Chapter 22

388 15 0
                                    

Chapter 22

Naalimpungatan ako sa pagyugyog ni Leigh. Napakusot ako ng mata bago magmulat pero agad rin naman akong napapikit dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko.

"Let's go swimming, Nach!" Leigh exclaimed. Parang hindi siya na-knock out kagabi at walang hangover ngayon.

Bumangon ako at hindi na nagulat nang makitang prepared na siya. Beneath her see-through dress, she's wearing a white two piece bikini.

"Okay, we'll do that after breakfast. By the way, I don't have any swimwears so I think, I'll just accompany you."

"Sus, ang dali solusyunan ng problema mo, Nachi. I'm all packed you know," she then winked teasingly at me.

Iniligay niya sa kama ang mga spare niyang swimwear at napakagat-labi ako dahil two-piece ang lahat ng iyon. "Ikaw na ang pumili. You have that nice curve, at maputi naman ang singit mo, kaya walang rason na mawawalan ka ng confidence sa sarili."

Ilang minuto pa akong inuudyok ni Leigh bago ako tuluyang bumigay. Nagsusuot naman ako ng bikinis pero nahihiya lang talaga ako. Pumili ako sa mga nakalatag na bikinis at hiniram ang boyshorts niya.

Nagpadeliver nalang kami ng breakfast dito sa room at bandang alas nuebe na nagpasyang maligo sa pool sa first floor.

I texted Clajj about my activities so at least he knew what I'm doing. Naunang sumisid si Leigh sa pool habang ako naman ay nakaupo sa recliner chair. Hindi pa sana ako maliligo kung hindi lang ako binasa ni Leigh.

"Leigh, samahan mo 'kong pumunta sa Tita ko, okay lang ba sa'yo?"

"Oh sure, no problem!" She smiled giddily. .

Kaniya kaniya kami ng direksyon kung saan lalangoy. I really enjoyed my time here, and then Leigh started splashing water on my face. Syempre gumanti ako pero napasobra lang ng kaonti.

"Grabe ka namang gumanti, Nachi." Bumusangot ang mukha ni Leigh.

"Sorry, hindi ko sinasadyang damihan ang pagsaboy ng tubig sa'yo." Sabi ko pagkatapos ay natawa.

Leigh rolled her eyes on me but I know she's kidding. "Anyways, you should see me off tomorrow! You're required to do so! My flight is at one in the afternoon."

"Of course, I'll do that. Kahit hindi mo pa sabihin." Nginitian ko siya at pinakalma ang sarili nang makitang nanunubig ang mga mata niya.

"Can we extend our vacation? Para kasing ang dali-dali lang. I feel like it's just a matter of seconds." Her voice was almost pleading.

"Even if we want to, I don't think we can. I'm sure you'll spend time with your family after this, and I understand you. Alam ko naman kasing iba na ang ginagalawan natin, at iba narin ang mga schedules."

Sadness reflected in her eyes but I knew she's aware that we can't do anything. Lumapit siya sa akin para yumakap nang mahigpit. We stayed in that position for few moments until I was the one to break the hug.

"Huwag mong kalimutan na bigyan ako ng updates tungkol sa nangyayari sa Manila ha?"

"Wala kayong TV girl?" sarkasmong tanong niya at natatawang sinabuyan ako ng tubig sa mukha.

Tinampal ko siya sa braso. "Loka, ang ibig kong sabihin ay updates tungkol sa nangyayari sa pamilya ko."

"Don't worry, makakaasa ka. Dakilang chismosa kaya itong kaibigan mo." Aniya at napakindat pa sa akin.

Umahon na kami sa pool matapos ang ilang minutong pagbababad. Kinuha namin ang roba na nakalagay sa recliner chair, at hindi na ako nagulat nang tuksuhin ni Leigh dahil nasulyapan niya ang cellphone ko.

Embraced By The Howling Winds (Antique Series #1)Where stories live. Discover now