[• CHAPTER 22 •]
[• Ysabella Sven POV. •]
It's been 3 weeks simula noong bumalik na kami di na nagparamdam sina baks,Ashton at Mox although na magkakapitbahay lang kami ni Mox pero kapag pumupunta ako sa kanila parating walang tao.
Saan kaya nagsusuot-suot ang babaeng yun.
Diko maipagkakaila na namimiss ko si baks pero mas namimiss ko ang landi ni Ashton *pout*."Nay!!"
"Oh bakit?!"
"Alis po muna ako ah,sabihin niyo nalang po kay tatay pagdating niya"
Tumango na lamang si nanay kaya inayos ko na ang sarili ko,naka simpleng jeans and blue shirt saka naka sneakers na sapatos akong lumabas ng bahay,nang tuluyan na akong lumabas ng gate napansin ko namang may lumabas din sa gate ng bahay ni Mox pero hindi ito si Mox dahil naka clean undercut,black sweater,rip jeans,at korean shoes ito...mukha nga siyang koreano pero di ko makilala ang itsura dahil naka mask at shades ito.
Lalapitan ko na sana siya ng di sinasadyang nakita niya ako at bigla nalang tumakbo.
Luhh!! Natakot =_= psh,makaalis na nga baka ma-late pa ako eh at mapagsabihan pa ako ng ama ni Ashton.*@Kayake's Restaurant*
Bat ba palagi ang hilig ng mga Yanson dito? Siguro magka-business partner kaya suki na sila dito.
Nakita ko naman ang papa ni Ashton na kumakaway sa di kalayuan kaya agad ko naman itong pinuntahan."Magandang umaga po!"
Masiglang bati ko dito,napangiti naman ang matanda.
"Have a seat hija"
"Salamat po"
Umupo naman ako at may lumapit na saamin na isang waiter at nilagay ang mga pagkain sa mesa,wow!! Ang dami! Pero I hate vege *pout*.
"Kamusta kana hija"
"Okay na okay naman po tito,kayo po ba kamusta?"
"Okay naman,kain na muna tayo mamaya na ang kwentuhan"
"Sige po"
Hindi ko kinain ang ibang nakahanda sa mesa dahil deretso dessert ang aking kinain,natatawa namang napabaling ang ama ni Ashton saakin.
"Ay!! Oo nga pala Tito may itatanong po ako"
"Sige lang hija"
"Si Ashton po pala asan?"
"Akala ko ba palagi siyang nasa inyo"
Napakunot naman ang noo ko,ni hindi nga nagpakita ng mukha ang lalakeng yun sa bahay eh!.
"3 weeks na po siyang di nagpapakita saakin"
"Huh?...oh! Speaking of my son papasok na siya dito"
Napalingon naman ako sa entrance at naningkit ang aking mga mata,si Ashton plus Linta psh! Haliparot talaga =_= hindi nagpakita saakin ng 3 weeks dahil may nilalandi.
Marahas naman akong tumayo."Hija,kalma"
"Sandali lang tito"
Tinalikuran ko na si Tito at lumapit sa kanila ni Yanson,bahagya pang nagulat si Ashton ng sumulpot ako sa harapan nila.
"Nagulat ka yata"
Malamig kong turan sa kanya.
Tinaasan naman ako ng kilay na kasamang linta ni Ashton,aba =_= tinatarayan ako men!!.
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend Kong Siga - ( Zhion Ashton Yanson Romance Series #1 )
RomanceZhion Ashton Yanson, a well-known business tycoon who was always at the top of the bachelor list, found himself in a challenging situation when his father insisted that he marry one of the Flores' daughters. Fortunately, he encountered Ysabella Sven...