2 - Living Different Life

4.7K 141 2
                                    

 
  
  
BUMABA SIYA NG KOTSE PARA BUKSAN ANG GATE NG MALAKING BAHAY. Ito ang routine niya halos araw-araw. Uuwi siya sa bahay at pagbubuksan ng gate ang sarili. Wala kasi siyang maid na gagawa no'n. She's living alone in their old house. Yes, alone. Wala siyang ibang kasama maliban sa mga pictures ng mga magulang at ni Zia. Minsan nga napagkakamalan na siyang baliw ng mga kapitbahay.

Ipinarada niya sa garahe ang kotse saka pumasok sa loob ng lumang bahay. Ito lang ang naiwan sa kanya mula ng mamatay ang ama at hanggang ngaun ay binabayaran pa rin niya ito sa bangko dahil isa ito sa mga naisangla ng maospital ang ama.

"Nandito na ako," anunsiyo niya nang makapasok na animo ay may mga kasama sa bahay.

She did her daily routine from taking a quick shower, preparing dinner for herself and reading a book before going to bed. Kahit pagod ay nagawa niya ang mga nakasanayang mga gawain bago nahiga at ipinahinga ang katawan.

Ito na naman siya sa pag-iisip habang nakatitig sa kisame ng kwarto. Matagal na niyang iniisip na humanap ng makakasama sa buhay pero sa tuwing makikipagdate siya may pumipigil sa kanya. May bumubulong lagi sa kanya waste of time lang ang pakikipagdate. Sobra na siyang nalulungkot na mabuhay ng mag-isa. Marami naman siyang mga kaibigan pero iba pa rin ang may pamilya.

She closed her eyes and uttered a silent prayer.

"Sana paggising ko may pamilya na akong maituturing."

She laughed as she prepared to sleep. Pinatay niya lahat ng kanyang alarm at inilagay ang cellphone sa airplane mode. Ayaw niya ng abala sa kanyang rest day bukas.
  
   
    
    
     
SHE WOKE UP WITH A FEELING OF BEIING TIRED. Pakiramdam niya ay bumyahe siya ng pagkahaba-haba sa sobrang pagod ng kanyang katawan.

Iminulat niya ang mata at tumambad sa kanya ang maliwanag na silid. Mukhang tanghali na dahil sobrang liwanag na ng paligid. Gusto pa sana niyang matulog dahil sa sarap at lamig ng hangin na pumapasok mula sa pinto ng veranda patungo sa silid niya. Nakakatuwang pagmasdan ang puting kurtina na nakikipagsayaw sa hangin at ang tunog ng hampas ng alon ay musika sa kanyang pandinig.

Wait! Kailan pa siya nagkaroon ng veranda sa kwarto? At bakit may tunog ng paghampas ng alon siyang naririnig?

Iminulat niya ng husto ang pupungas-pungas na mata. And to her surprise, wala siya sa kwarto niya!

"Am I still dreaming?" Kinurot niya ang pisngi at napangiwi siya sa sakit. "It's real!"

Napabalikwas siya ng bangon at inikot ang paningin sa silid na kinaroroonan. This is not familiar to her. Nasaan siya? Natulog siya na nasa kwarto niya sa bahay nila tapos magigising siya sa hindi niya alam na lugar. She must be dreaming!

Sinampal-sampal niya ang sarili habang tinitingnan ang kabuuan ng kwarto maging ang repleksiyon niya sa full-body mirror na naroon. Suot pa din niya ang pantulog niya.

Sobra siyang naguguluhan at nagtataka sa nabungaran. Her thoughts were busy when she heard a footsteps coming near the room. Hinablot niya ang lampshade sa side table saka nagtago sa likod ng pinto para hindi kaagad siya makikita ng taong papasok.

Abot langit ang kabog ng dibdib niya ng pumihit ang seradura ng pinto. Iniangat niya ang hawak na lampshade para ihampas sa kung sinong papasok ngunit naiwan sa ere ang kamay niya nang makita na isang batang babae ang pumasok.

"Mommy.." tawag nito habang palinga-linga sa silid. She accidentally drop the thing she's holding that made a noise. Dahilan para mapalingon sa kanya ang bata.

Natulos siya sa kinatatayuan nang magtagpo ang kanilang mga mata. They have the same eyes. Her hair color was same as her. Her thin lips looks exactly like her.

Sweet EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon