Chapter 24

93 6 0
                                    

[• CHAPTER 24 •]

[• Ysabella Sven POV. •]

"Grabi ka naman Mox kung di pa kita nahuli after 2 years ko pang malalaman na may jowa kang babae?!"

Tinakpan naman nito ang tenga saka pumikit ng mariin,kanina pa niya ako pinagigil eh.

"Dika naman kasi nagtanong!"

*poink!*

"Bi naman!!"

"Kahit na! Dapat sinabi mo parin saakin nuh!"

"Di mo nga sinabi saakin na kasali ka sa gang eh!!"

Tinakpan ko naman kaagad ang bunganga niya,baka marinig kami nina nanay at tatay,siguradong malalagot ako!! Ayaw pa naman nilang sumali ako sa mga illegal,kumbaga ang parang tanod form ko sa barangay ay parang panlabas na anyo ko lang yan pero ang totoo talaga sumasali ako sa mga basag-ulo.

"Saan mo nakalap ang impormasyong yan?"

Madiin kong tanong sa kanya ngunit mahina lang.
Inalis niya naman ang kamay ko at sinamaan ako ng tingin.

"I have my ow-..."

"Own source,yeah I know that"

Naka-cross arms kong dugtong sa kanya ngunit inirapan niya lang ako at nagdekwatrong upo.

"Now,explain to me everything"

Seryosong saad niya naman,takte!! Mapapasubo yata ako kay Mox ngayon ah.
Napabuntong hininga naman ako at nasuklay ang aking buhok gamit ang aking kaliwang kamay.

"Paano ko nga ba sisimulan?"

*poink!!*

"The fuck Mox!!"

"Just start from the very beginning stupid"

Kalma self!! Kaibigan mo yan kaya chill ka baka mabugbog mo yan ng wala sa oras.
Sumandal naman ako sa couch at ipinatong ang kanang braso ko saaking noo.

"It's all started when I save Kuya Frank"

"Wait! Who is Kuya Frank?"

"Patapusin mo muna ako pwede?"

Agad niya naman akong tinanguan kaya nagkwento na ako ulit.

*flashback*

Naglalakad ako pauwi at subrang dilim pa,tangina naman kasi eh bat pa kasi ako nagabihan ngayon?! Pahamak talaga ang mga gagong tambay na yun na nakasagupa ko sa may madilim na eskenita na muntik pa nilang gahasain ang isang nagtatrabaho sa call-center na babae buti nalang naagapan ko pa kaya napatulog ko yung mga walang hiyang tambay na yun!! Pero malas din dahil nagabihan ako at wala na akong masakyan na jeep o taxi atsaka bus =_=.

Nagulantang naman ako ng may humawak sa balikat ko at muntik ko pa itong suntukin ngunit mas nagulat ako ng makaharap ako ng bahagya sa kanya.
Duguan ang tagiliran nito,tanda ng isinaksak,may mga sugat pa ito sa braso at sa binti.

"Hala!! Watdapak kuya!! Anong nangyare sayo?!"

"M-m..."

"M-m ano?! Oyy!!"

Hinawakan ko naman ito sa braso at ngumiwi ito.

"Hala!! Sorry-sorry!!"

"M-may hu-humahabol s-saakin"

"Ano?! Kailangan nating magtago!!"

Tinulungan ko naman siyang makalakad ng maayos at nagtago kami sa isang liblib na lugar,takte! Ang malas naman ng gabi ko ngayon ang daming problema!.
May nakita naman akong basurahan kaya bahala na basta makatago kaming dalawa,una ko siyang pinapasok sa malaking kahon na puno ng basura at sumunod ako,nako Ella!! Magtiis ka muna its a matter of life and death ka ngayon!.

Ang Girlfriend Kong Siga - ( Zhion Ashton Yanson Romance Series #1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon