SROL [23]

70 20 0
                                    

Blade's parents and cousins left first. Pinaalam pa muna ako ni Blade sa parents ko at agad namang pumayag si Daddy. 

"Are you hungry? I have snacks in the back seat. You can have it."

"Okay lang. Hindi pa naman ako masyadong gutom." 

Baka mamaya hindi pa ako makakain sa kanila. Mas nakakahiya naman 'yon!

Nang pumasok kami sa isang malaking gate ay napanganga kaagad ako. Old house?! Old house ang tawag nila sa mansion na 'to?!

Magaan ang kamay ni Blade na humawak sa likuran ko habang iginigiya ako papasok sa mansion. Nang makarating kami sa garden, halos nanlalambot na ang tuhod ko.

"You're here! Halika! They're already waiting for you!" Hinila kaagad ako ni Tita Maxinne para ipakilala sa mga Tito at Tita ni Blade.

"Huwag mo akong iwan dito," mahinang sabi ko kay Blade. Syempre kaba reliever ko siya!

"Of course, love."

"So this is the famous Zara we've been hearing so much about. He's been talking about you non-stop, hija," nakangiting sabi sa akin ng isang Tita ni Blade.

"Good to see you've got someone strong by your side, Blade. Architecture student, right? You're on your way to great things."

"Hija! It's nice to see you again!" bati sa akin ni Mrs. Rizzy. "The last time we saw each other, kaibigan pa lang ang pakilala sa'yo ni Blade. Hindi na ako nagulat noong nalaman kong ikaw ang girlfriend niya" 

"Okay? You met her first before me?!" tunog nagtatampong tanong ni Tita Maxinne. Tumawa ang asawa nito bago umakbay sa kanya.

Nagpatuloy ako sa pagbati sa mga Tito at Tita ni Blade hanggang sa lumabas na si Donya Elsie. Muli akong kinabahan.

Isang beses ko palang nakita ang picture niya. Hindi ko masyadong kabisado ang mukha niya dahil wala naman silang masyadong pictures sa media. Purong mga apilyedo lang nila!

"Mamita," bati ni Blade. Bahagya siyang yumuko para humalik sa pisngi nito.

Bumalik sa tabi ko si Blade bago ako bahagyang hinila palapit, hawak-hawak ang kamay ko. "Mamita, this is Zara, my girlfriend."

Ngumiti kaagad sa akin si Donya Elsie pagkatapos kong magmano. "Such a beautiful girl, indeed! Anak ka nga talaga ni Architect Richard!"

Nahihiya akong ngumiti. "Thank you, po. Magandang gabi po."

"Sit beside me so I can get to know you more!"

Hinawakan niya ang kamay ko bago ako maingat na hinila paupo sa tabi niya. Uupo na sana si Blade sa tabi ko nang humarap sa kanya ang Mamita niya.

"Blade, why don't you join your cousins in the pool area instead? Don't worry, your girlfriend will be fine here."

"We'll join them after eating here, Mamita," magalang na sagot ni Blade.

"Oh! Are you not comfortable sitting beside me without Blade around?"

Alanganin akong nag-angat ng tingin. "Hindi naman po," sagot ko.

"See? Don't worry, I won't make your girlfriend uncomfortable."

"It's not like that, Mamita. This is the first time that she'll meet everyone in the family. I'm afraid it'll make her more nervous if I'm not around."

"It's okay," mahinang sabi ko. I held his hand and gave him a reassuring smile. "I'm not nervous anymore."

"Are you sure?" halatang hindi kumbinsidong tanong niya.

Steady Rhythms of Love (Ryker Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon