SROL [24]

70 20 0
                                    

"Ang ganda!" manihang sabi ko habang nililibot ang paningin sa buong kwarto na tutulugan namin.

Naikot na namin kanina ang buong resort. Huling punta namin dito ay hindi pa renovated kaya sobrang daming nabago.

"Alam kong gusto mong makatabi ang boyfriend mo pero sinabihan ako ni Daddy na dapat hiwalay tayo sa pagtulog," baling sa akin ni Lorelei.

"Kahit pagsamahin niyo kami sa isang kwarto, hindi papayag si Blade na magkatabi kaming matutulog sa kama!" umiirap na sabi ko.

Hello! Ilang beses na kaming nagkaroon ng chance na matulog sa iisang kama pero ilang beses niya na ring sinabi na hindi pwede dahil nirerespeto niya ako at ang mga magulang ko.

Gustuhin ko mang magpumilit at sabihing wala naman kaming gagawin pero magsasalita palang ako ay humihindi na kaagad siya! Ayaw ko namang ipilit dahil baka kung ano ang isipin niya. Baka mamaya isipin niyang iyon ang habol ko!

"Anong susuotin niyo? Swimwear na ba?" tanong ni Alexa.

"Magsusuot lang ako ng halter top at shorts para kapag bigla akong tinulak o hinila sa pool, ready ako," mabilis na sagot ko.

Ako ang naunang nagbihis dahil undecided pa sila sa isusuot nila. Mabuti na lang hindi ako umaalis na hindi nakaplano ang outfit ko kaya hindi ako nahihirapan.

"Ano 'yan?" tanong ko nang maabutan ko silang tatlo na may tinitingnan sa phone ni Cali pagkatapos kong nagbihis.

Sabay-sabay silang nag-angat ng tingin sa akin bago nagkatinginan. 

"Baka binabackstab niyo 'ko, ha!" pang-aasar ko. Nilapag ko ang damit ko bago dali-daling lumapit sa kanila. "Patingin."

Hinayaan ni Calista na kunin ko ang phone niya. Unti-unting nanliit ang mata ko nang makita ko ang picture ni Misha. Zinoom ko iyon at nakita kong si Sajie iyong lalaking kasama niya!

"Hala, may something sila?" gulat na tanong ko.

Malakas na bumuntong-hininga si Alexa. "Hindi mo alam?"

"Kaya nga nagtatanong ako, eh!" Malakas akong tumawa.

"Sajie was the other guy when Misha cheated on Blade," seryosong sabi ni Cali.

"Huh?" gulat na tanong ko. 

Bigla ko tuloy naalala noong unang beses kong nakita si Sajie sa RU. Kaya pala feeling ko may tension between them! 

"Grabe. Downgrade, ha! Mukha palang, panalo na kaagad ang boyfriend ko!"

"Malamang," Lorelei agreed.

"Akala ko naman kung ano. Picture lang pala nilang dalawa!" sabi ko bago binalik ang phone ni Cali. "Magbihis na kayo para makapag-start na tayo!"

Nagpatuloy sila sa pagkukuwentuhan tungkol sa kung anong meron kila Misha at Sajie kaya napailing na lamang ako habang nakikinig. 

At dahil mukhang wala pa silang balak magbihis, nagsabi akong lalabas na para iready ang mga pagkain na lulutuin mamaya.

Sinubukan kong pumunta sa kabilang room kung nasaan ang boys pero hindi na rin ako tumuloy dahil baka nag-aayos din sila. Didiretso na sana ako sa pool area nang makita ko sila Blade at Josiah sa gilid kaya naisipan kong lumapit.

"Hello," nakangiting bati ko. Blade's arm immediately found its way to my waist nang umupo ako sa tabi niya.

"Clingy naman," pang-aasar ni Josiah.

"Get yourself a girlfriend," masungit na sabi ni Blade.

"Sus! Gusto mo lang talaga akong inggitin." umiiling na sagot nito. Sumandal ako sa balikat ni Blade habang pinapanood ang ginagawa niyang paglaro sa daliri ko. "Sarap siguro sa feeling na magkaroon ng meron kayong dalawa 'no?"

Steady Rhythms of Love (Ryker Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon