SROL [7]

104 22 0
                                    

"Next week na ang birthday ni Cali. Anong plano natin?"

Nandito kami ngayon sa basement ng condominium building ni Calista para pag-usapan ang tungkol sa plano naming surprise sa kanya.

"Should we plan for our surprise now?" Aaron asked us.

Gustuhin ko mang magsalita pero inaantok at nahihilo na ako. Isama pang hindi nagrereply si Zeke sa mga text messages ko. Mukhang tulog na ata ang isang 'to. Wala ring dalang kotse si Lorelei kaya hindi ko alam kung paano kami uuwi dalawa.

"Pinaplano palang natin, nararamdaman ko nang magiging fail siya. Mabilis makaramdam si Cali," umiiling na sabi ni Lorelei.

"That's why we're trying to make a plan."

Napatikom ng bibig si Lorelei nang sabihin iyon ni Aaron. Nanlalaki ang mga mata niyang tumingin sa akin. Ayan! Yari ka ngayon sa crush mo!

"Lorelei is right, though. Surprising Cali will be difficult. Let's just set up a surprise fireworks show at the end of her party," Alexa suggested.

"E paano kapag sa bar ulit? Paano niya makikita kung nasa loob lang siya?"

Hindi ko na masundan ang pinag-uusapan nila. Nang hindi ko na ma-control ang hilo ko ay sumandal na ako sa kung kanino mang kotse itong nasa tabi ko.

Maya-maya lang ay may naramdaman akong presensya sa tabi ko. Nag-angat ako ng tingin at nakitang si Blade lang pala.

"Mind if I hold you?"

Wala sa sarili akong tumango kahit hindi ko naintindihan ang sinabi niya. Maya-maya lang ay naramdaman ko siyang hinawakan ang palapulsuhan ko bago binuksan ang front seat at inalalayan akong umupo. Kotse niya pala 'to!

"Are you okay?"

"Oo." Tumango ako. "Nahihilo lang ako."

"How are you going home? Susunduin ka ni Zeke?"

"Hindi ko alam. Hindi pa siya nagrereply sa akin."

Tumango siya at hindi na nagsalita. Hindi ko alam kung bakit pero parang naging komportable ako bigla sa pwesto ko. Kung paano ako nakauwi? Iyon ang hindi ko alam.

"Anong oras mo ako sinundo kagabi?" tanong ko kay Zeke nang maabutan ko siya sa living room pagkagising ko.

Pinagtaasan niya ako ng kilay. "Hindi kita sinundo," aniya bago muling binalik ang tingin sa tv.

Kumunot kaagad ang noo ko bago nagmadaling lumapit sa pwesto niya. "Paano ako nakauwi kung ganon?"

"Hinatid ka ni Blade."

Nanlaki kaagad ang mata ko at mabilis na umupo sa tabi niya. "Seryoso? Bakit at paano?"

"I don't know. I should be the one asking you that," he said before facing me. "How did you end up sleeping in his car?"

Napasabunot ako sa buhok ko nang maalala ang hilo na naramdaman ko kagabi. Inupo niya ako ron habang pinag-uusapan nila ang planong surprise kay Cali at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako!

"Paano ako nakarating sa kwarto ko kung ganon?"

"Of course I carried you, Gray. Sa tingin mo ba nakapaglakad ka pa kagabi sa sobrang himbing ng tulog mo?"

Malay ko ba kung si Blade pa ang nagbuhat sa akin paakyat!

Kinain ko lang ang hinandang hangover soup ni Zeke bago bumalik sa kwarto ko para buksan ang phone. Inuna kong replyan sila Lorelei at Cali pagkatapos ay wala sa sarili akong pumunta sa profile ni Blade.

Mabilis kong pinindot ang messages button at nagtipa kaagad ng message para sa kanya.

@zaragray: I heard from Zeke that you took me home last night. Sorry, nakatulog pala ako sa kotse mo. Naabala pa kita. But thanks for taking me home. Bawi ako next time

Steady Rhythms of Love (Ryker Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon