Grabe! Para akong malalagutan ng hininga! Imbes na mag-focus ako sa panonood ng laro ni Zeke ay mas naging conscious ako dahil sa tingin ng ibang mga nanonood. Ni hindi ako makasabay sa bawat sigaw nila Lorelei at Cali sa tabi ko!
"I'll just greet some of my friends there," paalam ni Blade pagkatapos ng laro kaya naman nauna na kaming lumabas.
"Grabe! I've never seen Blade that clingy before. Hindi siya ganon kay Misha!"
Sinamaan ko kaagad ng tingin si Calista. Aba! Icompare ba naman ang mga ginagawa ngayon ni Blade sa akin sa mga hindi niya nagawa kay Misha.
"Dapat lang! Kasi what if clingy din siya dati? Mapapakanta ka nalang talaga ng glimpse of us."
Mas lalo akong sumimangot nang makisali sa pang-aasar si Lorelei.
"Balita ko bawal daw bumoses 'yong nireject ng crush tapos 'yong walang chance sa crush," hindi nagpapatalong sabi ko. Humalakhak ako nang makita ko ang mga reaksyon nila. Mga talunan!
Hindi na ako nag-abalang magpakita kay Zeke dahil nakita naman niya ako bago nag-start ang laro nila. Kumain lang din kaming apat. Inabot pa kami ng gabi dahil masyado ata kaming nag-enjoy na mag-arcade. Kung hindi pa siguro pinaalala sa akin ni Blade ang oras ay hindi ko pa mapapansin.
"Wala kang laro bukas. Wala ka ring training. Ibig sabihin nasa University ka lang?" malaki ang ngiting tanong ko.
"Yes."
"Talaga?"
"Why? You have plans for tomorrow?"
"Ibig sabihin idedate mo ako sa campus bukas?" makapal ang mukhang tanong ko.
"You want to experience that College Festival date?" natatawang tanong niya.
Sumimangot kaagad ako. "Kung ayaw mo, e 'di huwag! Nagtatanong lang naman ako."
"Hindi ko sinabing ayaw ko," mabilis na aniya.
"Idedate mo nga ako?"
"If that's what you want."
Nagpatuloy siya sa pang-asar sa akin kaya naman nang tumigil kami sa tapat ng bahay ay hindi na maipinta ang mukha ko. Alam kong magaling ako pagdating sa asaran pero ang hirap niyang pikunin!
"Wear something brown or white tomorrow para matchy tayo," excited na sabi ko.
Isasara ko pa lang sana ang pintuan nang biglang may dumating si Zeke. Hala! Hindi pa pala siya nakakauwi?
Ilang beses siyang bumusina bago binaba ang bintana sa pwesto niya.
"What? Aren't you going to open the gate for me?" masungit na tanong niya.
Mabilis akong lumapit sa gate at pinagbuksan siya! Nang makapasok ay sinarado ko kaagad ang gate bago patakbong lumapit kay Blade na ngayon ay nakatayo na sa gilid ng kotse niya.
"Napansin ka kaya niya?" nag-aalala na tanong ko. Hindi ko pa sinasabi sa kanya ang tungkol sa amin!
"He knows my car."
"Pero hindi ka naman ata napansin!" pangkukumbinsi ko sa sarili ko. "Sige na, kita na lang ulit tayo bukas—"
"What are you two still doing there?"
Naputol ang sinasabi ko nang biglang magsalita si Zeke sa likuran ko. Mabilis akong humarap sa kanya at nakitang nakahilig na siya ngayon sa gate.
"Bakit hindi mo siya papasukin sa loob?"
"Huh?" tanong ko. Wala akong maisip na pwedeng isagot!
"Invite your suitor to come inside," seryosong sabi niya bago tumalikod at muling pumasok sa loob.
BINABASA MO ANG
Steady Rhythms of Love (Ryker Series #2)
RomanceDriven by their own struggles, Zara and Blade set out on a path of self-exploration and recovery. They encounter obstacles along the road that put their love to the test and make them face unexpected struggles. They need to find a way to bring their...