Chapter 50

88 2 0
                                    

[• CHAPTER 50 •]

This Chapter was dedicated to Cassandra Herrera,Charmyl Puasan,Leah Antonio,Crystal Pearl Gumban Biogos at Luchielg Montaño Momo....salamat sa pagbabasa💜💜💜

******************************

[• Ysabella Sven POV. •]

Pagmulat ko palang ng aking mga mata mukha agad ni Ashton ang sumalubong saakin.

Napangiti naman ako,sana palagi ganito pero may dapat pa akong gagawin at tatapusin.

Hinawakan ko naman ang pisnge niya at maya-maya tinusok-tusok ko na yung pisnge niya gamit ang hintuturo ko.

"Ashton...hoy...Ashton...gising na"

Dahan-dahan naman siyang nagmulat ng mga mata saka lumaki ito bigla at napausog siya palayo saakin kaya ang kinalabasan ay na hulog siya sa kama.

Napabangon naman ako at tiningnan siya ng naka-kunot ang noo.

"Fuck!!"

"Bat kaba gulat na gulat?"

Tumingin naman siya saakin na shock na shock saka sinampal niya bigla ang pisnge niya.

Napangiwi naman siyang hinawakan ang kanyang pisnge.

"Hays,akala mo ba panaginip to?"

Agad naman siyang tumango.

Gumapang naman ako papunta sa kabilang bahagi ng kama.

Tumayo naman ako at umupo sa tabi niya saka piningot ang tenga niya.

"Aray!! Aray Sven!!"

Namumula naman ang kanyang tenga na binitawan ko.

"Aish!! What was that for?!"

"Para gumising kana! Mukhang tulog na tulog parin ang diwa mo eh!"

Tumayo na ako at pumunta sa walk in closet niya.

"Wait,why are you wearing my shirt? May nangyare ba kagabi?"

Napaubo naman ako bigla sa tanong niya at napahigpit ang hawak ko sa hanger.

Maya-maya lang naramdaman ko ng may yumakap na saakin sa likuran ko.

"Am I going to be a  daddy?"

Agad ko naman siyang hinampas ng mahina gamit ang hanger.

"Ouch!"

Maarteng daing niya,bumabakla yata ito =_=.

"Ano ba yang pinag-sasabi mo ha?"

"Eh malay ba natin baka may mabuo diba"

"Anong mabuo? Walang nangyare kagabi tsk! Lasing kana nga kagabi"

"Alam kong walang may nangyare,iniinis kalang eh"

"Bitaw nga maliligo na ako pahiram ulit ng damit mo"

"Kahit hindi kana nga mag-damit eh"

"Ulol! Bitaw na nga!"

Agad naman siyang bumitaw kaya napaharap na ako sa kanya.

"Let's bath together,Sven"

Kahit kailan talaga puno ng kapilyuhan ang lalaking ito *pout*.

"Dun ka sa lababo maligo!"

Bigla namang nawala ang kanyang malapad na ngisi.

"Ang liit kaya ng lababo"

"Wala na akong pake"

Ang Girlfriend Kong Siga - ( Zhion Ashton Yanson Romance Series #1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon