Chapter 52

83 4 0
                                    

[• CHAPTER 52 •]

[• Ae Cyan POV. •]

"Oh,inumin mo yan para kumalma ka"

Inabot naman ni T ang isang baso ng tubig saka tinungga ito.

Nandito kami ngayon sa dining area at bahagyang napapabuntong-hininga si T.

Si T ang pinakamasama magalit sa amin kaya sa lalong madaling panahon dapat ay pakalmahin siya,ayoko na maulit uli ang nangyari noong kaka-graduate namin.

Nilagay niya naman ang baso sa ibabaw ng mesa at narinig nalang namin ang pagbukas saka pagsara ng pintuan sa front door.

Umalis na si Mox,bakit ba siya nagagalit? Alam niya naman na una palang ay kalaban na ang kanyang syota,bakit hindi niya matanggap yun? Mahirap ba tanggapin yun?.

"Pre,puntahan ko lang si Sab sa itaas"

Tumango naman sa akin si T kaya tinapik ko naman ang kanyang balikat saka tumungo na ako sa itaas.

Dumiretso ako sa silid ni Sab saka kumatok.

"Pasok"

Pinihit ko naman ang siradura saka binuksan ito,pumasok na ako at nakita ko naman si Sab na tinatanggal ang ilang bubog na nakatusok sa tagiliran niya.

Pumunta naman ako sa drawer niya saka kinuha ang first aid at lumapit sa kanya.

"Ako na,baka ma-paano kapa"

Hindi naman siya umimik kaya ginawa ko na ang dapat kong gawin.

Ito ang ayaw ko eh,ayoko na may nag-aaway sa grupo namin.

Pagkatapos kong linisan at gamutin ang kanyang sugat niligpit ko na ang mga ginamit ko.

"Next time kung mag-aaway kayo,'wag kayo dito sa bahay"

Nag-thumbs up lang naman siya kaya tumungo na ako sa pintuan saka lumabas at sinara ito.

Alam kong gusto niyang mapag-isa ngayon kaya tumungo na ako pabalik sa dining area at nandun parin si T.

"Kamusta siya?"

Bungad agad sa akin ni T,ibang klase talaga 'to..kahit galit na kanina pero nag-aalala parin siya.

Kaya saludo ako sa taong 'to eh,kahit nanggigiba ng gamit (^^).

"Okay na siya,malayo sa bituka ang sugat"

"Puntahan na natin si V"

Suhestyon  niya,umupo naman ako sa kabilang upuan na kaharap lamang ng upuan niya.

"Bakit pa? Masamang damo yun kaya matagal yun mamatay"

"Eh kung balian kaya kita ng buto?"

"Tsk! Bagal mo! Tumayo kana dyan"

Nakasimangot kong utos sa kanya,tumayo na kaming dalawa at nauna naman akong naglakad palabas ng dining.

Kinuha ko muna ang phone ko saka tinext si Sab.

------------------------------------------------------

To : Sab😎

Eyy! Sab! Punta muna kami  ng ospital ha...bka kc natigok  na dun c V ✌

------------------------------------------------------

Binalik ko na sa bulsa ko ang selpon saka lumabas na kami  ng bahay ni T.

"Kaninong sasakyan ang gagamitin natin?"

"Sayo nalang"

"Bakit yung sa akin? Yung sayo nalang"

Ang Girlfriend Kong Siga - ( Zhion Ashton Yanson Romance Series #1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon