SROL [25]

68 21 0
                                    

Pagkatapos ng dinner, akala ko uuwi na kami pero nagulat ako nang sabihin niyang pupunta kami sa Tagaytay.

"Is this one of your family rest houses?" tanong ko nang makita ang two-storey house.

"Yes," he answered before holding my hand. "Let's go inside."

Namangha ako sa ganda ng loob. Bukas ang mga ilaw nang dumating kami kaya sa tingin ko ay may nagbabantay dito. Nasa may pintuan palang ako nang matigilan ako sa bumungad sa akin.

"What's this?" tanong ko.

He set up a small projector screen with blankets and pillows scattered around the living room.

He gave me a small smile. "I know watching movies together was one of our favorite bonds so I decided to make this."

Hinintay ko siyang iset up ang kung anumang papanoorin namin. Nang masigurong ayos na ay umupo siya sa likuran ko. He wrapped his arms around me, making me lean on his chest.

I expected a movie that Blade had mentioned earlier but what appeared on the screen surprised me. The first frame was a candid video of me laughing, medyo magulo ang camera.

"Huy, ano 'yan?" gulat na tanong ko.

"Just watch," sagot niya bago hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.

The video shifted, showing moments from our past year together. 'Yong mga cute videos namin, unguarded clips of us sharing pizza, habang naglalakad kami sa park, habang sabay kaming nagrereview, iyong mga stolen shots namin mula sa mga kaibigan ko tuwing tulog, kumakain, nagtatawanan, naglalakad, o kung ano pa. Meron din iyong video na tinuturuan niya akong magbasketball. Meron pa noong nag-aasaran kami tapos napikon ako.

May sinama pa siyang mga stolen pictures ko habang tulog, habang nagrereview, habang kumakain, habang galit sa kanya, at marami pa.

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko habang pinapanood ang mga sumunod na clips. I hadn't realized he had captured so many moments. Karamihan sa mga iyon ay hindi ko alam na nagrerecord o nagpipicture siya.

"I've been putting this together for months," marahang sabi niya. "I wanted to give you something that we can look back on...something to remind us of how far we've come."

Meron iyong mga highlights niya sa basketball tapos nakukuha akong nagchecheer. Meron iyong stolen ko na naghihintay sa kanya every after their game, sunod-sunod na clips tuwing sumasakay ako sa kotse niya.

"Is it done?" umiiyak na tanong ko.

"Not yet," he whispered.

Then, the final clip appeared. It was from our freshmen week themed party, the night where I believe everything truly began. Nakita ko kaagad ang sarili kong nakatayo sa gitna ng maliit na stage habang kumakanta. Pagkatapos ng ilang segundo ay nalipat iyon sa nakatalikod na lalaking abala sa panonood sa akin.

"That's me," he said softly. "Josiah secretly took a video of me watching you. I don't know why I can't take my eyes off you that night. Hell, that sounds corny but whatever. I knew something was different about you from that moment. I didn't know what it was then, but I couldn't take my eyes off you."

Tuluyan na akong humarap sa kanya para umiyak. Mahina siyang tumawa habang tinatapik ang likod ko.

"Tinitingnan din kita non. Buti nalang hindi nakuha sa video," biro ko. "Nakakainis ka." Mahina ko siyang hinampas sa dibdib . "Akala ko ba wala kang time para mag-prepare? Anong tawag dito sa mga hinanda mo?"

"I asked for Josiah's help together with my cousins."

After our first anniversary, I became more comfortable around Blade. We don't usually go out on a date. Madalas ay nasa bahay lang kami, or bahay nila, nanonood ng kahit anong movie or series, gumagawa ako ng plates, finishing his work, baking, and everything.

Steady Rhythms of Love (Ryker Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon