensya na po. May pinag-usapan kami, promise, usap lang.
Creazia: Good.
Naku, hindi ko na sinabi kay Hermes na nagchat yung Creazia sa akin. Baka mag-away pa sila, ayaw ko ng gulo. Tsaka, nag-usap lang naman kami.
BINABASA MO ANG
You Are Still My Boss
Dla nastolatkówYears passed and you haven't heard anything of him since then. Will everything still be the same when he left? Is love still there? --- Season 02 of "Boss Kong Masungit" Enjoy 😊 Fighting!