Chapter 31

87 4 0
                                    

[• Ysabella Sven POV. •]

Kanina pa ako dito sa kwarto at ayaw ko talagang lumabas,nahihiya ako kay Ashton *pout* baka habang natutulog ako umuungol pa ako at kung ano-ano...waaaah!!! I kennat!!!! Tangina! Naiimagine ko ang nangyare kanina at subrang nakakahiya!!.

Huhuhuhu!! Sana umalis na yun =_= para makalabas na din ako dito.

*phone ring*

Sinagot ko naman agad ito.

[Yow pre!]

"Hindi ako bingi bakla"

[Hahahaha!! Init ng ulo ah]

Napairap naman ako sa sinabi niya,masyado ba akong halata?.

"Ano ba kailangan mo ha?"

[Oo nga pala,sabi ni Tito baka bukas na kami makauwi]

"What?!"

Nanlaki naman ang nga mata ko,may possibility na sasamahan ako dito ni Ashton kagaya noon =_=.

[Aray!! Grabi ka makasigaw pre ha]

"Bakit bukas pa?!"

[Aba!! Sensya naman pre dahil marami pang bata ang kailangan ng tulong namin!! Wag kang mag- ala-....]

"Oo na oo na,mag-ingat kayo dyan nina nanay at tatay"

[Alegrado,pre]

Pinatay ko na ang tawag at napabuntong-hininga nalang ako,hays...hindi pa naman siguro alam ni Ashton na hindi pa uuwi sina nanay at tatay kaya safe parin ako.
Gutom na ako *pout* wala na siya siguro kaya lalabas na ako para kumain.

Binuksan ko na ang pinto at sumilip muna.

Tingin sa kanan,tingin sa kaliwa...clear
Lumabas na ako ng tuluyan at naglakad sa hallway.

"Hey"

Nanigas naman ako sa aking kinatatayuan at dahan-dahang humarap sa kanya,bagong ligong Ashton ang sumalubong saakin....teka!!!

"Damit yan ni tatay ah!"

"I borrowed it"

"Pwede ka namang umuwi ah"

"No can't do"

"At bakit?"

Tuluyan na akong napameywang sa harapan niya.
Tinaas niya naman ang kanyang selpon kaya nabasa ko ang text ni Kenji na pinapasabi daw ni nanay na bantayan ako.

"Umuwi kana nga! I'm not a baby anymore"

Napailing-iling naman siya at nilampasan ako,naamoy ko pa ang kanyang pabango...hmmm ang ban-....pwe!! Ang baho!.
Padabog nalang akong bumaba at tumungo sa kusina saka kumain.

Nang matapos na akong kumain,hinugasan ko na ang mga plato saka inilagay ito sa lalagyan at napadighay naman ako ng nasa living room na ako.

"Gross"

"Hoo!! Ang Arte mo!"

Inirapan niya naman ako kaya hindi ko nalang siya pinansin,umupo ako sa couch na inuupuan niya pero malayo kami sa isa't-isa.
Walang may gusto saaming umimik ngunit maya-maya binasag lang din naman niya ang katahimikan.

"Sven"

"Ano?"

Kunwari inis ang tono ko hahahaha!!.

Ang Girlfriend Kong Siga - ( Zhion Ashton Yanson Romance Series #1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon