"Gusto mo ako?" pangkukupirma ko sa narinig.
"Yes."
Hindi ko alam kung bakit pero sa hindi malamang dahilan, bigla nalang akong bumulalas sa tawa. Baliw na ata ako.
Nagtatanong ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Nang hindi pa rin ako tumigil sa pagtawa ay lumapit na siya sa akin para pakalmahin ako.
"May gusto ka sa akin?!" natatawa pa ring tanong ko. I mean, gusto ko rin siya! Pero hindi ko pa muna sasabihin sa kanya ngayon 'yon! "Congrats! Hindi ka na lugi!"
"Can you calm down and stop laughing? You're scaring me," kinakabahang sabi niya habang nakahawak pa rin sa akin.
"Sorry," paumanhin ko. "Umiyak-iyak pa ako, ako rin pala ang gusto mo."
Napailing siya. Maya-maya lang ay narinig ko siyang mahinang tumawa.
"Anong nakakatawa?" masungit na tanong ko. "Akala mo solve ka na dahil umamin ka? Nakita ko kayong parang naghahalika—"
"We're not," mabilis na putol niya. "Mukha lang malapit pero hindi."
"Mukha mo! Kitang-kita ko—"
"Anong malapit?" tanong niya bago walang pasabing hinawakan ako sa bewang at hinila palapit sa kanya. "Ganito?"
Ilang beses akong napakurap dahil sa lapit ng mukha namin. "M-malay ko."
"Akala ko ba nakita mo? Show me how close we were when you saw us," hamon siya.
"Basta malapit!"
Mas lalo niya lang hinigpitan ang pagkakahawak sa bewang ko para hindi ako makalayo. "Why will I allow her to come to me this close?"
"Malay ko!"
Mas lalo siyang ngumisi. Nakita ko kung paanong unti-unting bumaba ang tingin niya sa labi ko. Kaya lang, ilang segundo na ang lumipas pero wala pa rin siyang ginagawa.
"Tagal naman. Halikan mo na ako kung hahalikan mo ako," hindi nagpapatalong hamon ko. Akala niya siya lang ang matapang?
"No. You have to answer me first."
"Anong answer you first?!" tanong ko bago siya tuluyang tinulak. "Alam kong gwapo at sikat ka pero may pride rin ako. Manligaw ka muna!"
"So you're allowing me to court you?"
Umirap ako at tinalikuran na siya.
"Am I your suitor now?" pahabol na tanong niya pero hindi ko na siya pinansin. Hanggang sa makabalik kami sa loob ay ilang beses niyang tinanong iyon.
Natapos ang gabing iyon na masaya ang puso ko. Hindi ko na rin nakita si Misha sa loob at mas lalong hindi na rin lumubay sa tabi ko si Blade.
"Malapit na mag-start ang University Fair. Sana lang walang masyadong plates para makanood tayo," sabi ni Lorelei habang abala kami sa paggawa ng plates. Monday na naman.
"And hopefully, hindi masakto ang klase natin sa laro ng Panthers," dagdag ni Cali.
Hindi ko sila pinansin. Hindi rin ako nakisali sa usapan dahil masyado akong abala sa ginagawa. Masyado kasing mabigat ang magiging bearing nito sa grade namin ngayon term kaya kailangan maganda at maayos ang gawa ko.
"Time to eat."
Natigilan ako sa ginagawa nang may maglapag ng tray sa gilid ko. It was Blade. Tumikhim ako bago umayos ng upo. Naramdaman ko kaagad ang kuryoso na tingin ng dalawang kaibigan ko.
"Anong ginagawa mo rito?" takang tanong ko.
"Bringing you lunch?" patanong na sagot niya.
"Taray! Very suitor material!" umiiling na sabi ni Lorelei. Hindi ko pa sinasabi sa kanilang nanlilgaw na siya sa akin!
BINABASA MO ANG
Steady Rhythms of Love (Ryker Series #2)
RomanceDriven by their own struggles, Zara and Blade set out on a path of self-exploration and recovery. They encounter obstacles along the road that put their love to the test and make them face unexpected struggles. They need to find a way to bring their...