"May sasabihin ako," nakangiting sabi ko kila Cali at Lorelei na nag-aaway na naman sa hindi ko alam na dahilan.
"Let me guess. Is it about Blade?" tanong kaagad ni Cali.
Tumango ako. "Oo."
Her eyes widened. "You two finally made it official, didn't you?"
"Huh? Kayo na?!" tanong din ni Lorelei.
"Oo."
They both squealed in unison. Tumayo pa silang dalawa para yugyugin ako sa sobrang tuwa. Wow, ha! 'Yong reaksyon na 'yan ang hinihintay ko kay Blade!
"I knew it! Kaya pala biglang may dinner sa bahay niyo after the game!"
"Teka, approve naman daw ba sila Tito at Tita sa kanya?"
"Malamang! Tito isn't that strict naman and come on, Blade is a good guy!" sagot ni Cali.
Inirapan siya ni Lorelei. "Ay ikaw ba ang tinatanong ko, Calista?"
Malakas akong tumawa. "Yes! Dad even told him to address him as Tito."
Maganda ang mood ko buong araw kahit na nagkaroon kami ng surprise quiz sa last class namin. Mabuti na lang at nakapag-advance reading ako kagabi.
Blade were busy preparing for the whole week for their next game this weekend. Isama pa na pumapasok pa siya sa klase niya. Nagkikita lang kami tuwing ihahatid niya na ako pauwi o 'di kaya tuwing kakain kami ng lunch.
"Are your parents watching tomorrow?" tanong ni Blade sa akin. Sinundo niya ako sa condo ni Cali dahil doon kami gumawa ng activities kanina.
"Oo. Bakit?"
"Mom wants to watch the game with you."
"Sinong kasama niya?"
"Dad, my brothers, and my cousins."
"Sayang. Pero pwede naman akong tumabi sa kanila. Sasabihin ko nalang kila Mommy."
"No need," umiiling kaagad siya. "But we will be having our dinner in the old house after the game. Mamita wants to invite you."
"Ang Lola mo?" gulat na tanong ko. "Hindi siya sasama sa panonood?"
"No. She'll watch it on TV."
Hindi na ako tumanggi sa dinner lalo na at ang Lola niya na mismo ang nag-invite sa akin. Hello? Ngayon pa ba ako mahihiya kung kailan girlfriend na niya ako?!
When Saturday came, pakiramdam ko ay ako ang maglalaro sa sobrang kaba na nararamdaman ko.
"Win this game para may third game pa," I told my brother.
"You think we can?" natatawang tanong niya. "Kaya lang naming habulin ang score nila at lumamang. But winning against them? Impossible."
"Don't lose hope. Bilog ang bola," I cheered him.
"Alam ko. Pero hindi kami mananalo hangga't naglalaro pa sila Blade at Josiah."
Napailing ako. Sinasabi lang niya 'yon pero alam kong ibibigay niya pa rin ang best niya mamaya. I will be watching with my parents, Cali, Lorelei. Manonood din ata sila Alexa, Harri, and Aaron kaya mag-eexpect na akong doble ang magiging ingay sa pwesto namin.
Tita Maxinne messaged me habang on the way kami sa arena asking if I'm going to watch with my parents ba dahil may extra seat daw silang kinuha. Nagsabi nalang ako na lalapit nalang ako sa kanila mamaya.
Nauna akong pumasok sa arena dahil bumili pa ng pagkain sila Daddy. Naabutan ko na iyong lima sa pwesto namin na kasalukuyan nang nakikipagsabayan sa ingay ng mga drums.
BINABASA MO ANG
Steady Rhythms of Love (Ryker Series #2)
RomantizmDriven by their own struggles, Zara and Blade set out on a path of self-exploration and recovery. They encounter obstacles along the road that put their love to the test and make them face unexpected struggles. They need to find a way to bring their...