Everything turned into a nightmare. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas. Akira wanted to call my parents but I told her that I wanted to talk to Blade first. Siya lang.
Magdamag kong tinatawagan ang number niya but he isn't responding at all. It left me with no choice but to call Axel.
"Hello?" sagot ng pamilyar na boses.
"Axel," mabilis na sabi ko. "It's me, Zara..."
"Hey. What's up?"
"Si... Blade ba nandyan?" Napakagat ako sa ibabang labi ko para hindi niya marinig ang paghikbi ko.
"Ah, si Kuya? Kanina pa umalis, eh. Hindi ba nagsabi sa'yo?"
"Hindi ko kasi siya... matawagan. Pwedeng... pasabi k-kapag nakauwi na, pakisabi... tumawag ako?"
"Sure," aniya. "Is everything okay?"
"Yes," I replied. Binaba ko na kaagad ang tawag pagkatapos kong magpasalamat.
HIndi ako iniwan ni Akira sa apartment. Pinagluto niya ako ng pagkain pero hindi ko kayang kumain. Nakatitig lang ako sa cellphone ko nang maisipan kong muling tawagan si Blade.
It rang. Five times. At sa pagkakataon na pasuko na ako, doon niya sinagot ang tawag.
"Blade..." My voice broke. "I—"
"Is it true?"
Naiwan sa ere ang dapat na sasabihin ko nang maramdaman ko ang lamig sa boses niya.
"Tell me, Zara. is it true?"
"H-huh?"
"I thought you loved me..."
"I do," mabilis na sabi ko. "What are you—"
"You cheated."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ang sinabi niya.
"I would never cheat on you," I whispered.
"Don't lie to me," he spat. I could hear anger and hurt in his voice. "Someone sent me a picture of you with the fucking owner of that fucking company you were working at. Is that why you were so distant to me?"
"Blade, ano bang—"
"Napagod ba kita? Hindi ba kita nabigyan ng assurance habang nasa malayo ka? Lagi naman kitang tinatawagan, hindi ba? Lagi kitang sinasabihan sa mga nangyayari sa araw ko. Lagi kitang kinakamusta. I did my best to make you feel loved kahit na malayo tayo sa isa't-isa. Hindi naman ako nagkulang sa'yo, hindi ba?"
"Blade..."
"You knew about my past. You knew about my story. Za... tangina... ang sakit naman."
Nanikip ang dibdib ko nang marinig ko ang mahinang hikbi niya.
"You knew what happened in my past relationship. Why are you... of all the fucking reason... how could you..."
"Blade, please... hindi ko main—"
"Saan ako nagkulang, Za? We promised each other. We promised... how could you do that to me? Limang taon. Is that not enough to make you stay? Ilang buwan na lang. Am I... fucking not enough?"
His words stabbed at my heart, and I felt myself breaking down even more. Mas nanaig na ngayon ang gulong nararamdaman ko. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.
Akala ko may kaya pa akong kapitan. Akala ko may kaya pa akong kuhanan ng lakas. But my world even shattered when Blade told me that we should break up. Ni hindi niya man lang ako hinayaang magsalita. Ni hindi niya man lang ako sinubukang pakinggan.
BINABASA MO ANG
Steady Rhythms of Love (Ryker Series #2)
RomanceDriven by their own struggles, Zara and Blade set out on a path of self-exploration and recovery. They encounter obstacles along the road that put their love to the test and make them face unexpected struggles. They need to find a way to bring their...