SROL [14]

90 22 0
                                    

Ilang araw akong hindi pinatulog ng mga sinabi ni Blade. Busy na siya sa training kaya hindi ko siya ginugulo. At isa pa, naguguluhan din ako sa sinabi niya!

Hindi ko naman pwedeng ikwento kay Zeke o sa dalawang kaibigan ko dahil natatakot akong baka suportahan lang nila ang pagiging delulu ko!

Hay Blade, ano ba kasi talaga tayo?

Imbes na mag-isip ng kung anu-ano ay inabala ko nalang ang sarili ko sa mga dapat kong gawin. Gumawa ako ng plates, nag-review, nag advance study. Minsan kapag tinatamad na akong mag-aral at nasasaktuhan kong online si Blade ay minemessage ko siya. Hindi nga lang nagtatagal dahil alam kong kailangan niya ring matulog ng maaga.

"Guess what, Lorelei."

"What?"

"I'm planning on throwing you a birthday party this weekend sa Friends and Lovers. That will be my gift sa'yo! You can invite everyone. I'll rent the whole club."

Nanlaki kaagad ang mga mata niya sa sinabi ni Cali.

"Ano? Alam kong galante ka pero huwag ka ngang gumastos para sa party ko!"

"Come on! Wala na akong idea kung ano ang pwede kong iregalo sa'yo. Para hindi ka masyadong ma-guilty, maghahati na lang kami ni ZG tapos hindi na namin bibigyan ng material thing as a gift!"

"Right." Tumango ako. "Hindi ka naman na minor. Siguradong papayagan ka rin nila Tito. And besides, ano pa bang pwedeng ibigay sa'yo? Lahat din naman kaya mong bilhin!"

"Tumigil kayo, hindi biro ang gastos sa mga ganyan! Tapos Friends and Lovers pa!"

Sabay kaming umirap ni Cali. Kung siya rin naman ang nasa posisyon namin baka mas bongga pa ang maiisip niya!

"Okay, we'll also invite some of my friends para sulit. Okay ka na ba ron?"

Umirap si Lorelei. Gusto niya pang tumanggi pero alam niya naman hindi niya kami mapipigilan kaya tumango na lang siya.

Iyon nga ang naging plano namin. Cali took part of everything. Tumutulong lang ako kapag may sinasabi siya. Siya lang din ang nag-invite dahil wala rin naman akong ibang kaibigan na pwedeng imbitahin.

"We're hosting a party for Lorelei at Friends and Lovers. Gusto mo bang pumunta?" tanong ko kay Zeke nang naabutan ko siyang nakaupo sa living room.

"I'm tired from training, Gray," he told me. "Sinong maghahatid at susundo sa'yo?"

"Dadaanan ako ni Lorelei. Sa kanya na rin ako sasabay pauwi kung sakali."

Hindi ko na siya niyaya ulit dahil alam kong busy din naman siya sa training lalo na at malapit na ang University Fair. Hindi na rin ako umaasang makakapunta si Blade pero sinabihan ko pa rin siya kagabi.

Marami ng tao nang makarating kami. Halos mga students from SVU ang nakikita ko. Ang karamihan ay kakilala rin namin pero hindi ko ganon ka-close.

The dim lights of Friends and Lovers pulsed with the beat of the music. Ilang beses akong ngumiti para bumati sa mga nakakasalubong kong pamilyar sa akin.

"Hey, there!" nakangiting bati ni Cali nang sa wakas ay makalapit na kami sa kanya.

Cali immediately went to Lorelei and placed the tiara on her head. Nanlaki kaagad ang mata ni Lorelei bago bahagyang hinawakan iyon.

"Kayo talaga!" Umiiling na sabi niya.

"Go find yourself a boyfriend tonight!" Cali explained.

Natawa ako at hinayaan na sila ron. Nang medyo magtagal na kami sa pag-inom at gumanda na rin ang music, mabilis na hinawakan ni Cali ang kamay ko bago ako hinila papunta sa dance floor.

Steady Rhythms of Love (Ryker Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon