Chapter 2

330 19 0
                                    

Title : Ang Girlfriend Kong Siga
Genre : Random
Status : COMPLETED (Follow me on watty 👉Yanyankimseokjin👈
First Date Published: March 14,2020
Last Date Published : May 27,2020

----------PLAGIARISM IS A CRIME----------

[• CHAPTER 2 •]

[• Ysabella Sven POV. •]

Kanina pa ako palakad-lakad dito sa side walk,hays...wala parin akong makitang trabaho,Paano kaya kung hintayin ko nalang yung sinasabi ni Kenji? Wala naman sigurong mawawala sa akin diba.

Nauuhaw na ako *pout* May nakita akong panadirya kaya pumunta na ako dun at bumili ng softdrink saka tinapay,sakto ding gutom na ako.

Umupo na ako sa bakanteng upuan dito sa panadirya at magsisimula na sanang kumain kung walang may nang-bwiset sa harapan ko!!.

Pati ba naman sa panadirya?! Walang pili na sila kong maghalikan ah!! Nakakabanas na sila!!! Hindi ko na talaga carry!!! Pigilan niyo ko mga hinayupak kayo!! Pigilan niyo ko!! Pupugutan ko ito ng ulo!!.

Hindi ko na talaga na carry kaya tumayo na ako at dinala ang aking softdrink saka pinaligo sa kanilang dalawa.Parang bulate ang babae kung umakto,psh! Sapakin ko ito eh.

"The fuck ,Ms.!!"

Inis na pinahiran ng lalake ang kanyang mukha na basa ng softdrink.

"Hoy!! Ano ba ang problema mo?!"

Sigaw sa akin ng haliparot na babae.

"Wala *smile* ang baboy niyo kasi sa harapan ko"

Inirapan ko silang dalawa at kinuha ang tinapay ko sa aking mesa saka nag-walk-out.

Ang dami namang lugar! May apartelle naman,may pension house,at may hotel din eh bakit hindi sila dun mag chu-chu?,diba tama ako! Na dun dapat sila!.

Kaasar sila ah!! Nawalan na akong gana,makauwi na nga lang sa bahay =_=.

*****************   *****************

"Ella,kamusta na? Parang badtrip ka yata ah"

"Ang aga pa nyan tsong ah,wala lang 'to nainis lang ako kanina"

"Kanino? Upakan na namin?"

"Hahahaha!! 'Wag na tsong kaya ko naman siya"

"Siyanga pala sabi ni Reggie mamayang gabi pa sila uuwi ng nanay mo"

"Nako naman! Nag-date na naman ang aso at pusa"

Tumawa kami ng tumawa kasama ang mga kaibigan ni tsong,akala niyo ba tiyuhin ko siya? Hindi nuh! Tsong kasi yung palayaw niya...ewan ko dyan sa mga magulang niya kung bakit tsong pa ang ginawang palayaw,pagkalabas niya ba mukha ba siyang tsong? Tsonggo?! Bwahahahaha!! Shush lang kayo.

"Uuwi ka na ba?"

"Hindi tsong babalik pa ako"

"Mamaya ka na umuwi,tambay muna tayo"

"Tsong tambay lang walang tayo"

"Hahahaha...pilosopo ka talaga Ella manang-mana ka sa tatay mong siga"

"Naman,tatay ko yun eh alangan naman sayo ako mag-mana...ma-tsonggo pa ako niyan"

"Bwahahahaha!! May tanong ako Ella"

"Ano yun tsong?"

"Kayo na ba ni Kenji?"

Nag-taas baba ang kanyang kilay at nakapaskil sa kanyang makapal na labi ang ngiting malapad.

Ang Girlfriend Kong Siga - ( Zhion Ashton Yanson Romance Series #1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon