Chapter 3

260 17 0
                                    

Title : Ang Girlfriend Kong Siga
Genre : Random
Status : COMPLETED (Follow me on watty 👉Yanyankimseokjin👈
First Date Published: March 14,2020
Last Date Published : May 27,2020

----------PLAGIARISM IS A CRIME----------

[•CHAPTER 3•]

[• Ysabella Sven POV. •]

*tok! Tok! Tok!*

~Pre!!! Bilisan mo na!!~

"Teka lang!!"

Sigaw ko,atat na atat si Kenji eh.

~male-late na tayo eh!!~

Male-late?! Ang aga-aga pa kaya,excited masyado si Kenji psh.Inis kong kinuha ang bag at folder ko sa ibabaw ng side table at lumabas ng kwarto.

"Hoy bakla! Hindi pa tayo male-late nuh! Ang aga pa kaya"

"Ang aga din kaya ng traffic"

"Bakit ngayon mo lang sinabi?! Hay nako bakla halika na at ba ka ma-late pa tayo!"

Nag-patiuna na akong mag-lakad sa kanya,bakit ngayon lang niya kasi sinabi?! Edi sana tinayms two ko na ang kilos ko!.

*@Yanson Building Corporation*

Wow! Spell NGANGA! Tangina!! Ang laki! Tapos mamahalin pa ang mga gamit! Ang dami ding mga tao!.

"Pre,lalangawin na yang bunganga mo"

Sinamaan ko siya ng tingin at pumasok na kami ng elevator,pinindot niya ang 10th floor.Woah! Kaya pala subrang taas sa labas kasi hanggang 10th floor pala 'to?!.

"Pre paki-tikom nga ng bunganga mo"

"Mamaya ka sa akin"

Pag-babanta ko sa kanya at bigla siyang ngumisi.

"Mag-de-date ba tayo mamaya?! Sige payag ako,susunduin kita ah"

Tinaas ko ang nakakuyom kong kamao.

"Eh ito? Gusto mo makipag-date sa kamao ko?"

"Sabi ko nga bugbog-sarado na naman ako mamaya"

Ibinaba ko na ang aking kamao at sakto din ang pag-bukas ng elevator kaya lumabas na kami at nag-lakad sa mahabang pasilyo.

Maya-maya lang narating na namin ang isang malaking kulay gray na pinto at Pinindot ni Kenji ang parang isang doorbell saka automatic itong bumukas,Luhh! Whuvxidjhxd!!?? Akala ko ba hanggang tv lang 'to?! Meron pala nitong nag-eexist?!.

"Pre,halatang-halata ka na first time mong pumasok dito"

Bulong sa akin ni Kenji,eh ano naman ngayon? Atleast nagpaka-totoo ako diba tsk! Makalipas ang ilang minuto Hinatak na ako papasok ni Kenji.

"Good morning sir,kasama ko na po ang sinasabi kong pwede pumalit sa dating secretary ninyo"

"Seat"

Utos niya kaya umupo ako,teka!! Parang narinig ko na ang boses na yun ah!.

"Mauna na po ako sir"

"Salamat,Lopez"

Lumabas na si Kenji kaya ako nalang ang naiwan at ang lalaking naka-upo sa swivel chair na naka-talikod pa ito sa akin kaya hindi ko makita ang pag-mumukha niya,Maya-maya lang pina-ikot niya ang swivel chair para magka-harap kami.

Parehong nanlalaki ang aming mga mata.

"Ikaw?!"

Sabay naming sigaw na patanong.

Huminahon ka Ella,diba kailangan mo ng trabaho?! Tumikhim muna siya at umayos ng upo.

"Folder"

Binigay ko sa kanya at nag-dekwatrong upo,bakit ba? Gusto ko siyang inisin eh.

Ang Girlfriend Kong Siga - ( Zhion Ashton Yanson Romance Series #1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon