SROL [21]

74 20 0
                                    

"And we're off! Panther quickly gains possession, and here's Blade Ryker driving the lane! Look at that speed, Liza!"

"Ang bilis talaga ni Blade! At kita mo ang diskarte... diretso na siya sa ilalim! Naghahanap ng pasa—there he goes! Assist kay Josiah Evans, and shoot!"

"What a beautiful play by Blade Ryker to open the game! Now, Scorpion's got the ball. Here comes Zeke Cua, a rookie player known for his quick release..."

"Valdez, umiikot sa screen—ayun na! Aiming for three... pasok na pasok!"

Natapos ang first quarter na lamang ang SVU ng dalawang puntos. Gayunpaman, hindi pa rin tumitigil ang crowd makipagsabayan sa ingay ng kabilang team. Isama pa sila Cali at Lorelei na mukhang ayaw din magpatalo sa palakasan ng sigaw.

"Blade Ryker, once again, pushing the tempo. He's got Scorpion on their heels, and there's a crossover—oh, what a move! He splits the defense and–boom! A two-handed slam! Green Panthers take the lead!"

Naging mas mainit pa ang laro nang mag-second quarter na. Iyon nga lang, sa kalagitnaan ng third quarter ay mukhang isa-isa nang napapagod ang players ng SVU.

"Alam mo, Carlos, one thing I admire about Panthers are their stamina. Imagine, pagod na pagod na ang mga Scorpions pero sila ay mukhang nagwawarm-up palang!"

Mas lalong lumaki ang lamang nila Blade nang mag fourth quarter na. Hindi na rin pumapasok ang ilan sa mga bola ni Zeke dahil halatang pagod na rin siya. I can see the frustration in his face every time na lumilihis ang bola niya.

"One minute left on the clock, and the Green Panthers hold the lead. Sunnyvale needs to execute perfectly if they want a shot at winning this game. Pwedeng-pwede pa silang humabol—oh my! Blade Ryker with the block of the night! He just denied Sajie Montero, the team captain of SVU!"

Umingay ang crowd dahil sa nangyari. Pinanood ko ang reaskyon si Blade. Tinalikuran niya lang si Sajie na parang wala lang habang si Sajie naman ay nakita kong umiling na sinundan ng tingin si Blade.

Halos mabingi ako sa lakas nang sigawan nang mag-buzzer na. They won! RU won the first game! Gusto kong sumigaw but on the second thought, nasa natalong team ang kambal ko.

"And there you have it! Ryker University Green Panthers won the first game!"

Pinangunahan nila Josiah at Raven ang pagtakbo papunta kay Blade. Natawa ako nang halos madaganan na siya ng teammates niya. Maya-maya lang ay nakita kong lumapit si Zeke. They shook hands and Blade tapped my brother's shoulders. May binulong pa si Zeke na tinawanan at inilingan lang ni Blade.

"It's okay, baby! May second game pa!" sigaw ni Mommy nang makalapit si Zeke sa amin.

"Still congrats, twin! Ang galing mo kaya!" nakangiting sabi ko.

"Yeah, thanks," umiiling na sabi niya.

"It's okay, Zeke! Hindi ka man nanalo ngayon, ang mahalaga may nahila kang fans sa side namin!" biro naman ni Cali.

Tumingin ako sa court at nakitang lumalapit na si Blade sa mga fans sa gilid para pumirma at magpapicture kaya nagpaalam na muna ako kila Mommy na bababa na para puntahan si Blade.

Medyo nahirapan lang ako sa paglapit dahil hindi naman talaga allowed na pumasok sa mismong court. Hinintay ko munang maubos iyong mga nagpapapirma sa kanya. Nang makita niya ako sa gilid ay mabilis itong tumakbo palapit.

"Congratulations!" masayang bati ko.

"Thank you," nakangiting sabi niya bago ginulo ang buhok ko. "Hugs later," aniya habang tinuturo ang basang suot niya.

Steady Rhythms of Love (Ryker Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon