SROL [19]

86 23 0
                                    

Mas naging maayos ang kung anumang meron sa amin ni Blade sa mga sumunod na araw. Now that I already told him about my feelings, hindi ko na masyadong nililimitahan ang sarili ko.

"Hey, good luck on your game later. Galingan mo para tayo ulit ang magkaharap sa finals," I told my twin brother. RU already secured their spot for the semis kaya kailangan nilang manalo ngayon para makapasok din sila.

"Of course, Gray. Blade's going to watch our game. Are you going with him?"

Umiling kaagad ako. Niyaya ako ni Blade kaya lang mukhang hindi rin ako makakasama dahil may group plate pa kaming kailangan tapusin.

"Hindi na ako manonood sa live. Malakas ang kutob kong SVU at RU ulit ang magtatapat sa finals," siguradong sabi ni Lorelei.

"Me, too. But we'll never know, right? Bilog ang bola."

I was so stressed the whole day. Patagal nang patagal ay parami nang parami ang kailangan naming gawin. Hindi pa nakakatulong na masyado kaming binubugbog sa quizzes kaya naman buong araw kong hindi nahawakan ang cellphone ko. Saka lang ako nakapagreply sa mga messages ni Blade nang makauwi na ako sa bahay.

Me:
I'm sorry I couldn't reply to any of your messages. Tinapos namin yung group plate namin. Nakauwi na rin ako. Ikaw?

Dumeretso kaagad ako sa kwarto para makapag-shower at makapag-advance reading habang naghihintay sa reply ni Blade. Kanina pa tapos ang laro kaya naman baka may pinuntahan pa sila ni Josiah dahil sila ang magkasamang nanood.

Blade:
I'm home. Sorry for the late reply. I helped my cousin to cook food.

Tumigil ako sa ginagawa at ngumiti nang mabasa ang reply niya. Halos isang oras bago siya nakapag-reply. Iyon lang din naman ang hinihintay ko kaya inayos ko na muna ang mga gamit ko bago humiga sa kama.

Blade:
What are you doing? Did you eat?

"Gray, it's time for dinner."

Naputol ang balak kong paghiga nang kumatok na si Daddy. Mukhang nakauwi na rin si Zeke.

Me:
I'm going to eat na. Talk to you later

HIndi ko na hinintay ang reply niya. Pinatong ko sa side table ang phone ko para icharge bago tuluyang bumaba. Napangiti kaagad ako nang makita si Zeke na kakatapos lang maligo.

"Congratulations!" tuwang-tuwang sabi ko. Pabiro ko siyang niyakap kaya naman mahina niyang hinampas ang kamay ko. Arte naman! Akala mo hindi magpapayakap sa magiging girlfriend!

Natakam kaagad ako nang makita ang mga niluto ni Mommy kaya inirapan ko nalang siya at umupo na. Hindi ako nakakain ng lunch kahina kaya siguradong mapaparami ako ng kain ngayon.

"Mabuti nalang hindi niyo ka-bracket ang RU sa laglagan for finals. Goodluck sa inyo kung sakali dahil hindi na ulit magkakaroon ng SVU versus RU part two for championship," nakangising sabi ko.

"Balita ko bawal daw bumoses kapag hindi nanonood sa laro ko," sarkasitkong sagot niya.

Mabilis kong sinipa ang paa niya sa ilalim ng mesa kaya naman sinamaan niya kaagad ako ng tingin bago inirapan. Aba!

"Is it going to be SVU versus RU again for finals?" tanong ni Mommmy.

"Wala pa, mom. Malalaman palang po next week," maayos na sagot ni Zeke.

"Okay! Update me so I can do something with my schedule."

"It's okay. No need to do that, Mom."

"Wow! Kapag kay Mommy okay lang tapos sa akin?" reklamo ko kaagad. "Mas fan nga si Mommy sa akin when it comes to basketball, eh!"

Steady Rhythms of Love (Ryker Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon