SROL [35]

56 14 0
                                    

Hindi ko gusto ang sinabi niya. Hindi ko gusto ang gusto niyang mangyari. Pero sadyang traydor talaga ang katawan ko at parang may sariling utak ang bibig ko para hindi sabihin iyon sa kanya.

Their vacation house was finished. Kinailangan ko nalang pumunta para masigurong walang magiging problema at pulido lahat.

The walls were adorned with art pieces I'd chosen, vibrant pillows and throws arranged on the seating, and lush indoor plants that Ashley suggested.

"Ate!" tuwang-tuwang bati ni Ashley. Excited siyang lumapit sa akin para yumakap. "Sabi nila pupunta ka for final visit kaya pumunta rin ako!"

"Oo. Titingnan ko lang ng mabuti."

"You know what, Ate? You've outdone yourself. I know I've said it before, but it's really incredible."

"Thank you," nakangiting sabi ko. "It's been a pleasure working on this."

Hindi pa man kami tuluyang nakakapasok nang dumating ang pamilyar na sasakyan. Kumunot kaagad ang noo ko nang makita ko si Blade. Pinagtaasan niya lang ako ng kilay nang magtama ang paningin namin.

"What are you doing here? Akala ko ba may lakad ka?" tanong ni Ashley.

Inayos niya ang pagkakatupi ng sleeve niya hanggang siko bago tumigil sa harapan ko. 

"Nandito ang lakad ko," aniya habang diretsong nakatingin sa akin.

Napairap ako. Hinila ko na si Ashley papasok. Alam kong may gusto siyang itanong pero hindi niya iyon masabi dahil mukhang naguguluhan siya. Kaya lang, parang buntot si Blade sa likuran ko na sunod nang sunod kaya naman hindi ako mapakali.

"Pwedeng huwag ka sa likuran ko?" maayos na pakiusap ko nang saglit na mawala ang atensyon sa amin ni Ashley dahil hindi ako nagiging komportable.

"Okay." Para siyang batang humakbang ng isang beses paharap at tumayo sa gilid ko. "Sa tabi mo, pwede?"

Napasapo ako sa noo ko. "Blade..."

Humakbang siya ng isang beses pakaliwa. "Ganito kalayo, okay na?"

Napabuga ako ng malalim na hininga at hindi na lamang siya pinansin. Paakyat na kami sa second floor nang muli siyang magsalita.

"Did you eat?"

"Not yet," mabilis na sagot ni Ashley.

Kumunot ang noo niya. "Hindi ikaw ang tinatanong ko."

"What?" baling kaagad ni Ashley sa kanya. Lumipat ang tingin niya sa akin pagkatapos ay binalik niya iyon sa pinsan niya. "Excuse me?!"

Nagulat ako nang biglang isabit ni Ashley ang dalawang kamay niya sa braso ko bago ako hinila palapit sa kanya.

"Kaming dalawa ang sabay na kakain! Huwag mo akong aagawan ng kasama!"

"Sino bang nagsabing aagawin ko?" Ngumisi siya. "Sasama ako."

Halos gusto kong agawin ang kanina niya pa pinaglalaruan na unan para ihampas sa kanya. Ano bang ginagawa niya? Baka kung ano pa ang isipin ng pinsan niya!

"It's a date!"

"Ano naman? Haven't you heard about trio dates?"

"Trio date? Sinong third wheel?!"

Mas lalong ngumisi si Blade. "Depende kung sino sa tingin ng mga tao."

Ayaw pumayag ni Ashley na sumama siya pero wala rin siyang nagawa sa sobrang kulit ni Blade. In the end, I just found myself eating shabu-shabu with them.

"Tikman mo 'to, Ate," sabi ni Ashley. Kanina pa kami rito at halos ipatikim na niya sa akin lahat ng inorder niya.

"Huwag masyado. Sumasakit ang tiyan niya kapag mabilis ang pagkain niya," sabi bigla ni Blade bago naglapag ng tissue sa gilid ko.

Steady Rhythms of Love (Ryker Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon