Chapter 29

386 15 1
                                    

Chapter 29

My morning was never been the same when I was on my own. Now that Papa's here... and there's Tito Vaughn and Owen.

I took a deep breath before wearing my school coat and eventually exited the room. Dala dala ko na ang school bag ko pababa at nilagay ko muna 'yon sofa na sala bago tumungo sa dining table dahil ako nalang ang hinihintay.

"Kamusta ang pagpasyal ni Sienna sa'yo kagabi, Owen?" Kalmadong tanong ni Papa habang inaabot ang ulam.

"Okay lang po, Sir. Maganda po 'yong garden niyo lalo na sa gabi dahil sa lights." Sagot ni Owen at simpleng ngumiti bago ipagpatuloy ang pagkain.

"I've guessed Owen already told you the reason why we're here in your humble abode?" Tito Vaugh cheerfully asked.

Gustuhin ko mang ngumiti kahit pilit lang pero hindi ko magawa, ayaw makiayon ng katawan ko. Sino namang tanga ang gustong marinig ang impormasyon na 'yon?

Sigurado ba talaga sila? Para kasi kahibangan 'to! Umiiral pa ba ang marriage for convenience ngayon?

"Yes, I have heard enough from Owen, but I don't have any thoughts about it. I just think it's unreasonable as of the moment."

"That's understandable, maybe you're just shock. No pressure, you can take your time." Tita Vaughn calmly said and beamed at me.

Tuso si Tito sa negosyo pero may pakiramdam siya, hindi tulad ni Papa na ipagkakasundo ako na hindi man lang nasabi akin bago magdesisyon.

"They'll learn to love each other during marriage life, Vaughn. No need to delay this one, she can make a decision right away, right, Sienna?" Papa said and looked at me, hinting danger and threat.

I swallowed hard and didn't said a thing. I continued eating my food until I realized that I have to move or else I'll be late for school. I have no choice when Owen offered to accompany me to school, Tito Vaughn and Papa are expected me to agree, and it's like they don't want disappointing response from me.

"Dito na lang, Owen. Salamat sa paghatid," sabi ko nang tumigil ang kotse sa harap ng school. "Hindi mo na kailangang ihatid pa ako sa loob ng campus, baka maagaw mo ang atensiyon ng ibang estudyante."

Mukhang may sasabihin pa sana si Owen pero ayoko nang i-entertain iyon. I removed my seatbelt and without ado, I made my way out of the car and entered the campus.

Buong araw ko ay parang sira na talaga kahit hindi pa ako nagigising kanina. Hindi ako nagpa-participate sa klase kasi nga hindi ko naman halos maintindihang nag tinatalakay ng guro namin sa harap.

Pag-uwi ko ng bahay may panibago na naman akong haharapin. Sa totoo lang, alam kong galit na si Papa sa mga matapat kong sagot tuwing tinatanong ni Tito Vaugh. Alam ko rin na may hangganan 'yon at hindi ko dapat i-push ang buttons niya kung hindi ako naman ang malalagot.

"Son, sasabay ka ba kay Sienna pabalik ng Manila? Bukas na kasi ako babalik, at wala namang problema sa akin kung gusto mo pa munang manatili. Ikaw, Isael kailan ka babalik?"

"Kailangan kong bantayan si Sienna at Owen dito. Sa Linggo sila tutulak papuntang Manila at susunod ako sa kanila kinabukasan ng araw na 'yon."

Nayanig ang mundo ko sa sinabi ni Papa. Napatingin ako sa kaniya, seryoso iyon pero sa kaloob-looban ko gusto kong magwala sa galit. Wala man lang ba'ng balak si Papa na sabihin sa akin 'to?

Maagang natapos ang hapunan namin. Si Tito Vaughn ay gusto magtsaa sa balkonahe, si Papa ay dumiretso sa library dahil may gagawin, at si Owen ay nagpaalam na maliligo sa dagat.

Ilang minuto palang na umalis si Papa ay naging kabado ako nang lumapit si Manang para sabihing pinapatawag ako sa library. Mas gugustuhin ko pang sumama kay Owen kesa pumunta sa library dahil alam kong puro bad news iyong hatid ni Papa.

Embraced By The Howling Winds (Antique Series #1)Where stories live. Discover now