SROL [32]

61 15 0
                                    

"ZG, bilisan mo! Kanina ka pa namin hinihintay!" pagmamadali sa akin ni Lorelei nang makauwi ako.

"Anong meron?" takang tanong ko. Wala naman akong maalalang may plano kaming gawin ngayong gabi rito sa bahay.

"Ang arte kasi nitong si Calista! May sasabihin daw pero hindi niya sasabihin hangga't wala ka pa!" nakasimangot na sabi Akira.

Binaba ko muna ang mga gamit ko bago tumabi sa kanila. Nakita kong abala si Cali sa screen pero nang mapansin ako ay lumiwanag ang mukha niya.

"ZG!" malakas na sabi niya.

"Ayan na. Nandito na, ha? Bilisan mong sabihin, Calista!" pagmamadali ni Aki.

"Nasaan ba ang pasensya mo? Sabi ko naman kasi sa'yo iyan ang bilhin mo kesa sa mga bagay na hindi mo naman ginagamit!" singhal ni Lorelei.

"Girls!" pagkuha ni Cali sa atensyon namin. May inabot siya sa bed side table niya. "I'm going home!" malakas na sabi niya habang pinapakita ang plane ticket niya.

Hindi ako nakapag-react. Nostalgia. Ganitong-ganito rin kami ni Blade noong bumili siya ng plane ticket para bisitahin ako sa Berlin. 

"Finally! Huwag na huwag mong kakalimutan ang sapatos ko!" tuwang-tuwang sabi ni Aki.

"Kailan ka ba uuwi? Biglaan ata?" si Lorelei.

"This weekend na. Kailangan ko nang umuwi dahil miss ko na kayo!"

Sa sobrang excited nila Lorelei at Akira, nag-decide na kaagad silang dito matulog sa bahay sa araw ng biyernes para raw sabay-sabay na kami sa pagsundo kay Calista.

"Nilalamig ka ba? May jacket ako rito," baling sa akin ni Aki.

Tinanggap ko lang 'yon at sinuot bago muling pumikit. Sobrang aga nila akong ginising. Hindi rin naman ako makapagreklamo dahil alam kong excited na rin silang makita si Calista.

Medyo madilim pa nang makarating kami sa airport. Mamayang 10 AM pa ang lapag ng eroplano ni Cali pero nandito na kami. Nagtuloy-tuloy ang tulog ko hanggang sa ginising na lang nila ako.

Pare-pareho kaming nakatayo sa gilid habang hinihintay ang paglabas ni Cali. Nagtatalo pa ang dalawang kasama ko kung paano nila sasalubungin ang kaibigan. Nang makita na namin siya ay halos sabay na nagmura ang dalawa.

"What the hell?" nakangangang sabi ni Lorelei.

"Potek na 'yan! May kasama naman palang bumiyahe!" sigaw ni Aki.

"Cali!" I was the one who got her attention. Mabilis itong naglakad palapit sa akin para yakapin ako.

"Oh my gosh! I missed you so much!"

Napatingin kami sa dalawa at nakitang wala kay Cali ang tingin nila kung hindi kay Josiah na ngayon ay siya na ang nagdala ng mga iniwang luggages ni Cali dahil tumakbo siya palapit sa akin!

"Hi?" awkward na bati niya nang mapansin ang tingin nung dalawa. "Hi, Za! Nice meeting you again!"

"Ito ba yung Josiah?!" malakas na tanong ni Aki nang makabawi sa pagkagulat.

Cali's eyes widened. "Akira!"

"Anong meron?! Bakit sabay kayong umuwi?!" si Lorelei naman ngayon ang nagtanong.

Mukhang hindi iyon ang ineexpect ni Josiah na reaksyon. Nakita ko kung paano ito parang batang nagtago sa likuran ni Cali kahit na kitang-kitang naman siya sa tangkad niya!

"Hindi mo sinabi, babe?"

"Babe?!"

Napatakip ako sa dalawang tenga ko nang sumigaw sila. May mga ibang tao tuloy na napatingin sa gawi namin!

Steady Rhythms of Love (Ryker Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon