"Mabuti naman at hindi masasayang ang tickets!" tuwang-tuwang sabi ni Cali.
Nang magsabi ang beadle namin na hindi kami mineet ng Prof namin ay dali-dali na nila akong hinila. Kotse ni Cali ang gagamitin namin dahil hinatid lang din si Lorelei kanina.
Nag-message na ako kila Daddy para makapagpaalam dahil paniguradong late na ako makakauwi. Hindi ko pa nasabi kay Blade na manonood ako at kahit na siguro magmessage ako ngayon ay hindi na niya mababasa.
"Walk faster, ZG! The game has already started!" nagmamadaling sabi ni Cali.
Sinalubong kaagad kami ng malakas na hiyawan sa loob ng arena. Chineck ko kaagad ang scoreboard at nakitang kakasimula palang ng first quarter. Ilang beses ata akong yumuko at bumati dahil sa mga fans ni Blade na pumapansin sa akin. Nahiya tuloy ako bigla!
"Taray, nagiging instant celebrity ang dating," pang-aasar ni Lorelei nang makaupo kami.
"Pumikit kapag inggit," biro ko.
Nang mag timeout ang taga Eastwind ay hindi na ako nagulat nang mabilis akong nahanap ni Blade. Ngumiti lang ako sa kanya at pinakita ang banner na hawak ko. Inabot kasi iyon ng isang fan ni Blade sa akin kanina lang!
"Nice one, Blaze Zander!" todo sigaw ni Calista. "Woooh! I'm sitting beside your inspiration!"
Napailing ako mga sinisigaw ni Cali. Mas lalong lumakas ang ingay nang magsimula ang third quarter. Blade was just effortlessly dribbling the ball while trying to do a lay up. It was successful dahil pumasok ang bola sa ring.
I unconsciously looked at the other side of the gym kung nasaan ang drums na maingay para sa team namin at wala sa sarili akong napatingin sa bandang kanan sa parehong palapag na inuupuan namin.
I saw Misha... together with Axel and his two other cousins. Natigilan ako. Hindi naman na nakakagulat na manonood siya ngayon. Madalas ko siyang makita sa mga laro nila Blade. Hindi ko lang ineexpect na makakasama niyang manood ang kapatid at pinsan ni Blade ngayon.
Mula sa pwesto ko ay kitang-kita kong nagtatawanan sila habang itinuturo pa nila si Blade. Hindi ko na tuloy maiwasang tumingin sa gawi nila tuwing nakakapuntos ito.
I felt bitterness inside me. Then I suddenly remembered what Misha told me the last time we talked. Suportado pa rin siya ng parents ni Blade sa kagustuhan niyang makipagbalikan sa anak nila.
Imbes na sa game ay nakay Misha na ang buong atensyon ko. Ni hindi ko nga napansin na tapos na ang laro at nanalo sila Blade. Pasok sila for semi-finals.
Nanatili ako sa pwesto ko, hindi gumagalaw. Hindi rin naman tumayo ang mga kaibigan ko. Sinundan ko ng tingin sila Misha at nakitang pababa na sila ngayon para lapitan si Blade. Medyo nahirapan silang makalapit pero dahil matatangkad ang mga kasama niya ay nakalapit kaagad sila.
Pinanood ko kung paano niya kinalabit si Blade at mabilis na yumakap. Saglit lang ang yakap na 'yon. Halos wala pa atang limang segundo. Nakita ko kung paanong lumayo si Blade bago mabilis na nahanap ang mga mata ko.
He waved his hand on me kaya naman napatingin din sila sa akin. Tipid akong ngumiti bago bumaling sa dalawang kaibigan kong kanina pa naghihintay sa akin para tumayo.
"Tumayo ka na dyan! Bruha talaga. Inunahan ka pa ng ex na makalapit!" malakas na sabi ni Lorelei.
Tumikhim ako bago mabilis na tumayo. Tumingin kaagad ako sa mismong court at nakitang naglalakad na si Blade para salubungin kami sa baba.
"We won!" malaki ang ngiting bungad niya nang tuluyan na kaming makababa at makalapit sa kanya.
"Congratulations!" Inalis ko sa isipan ko ang kung anumang bumabagabag sa isip ko. I can't ruin this moment.
BINABASA MO ANG
Steady Rhythms of Love (Ryker Series #2)
RomanceDriven by their own struggles, Zara and Blade set out on a path of self-exploration and recovery. They encounter obstacles along the road that put their love to the test and make them face unexpected struggles. They need to find a way to bring their...