Hindi ko alam kung ilang beses na akong napikon kay Blade ngayong linggo. Simula kasi noong nasabi ko sa kanya crush ko siya ay panay na ang pang-aasar niya sa akin kahit na hindi ko pa naman kinocomfirm 'yon!
"Umamin ka na kasi para tapos na! Malay mo lumevel up pa kayo, diba?" panguudyok sa akin ni Lorelei.
"Ayoko! Kahit papano may ego pa rin ako 'no," umiiling na sabi ko.
"Saan ka dadalhin ng ego mo?"
Umismid ako at hindi na siya muling sinagot pa. Nang mainip kami sa quadrangle ay nagyaya si Cali na pumunta sa library para maghanap ng libro na pwede niya raw gamitin pang advance study.
At dahil tanghali at tirik na tirik ang araw, nagpaiwan nalang ako sa kiosk at sinabing doon ko na lang sila hihintayin.
I was busy playing with my phone when a group of girls sat on the vacant table beside me. I was about to ignore them when I accidentally overheard what they were talking about.
"I told you, friends lang sila since common friend nila si Calista. And besides, Blade is friends with his twin brother, diba? Iyong popular ngayon na rookie player ng SVU."
Kumunot kaagad ang noo ko nang marinig ang pinag-uusapan nila. Are they talking about me? Kung oo, hindi ba nila napansin na nasa kabilang table lang ako?
"Hindi, ah. Parang may something kaya kapag magkasama sila ni Blade," the other girl insisted.
Alam kong maling makinig sa usapan ng iba pero wala namang masamang makikinig ako lalo na at mukhang ako ang pinag-uusapan nila, hindi ba?
"Pareho pa man din silang single and I heard that they always hang out. I bet she can pull Blade if she wants to."
"Hindi rin. I heard Misha is still trying to win him back. Narinig ko rin sa pinsan kong schoolmate niya that she was telling others na malapit na silang magbalikan."
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Misha ang pangalan ng ex-girlfriend niya. She's from another University. At ano raw? She's trying to win Blade back?
"Pero ang sabi naman sa mga interview ni Blade ay single na single siya. He debunked the rumors about him getting back with his ex-girlfriend a lot of times already kaya tumigil na rin."
"Well, kung ako rin kay Misha talagang pagtatrabahuhan kong makuha ulit si Blade. Deserve niya 'yon dahil pinakawalan niya pa. Kung sana nakipag-ayos siya kaagad noong naghabol si Blade sa kanya kahit na si Misha naman ang nakipag-break, e 'di hindi sana siya ang gumagawa non ngayon."
Sinubukan siyang habulin ni Blade kaya naman noong tumigil na si Blade ay siya na ngayon ang naghahabol?
Why did I miss out on information like this? Wala naman akong nabasa noong sinearch ko si Blade sa Internet. Wala ring nabanggit si Zeke sa akin tungkol dito. At wala rin akong nabasang interview na nabanggit ang ex-girlfriend niya.
"Bakit nga ulit sila nag-break?"
"Ewan. Rookie year pa ni Blade 'yon. Hindi niya ata kayang walang time si Blade kaya nakipagbreak siya nung mismong first game ng finals. Medyo off nga play ni Blade noon, mabuti nalang nakabawi kaagad siya nung second game kaya panalo pa rin."
"Hindi. Feeling ko pinalabas lang na nag break sila dahil walang time si Blade sa kanya pero ang totoo, nag-cheat ata si Misha. Basketball player din sa SVU ang pinalit niya. Team Captain na rin ata this season."
My heart skipped a beat. I knew I shouldn't eavesdrop, but my curiosity got the better of me.
"Sayang lang din talaga. They were like the perfect couple before. Laging magkasama tapos palagi pang present si Misha tuwing may laro sila Blade."
BINABASA MO ANG
Steady Rhythms of Love (Ryker Series #2)
عاطفيةDriven by their own struggles, Zara and Blade set out on a path of self-exploration and recovery. They encounter obstacles along the road that put their love to the test and make them face unexpected struggles. They need to find a way to bring their...