Chapter 4

230 15 0
                                    

Title : Ang Girlfriend Kong Siga
Genre : Random
Status : COMPLETED (Follow me on watty 👉Yanyankimseokjin👈
First Date Published: March 14,2020
Last Date Published : May 27,2020

----------PLAGIARISM IS A CRIME----------

[• CHAPTER 4 •]

[• Ysabella Sven POV. •]

Inis kong kinusot ang aking mata.

"Rise and shine sleeping beauty"

"Bakla *yown* ang aga pa ah,bakit nandito ka?"

Papungas-pungas akong umupo sa kama.

"Pre,remember natanggap ka sa trabaho kaya mag-sisimula ka na ngayon"

"Mamaya na,5 more minutes"

Sabi ko sa kanya at humiga ulit sa kama saka nag-talukbong ng kumot.

"Pre naman eh,ayaw pa naman ng late ni Boss"

"Hayaan mo siya,mas importante ang tulog ko kesa sa boss mo"

Pumikit na ako at naramdaman ko nalang ng may humila ng kumot.

"Hoy pre!! Kapag hindi ka pa babangon dyan tatadyakan na kita"

"Eh kung ikaw kaya tadyakan ko?"

Sabi ko sa kanya na naka-mulat pa ang isang mata.

"Isusumbong kita kay tita"

Lumabas na siya ng kwarto ko,takte! Sumbungero talaga kahit kailan!.Dali-dali akong tumayo ng kama at kumaripas ng takbo sa banyo.

~Ella!!!~

Napa-pikit ako ng mariin,ang lakas talaga ng boses ni nanay kaya ang laki ng bunganga niya eh *pout* maka-ligo na nga,nagising na ang natutulog kong diwa dahil sa hinayupak na baklang yun!.

*fastforward*

"First day pala ng trabaho mo tapos ang kupad-kupad mo pa kung kumilos!"

Kanina pa yang ganyan si nanay eh,sermon to the max tapos si tatay naman nilalagyan ako ng pagkain sa plato.

"Nay,unli na po kayo nasasaulado ko na po ang mga sermon ninyo"

Mas lalo pang dinamihan ni nanay ang sermon niya kaya lumabas ako ng bahay na nakasimangot =_=.

"What's with the face?"

Walang sabi-sabi ko siyang sinuntok sa braso.

"Oww!! Bakit pre?...ang sakit ha"

"Kasalanan mo yan dahil sayo na sermunan ako!"

"Ikaw kasi eh,ayaw pang kumilos"

"Gusto kong masesante ako eh"

"Bakit naman?"

Kunot-noong tanong niya.

"Mas mabuting tatambay na muna ako"

"Luhh!! Ibang klase ka talaga"

Inirapan ko na lang siya habang nag-lalakad kami sa daan,psh! wala ako sa mood makipag-biruan sa kanya ngayon at isa pa kulang talaga ang tulog ko.

***************** *****************

"You two are late"

Sagupa sa amin ni Ashton sa daan,napa-kamot-kamot ng ulo si Kenji.

"Sorry po sir,hindi na po mau-ulit"

"Okay sige,pumunta ka na sa trabaho mo"

"Salamat po"

Ang Girlfriend Kong Siga - ( Zhion Ashton Yanson Romance Series #1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon