Ace's pov
Nakahiga kami ni Boss dito sa blanket na inilapag namin dito kanina. Star gazing muna kami bago matulog, sa tent matutulog sina Elric. Habang sina Mayuki naman doon sa kwarto ni Ate Helia. Close naman silang mga babae kaya ayos lang. Nandoon sila sa sala nanonood ng movie.
"Panget," tawag niya sa akin.
"Yes, Boss?"
"I love you so much, tandaan mo 'yan," sabi niya at niyakap ako.
"I love you too so much, Boss," at hinalikan ko noo niya.
"Baka may mahanap kang iba doon?"
"Boss, hindi mangyayari 'yan."
"Baka may humalik sa'yo doon!"
"Boss, walang hahalik sa akin."
"Akin ka lang."
"Of course, Boss. Iyong iyo lang ako."
I heared her sighed. Niyakap ko siya, tiningnan ko ang mukha niya. She's officially mine. Noong sinagot niya ako, akala ko nanaginip lang ako nun. Pero, hindi! Totoo ang lahat, sinagot niya ako.
Hindi ako nag-expect na may surpise siya. Akala ko papagalitan ako ni Lolo Dizon dahil sabi ni Boss na may importanteng papeles siyang ihahatid at hindi niya nahatid kaagad. Kinabahan ako ng tinawag ako ng staff sa hotel na papuntahin ako sa pool area. Pumasok talaga sa isip ko na baka lunurin ako ni Lolo Dizon.
"Panget," tawag niya.
"Hmmm?"
"Tawagan mo ako kaagad o chat kapag nandoon ka na, okay?"
"Yes, Boss."
Napapaikit ako ng naramdaman kong nagvibrate cellphone ko. Tss. Oras na ba? Tiningnan ko si Boss, nakatingin siya sa kalangitan.
"Boss, pasok muna tayo, lumalamig na."
"Okay," bumangon na ako at tinulungan siya bumangon.
Namumula ang pisngi ko ng naramdaman kong hinalikan ni Rokia ang pisngi ko. Nauna na siyang pumasok, naghuhurmentado na naman ang puso ko. Iba talaga epekto niya sa akin.
Pumasok na rin ako, nagpaalam ako sakanya na e charge cellphone sa taas. Pagkapasok ko sa kwarto ko, isinirado ko ang pinto. Chinarge ko cellphone ko at kinuha ang isang bagay sa bag ko.
May stock pa ba ako? Makakaabot pa kaya 'to sa flight bukas? Sana bumili nalang ako kanina. Hays.
Uminom na ako ng tubig, muntik na akong mabilaukan dahil bumukas ang pinto. Mabilis kong itinago sa bag ko ang bag na iyon at tiningnan kung sino ang pumasok, si Alvin pala. Tinaasan niya ako ng kilay.
"Ayos ka lang ba, Kuya?"
"Hmmm, ayos lang, bakit?"
"Parang may ginawa kang masama."
"Guni-guni mo lang 'yan," at tumawa ako.
"Whatever, pahiram ng gitara."
"Kunin mo nalang."
Pagkatapos kunin ni Alvin ang gitara ay lumabas na siya sa kwarto. Muntik na ako doon. Hays.
Bumaba na ako at nakisali sa movie marathon nila. Tumabi ako kay Rokia at inakbayan siya. Umusog siya papunta sa akin. Sana hindi matapos ang gabi na 'to. Ayaw ko pang umalis.
————
"Hayate, Anak, sigurado kang hindi ka kakain?" tanong ni Mama.
"Wag—"
BINABASA MO ANG
You Are Still My Boss
Teen FictionYears passed and you haven't heard anything of him since then. Will everything still be the same when he left? Is love still there? --- Season 02 of "Boss Kong Masungit" Enjoy 😊 Fighting!