SROL [20]

75 21 0
                                    

Buong biyahe ay wala akong ibang ginawa kung hindi pakalmahin ang sarili. Ilang beses na akong sinabihan ni Blade na wala akong dapat ikabahala pero kahit na! Hindi ko naman pwedeng turuan ang sarili kong huwag kabahan.

"They're already inside," sabi niya habang inaalalayan ako sa pagpasok sa isang restaurant.

Nang pumasok kami sa isang pribadong silid ay natanaw ko kaagad ang magulang niya. Nag-uusap ang mga ito. Si Axel ang unang nakapansin sa pagdating namin.

"Happy birthday," nakangiting bati ko bago ibinigay ang hinanda kong regalo.

"Thank you, nag-abala ka pa," nakangiting sabi niya.

"You're here," bati ng Daddy niya bago nilipat ang paningin sa akin. Ginawaran niya ako ng isang ngiti. "Good evening, hija. Sit down."

"Good evening din po," nahihiyang bati ko.

"I know you already know her but for formality... Mom, Dad, Kuya, this is Zara, nililigawan ko."

Mabilis akong nagmano sa parents niya. His mom smiled widely at me and even gave me a hug.

"Hello! It's so lovely to finally meet you, hija! Blade has told us so much about you. Sit down!" masiglang bati niya.

"Kuya," pukaw ni Blade sa atensyon ng kapatid. Abala kasi ito sa cellphone kanina.

"Sorry. I'm talking to my client," paumanhin niya bago tumingin sa akin. "Zara, right? I'm Bryle, Blade's older brother. Nice to meet you."

Tanging ngiti lamang ang naisagot ko. Axel looks like his Mom kaya naman sa kanilang tatlo ay hindi ko maikakaila na mas mukhang approachable talaga si Axel.

Si Kuya Bryle ata iyong tinutukoy ni Daddy na anak ng Daddy niyang lawyer. Well, bagay naman talaga sa kanya!

Nang muli kong ibalik ang tingin sa Daddy nila ay doon ko lang na realize na nakuha nila Blade at Kuya Bryle ang physical features niya. Iyon nga lang, mas nakakatakot lang talaga tingnan si Kuya Bryle.

Para silang kambal ni Blade. The only difference between them is that he was taller than Blade, a bit, mas maskulado rin ang katawan at, maraming nunal sa mukha at... mabigat ang awra niya. He looks more serious. He looks like... a strict brother.

"Blade, assist her on her food," utos ng Daddy niya.

Si Blade ang naglagay ng mga pagkain sa plato ko dahil nanginginig pa rin ang mga kamay ko sa kaba . Kabisado naman niya kung ano ang mga gusto kong kainin at kung gaano karami.

"Zara, right? What's your family name again?" nakangiting tanong sa akin ng Mommy ni Blade.

"Cua po."

"Cua? How are you related to the popular Architect Richard Cua?" tanong bigla ni Mr. Ryker.

"Architect Cua? The owner of CSI?" curious na tanong ni Kuya Bryle.

"He's my dad po," nahihiyang sagot ko.

"What? Really?" medyo gulat na sabi ni Mr. Ryker. "I'm a fan of your father's works."

"Talaga po?" medyo natuwang sabi ko.

"Yeah. I've been trying to work with him but he's very busy. He's always fully booked whenever I'm calling his secretary," he joked.

Kilala si Daddy bilang isa sa mga magagaling na architect dito sa Pilipinas. Siya ang dahilan kung bakit nag-take rin ako ng architecture at kinalimutan ang passion ko sa music dahil gusto kong maging katulad niya. Pero parang nakakataba naman ng puso kung may fan si Daddy na isang Ryker!

Muling nag flashback sa akin ang biro ni Daddy na magdoudouble hard work siya. Mukhang hindi naman na kailangan dahil may fan siyang Ryker!

"I heard you're studying at RU. Architecture student, too?"

Steady Rhythms of Love (Ryker Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon