After hearing his compliment, I felt conscious about my look. Nagpaalam muna ako saglit na aakyat sa kwarto.
Tumitig kaagad ako sa vanity mirror ko. Naka messy bun lang ako at laglag na halos ang mga buhok ko sa likod. Ni wala man lang akong nilagay na pulbo o lip tint sa mukha ko!
I just sighed and decided to wash my face. Mabilis lang ang ginawa kong pag-aayos at pagbibihis dahil ayoko namang akong ang hintayin nila.
When I came back, nagkakantahan na sila. Naramdaman ko kaagad ang titig ni Blade sa akin kaya naman nagkunwari na lamang akong hindi iyon napapansin at dumeretso kay Alexa na abala na sa pag-iihaw ng ibang pagkain.
"Ako na rito," I told her.
"Ako na. Umupo ka na muna ron," nakangiting sabi niya.
Ayaw ko sanang pumayag kaya lang mukhang nag-eenjoy din siya kaya hinayaan ko nalang. I took one stick of barbecue bago naghanap ng pwedeng mauupuan.
Marami namang bakante pero nang mapatingin ako kay Blade ay nakita kong tahimik na siyang nakaupo sa gilid. He seems tired. Kumuha pa ako ng isa pang stick ng barbecue bago naglakad palapit sa kanya.
"Hindi ka iinom?" tanong ko dahil wala akong makitang alak sa harapan niya. Wala rin siyang hawak.
Umayos siya ng upo bago tinanggap iyong barbecue. Umusog pa siya ng kaunti para makaupo ako ng maayos.
"I don't think I can drink tonight," he said.
"Right. You look tired na rin. Marami kayong ginawa sa site kanina?"
"Yeah. Had minor problems earlier. No one is willing to take accountability on that mistake kaya ako na ang umako at inayos nalang."
Tumango ako. Naiintindihan ko ang pakiramdam na iyon. Ang hassle naman kasi talaga kapag nagkakaroon ng problema sa isang project.
"Do you want anything?" I asked him again.
"I'm good."
I just nodded and decided to help Alexa. Mukhang mas gusto niya rin munang manahimik lang sa gilid.
"Ano raw ang problema?" tanong sa akin ni Alexa nang makalapit ako. Halos sabay pa naming tiningnan si Blade.
Nakapatong na ngayon ang siko niya sa mesa habang ang palad ay nakakuyom habang sinasandalan ng ulo niya.
"He's tired from work," I told her.
"Wala na ba siyang lagnat?"
Gulat akong napatingin sa kanya. "May lagnat siya?"
"Oo. Noong isang araw pa. Babad na babad siya sa tirik ng araw sa site tapos biglang nabasa sa ulan. Alam mo namang matinding kalaban niya ang ulan."
Napakagat ako sa ibabang labi ko. Hindi ko 'yon napansin dahil hindi naman halata sa kanya.
Bumuntong-hininga ako bago pumasok sa loob. Hinanap ko kaagad sa kitchen iyong mga tinabing gamot ni Mommy kasama ng mga first aid kit.
"Who's sick?"
Napatingin ako kay Zeke na kakarating lang.
"Si Blade," sagot ko. "Nasa garden sila. Lalabas ka ba o dadalhan nalang kita ng pagkain sa taas?"
"Lalabas. Maliligo lang ako."
Tumango ako sa kanya at nagpatuloy na sa ginagawa. Kumuha ako ng maligamgam na tubig dahil iyon ang gusto ni Balde sa tuwing umiinom siya ng gamot. Lumabas din ako para kuhanan siya ng pagkain.
"Blade," tawag ko sa kanya. Pumungay ang mga mata niyang nag-angat ng tingin sa akin. "Kumain ka na sa loob. I prepared your food," I told him.
"Mamaya nalang—"
BINABASA MO ANG
Steady Rhythms of Love (Ryker Series #2)
Storie d'amoreDriven by their own struggles, Zara and Blade set out on a path of self-exploration and recovery. They encounter obstacles along the road that put their love to the test and make them face unexpected struggles. They need to find a way to bring their...