SROL [13]

96 21 0
                                    

"Nakakainis naman. Late announcement lagi 'tong beadle natin. Kung nag-chat siya kaninang umaga about dito sa orientation, e 'di sana hindi ko na dinala 'tong mga gamit ko!" mahabang reklamo ni Lorelei.

"Kung badtrip ka, 'yong isa naman mukhang dismayado," ani Cali bago tumingin sa akin.

Ginulo ko ang buhok ko bago walang pag-asang dumukdok sa mesa. Paano ba naman! Bigla-biglang nagsabi 'yong class beadle namin na may orientation daw kami na hindi ko alam kung tungkol saan!

Badtrip talaga! Kailangan ko tuloy icancel 'yong lunch namin ni Blade dahil importante raw ang attendance.

"Lunch date na, naging orientation pa," umiiling na sabi ko.

Malakas na tumawa si Cali bago pabirong tinapik ang balikat ko.

"Just ask him to eat dinner with you instead," she suggested.

"Hindi pwede. Late akong umuwi kagabi kaya dapat maaga ako ngayon."

"You can just ditch the orientation."

"May attendance nga raw," sabi kaagad ni Lor.

"Come on, it's just an orientation! Believe me, gusto lang nilang maraming pumunta kaya sinabi nila 'yon."

Muntik na akong makumbinsi ni Cali pero nang maalala kong mag-aabogado nga pala ang karibal ko ay bigla akong nagkaroon ng gana na umattend. Hindi pwedeng tatamad-tamad! Kahit orientation dapat present at nakikinig ako.

Pero halos sabunutan ko na ang sarili sa pagsisisi dahil wala pang kalahating oras ay hinihila na ako ng antok. Mabuti na lang at panay ang pagrereklamo ni Lorelei sa tabi ko kaya kahit papaano ay nagigising ako tuwing nagsasalita siya.

Sa sobrang bored ko ay naisipan kong imessage ulit si Blade para kulitin kaya lang hindi siya online. Baka may training o may klase.

Buong araw akong nakaupo. Hindi ko na mabilang kung ilang beses nang nagreklamo si Lorelei pero nakikinig at nagsusulat pa rin. Umaga ang orientation at hapon naman ang seminar. Kung tatanungin nila ako kung ano ang naintindihan ko, walang iba kundi ang reklamo lang ni Lorelei.

"Let's hang out sa condo ko after this," bulong ni Cali sa akin. Tumingin ako sa oras at nakitang alas tres na. "I asked earlier, ang sabi nila matatapos 'to around 3:30."

"Thirty minutes pa," inaantok na talagang sabi ko.

Sa tuwing sinusubukan kong matulog ay sisitahin kami. Mabuti naman sana kung hindi nakakaantok ang boses ng nagsasalita! Kung si Blade lang siguro 'yan, kahit hanggang bukas siya magsalita ay gising na gising ako.

Nang matapos nga ang seminar ay hindi na ako nagprotesta sa pagpunta sa condo ni Cali dahil sa sobrang antok ko. Pagpasok ay dumeretso kaagad ako sa sofa at humiga na.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal natulog. Nagising nalang ako dahil sa sunod-sunod na vibrate ng phone ko. Naabutan ko sila Lorelei at Cali na naglalaro ng call of duty.

"Just defuse the bomb, Lorelei! What else are you waiting for?"

"Teka nga! Mamaya biglang may kalaban, e 'di natigok ako at natalo tayo?"

Bumangon ako at inabot ang cellphone ko. Napansin nila ang paggising ko pero hindi nila ako nagawang pansinin dahil masyado silang focus sa paglalaro.

"I told you!" Cali yelled. "Nevermind. Let's play another round."

"Ayoko na!" tanggi ni Lorelei bago binitawan ang cellphone bago bumaling sa akin. "Kanina pa tumatawag si Zeke. Lagot ka."

Inirapan ko siya. "I'm already replying."

Steady Rhythms of Love (Ryker Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon