Halos sabunutan na ako nila Akira at Lorelei nang ikwento ko sa kanila ang nangyari sa araw na 'yon. Ayaw ko namang bigyan ng meaning ang ginawa niya kaya hindi ako nakinig sa mga sinabi nila.
"Tingnan mo! May pa against ka pa sa relasyon nilang dalawa tapos kikiligin ka!"
Binato kaagad ni Akira ang hawak niyang plastic bag kay Lorelei. Naghahanda kasi kami ng mga goods na ipapamigay namin sa orphanage sa sabado. Isa iyon sa charity na hawak ni Akira.
"Lahat nalang talaga pinapakialam mo!" iritang sabi ni Akira.
"Talaga! Pet peeve kaya kita!" hindi nagpapatalong sagot ni Lorelei.
Sa mga ganitong pagkakataon, mas gusto ko na lang talagang makinig sa malalakas na music kaysa pakinggan ang parang mga parang batang pagtatalo nila.
"Mabuti nalang wala kang boyfriend! Maaawa talaga ako dahil lagi niyang maririnig 'yang pagbubunganga mo!"
"Aba, mabuti na lang din mahilig kang tumulong sa ibang tao! Kung hindi, si satanas na mismo ang susundo sa'yo sa sobrang sama ng ugali mo!"
"Sa'yo lang masama ang ugali ko!"
"Ladies," singit ni Zeke. "Chill. Kahit multo, nabubulabog niyo na rito sa bahay."
Our supposed to be church day was cancelled dahil araw iyon nang pagpunta namin sa orphanage. I heard nagbigay na rin minsan ng charity dito iyong girlfriend ni Sean.
By 8AM ay nireready na namin iyong mga ipamimigay namin. Si Zeke naman ay nag-conduct ng free checkup sa mga bata dahil iyon din naman ang forte niya. Nagsama rin siya ng ilan sa mga kasama niya sa hospital.
Right after the free checkup, nag proceed na kami sa games and give off the things na prinepare namin. Halos mapagod na ako sa sobrang daming energy ng mga bata.
I was so tired and sleepy when we got home kaya naman hindi na ako nagulat nang halos late na naman akong magising kinabukasan.
Inaantok pa ako nang makababa sa SUV. Katulad noong mga naunang bisita ko rito, sinabihan ko na lang ulit si Migo na tatawagan ko na lang siya kapag magpapasundo na ako.
Kakapasok ko palang sa gate nang si Blade na kaagad ang bumungad sa akin. Mabilis niyang nahanap ang mga mata ko habang sumisimsim siya ng kape. Naka simpleng plain gray tshirt lang siya na may nakasabit na shades at black short. Mukhang wala siyang trabaho ngayong araw.
"Good morning," rinig kong bati niya nang makalapit ako sa pwesto niya.
"Good morning," bati ko pabalik. "Nandito na ba si Ashley?"
"Ashley's sick. Mataas ang lagnat niya kaya hindi ka na rin siya nasabihan. No one is available but me, that's why I'm here," he explained. "Are you going to stand there all day? Sit down," masungit na aniya kaya umupo na ako.
"Ah, ikaw na lang ba ang kakausapin ko regarding the interior designs?" nag-aalangang tanong ko.
Seriously speaking, I don't know how to talk to him. Tingin niya pa lang parang galit na galit na siya. Ang suplado niya lang lalo tingnan ngayon. Masungit naman na siyang tingnan dati pero mas sumobra lang ngayon.
"Obviously."
I was stunned by his answer. Since when did he become rude?! Maayos naman ang tanong ko. Or baka sa akin lang talaga? Hanggang ngayon ba... iniisip niya pa ring niloko ko siya?
I cleared my throat, putting aside the thoughts I have in mind. Nilabas ko na ang mga materials at pinatong sa mesa. I pulled out fabric swatches, color palettes, and flooring samples.
"Ashley and I wanted to discuss some options for the living area and bedrooms, especially for the color schemes and furniture placement," I began.
"Did you have your breakfast?"
BINABASA MO ANG
Steady Rhythms of Love (Ryker Series #2)
RomanceDriven by their own struggles, Zara and Blade set out on a path of self-exploration and recovery. They encounter obstacles along the road that put their love to the test and make them face unexpected struggles. They need to find a way to bring their...