20 - Together

3.8K 127 1
                                    


 
  
"PASENSIYA KA NA SA INASAL NI CAROLINE KAGABI," hinging paumanhin sa kanya ni Daniel.

Nasa hapag kainan sila at kumakain ng almusal. They're waiting for Luziel to wake up.

"Wala naman sa akin 'yon. Ang ayoko lang ay ang saktan niya si Luziel." Hindi mahalaga sa kanya ang pananabunot na ginawa ni Caroline. What matters to her is the fact the she hit her niece.

"Nalaman ko kay Patricia ang ginawa ni Caroline kay Luziel. Hindi ko palalampasin ang ginawa niya sa anak ko. I called Mom para linawin sa kanila ang lahat. They wanted me to marry Caroline just like what I wanted to do five years ago. But things are changed now. I have Luziel and I have you. Hindi na tulad ng dati ang lahat."

"Ibig sabihin, nagpapantasya lang si Caroline na pakakasalan mo siya? She brought all her things in your room last night." May himig ng panunukso na wika niya.

"That's the reason why I slept in your room."

Naalala na naman niya ang nangyari ng nagdaang gabi. Nagoumilit itong matulog sa silid niya dahil sa mga gamit ni Caroline na nasa kwarto nito. Ayaw na daw nitong abalahin ang mga katulong oara ilabas ang mga hinakot ni Caroline. Kaya sa kwarto niya ito nagsumiksik.

Wala naman siyang nagawa dahil pagod na siya sa byahe para makipagtalo pa rito. Natulog ito sa couch kahit na sinabi niyang okay lang na magtabi sa kama. Tiwala naman siyang wala itong gagaw8ng masama sa kanya. Natulog ito sa couch pero nagising siya na kayakap ito sa kama niya.

"Mommy! You're really here!" Tumatakbong lumapit sa kanya si Luziel at kumandong sa kanya. "I thought it was all a dream."

"It's not a dream, baby. I'm here with you." Hinagkan niya ang bata sa pisngi saka ito niyakap.

"Tita Caroline said that you don't love me that's why you're not coming here." Nalungkot ang masaya nitong mukha.

Agad naman niyang inalo ang bata at nilambing. "That's not true. I love you and I will always will, baby. In fact, mommy will be staying here for as long as you and your Daddy want me to stay."

"Really?! Wow! I'm so happy! Mommy will be staying here!" Tumalon-talon pa si Luziel sa sobrang saya. "Did you hear that, Daddy? Mommy will be with us always."

Malapad ang ngiti na iginawad sa kanya ni Daniel.

"That's a very good news," wika nito na hindi naaalis ang ngiti sa mga labi. "Go tell your Tita Patricia the good news."

Mabilis na tumalima ang bata at tumakbo patungo sa kung nasaan man si Pat.

"Are you sure about that? I mean, Caroline will be pestering you here." May bahid ng pag-aalalang sabi ni Daniel nang wala na ang anak nito.

"Eh di gawin niya. As long as I am here, nobody will mess with Luziel." Matapang niyang saad.

Natawa naman si Daniel sa sinabi niya. "I'm giving you all the permission to do anything with that crazy woman."

Kapwa sila natawa ngunit napahinto sila at nagkatinginan nang marinig ang boses ng ina ni Daniel na nanggagaling sa living area.

"Daniel!" tawag nito sa anak.

Umahon sila sa kinauupuan at sinalubong ang ginang na napataas ang kilay nang makita siya.

"Totoo pala ang sinabi ni Caroline na nandito sa bahay mo ang kakambal ng babaeng nanloko sa iyo. Nababaliw ka na ba talaga, Daniel?" Hindi pa man nasasagot ni Daniel ang tanong ng ginang ay binalingan na siya nito. "At ikaw naman, Luzille, ano bang plano ninyong magkapatid sa anak ko?"

"Ma, walang masamang plano sa akin si Luzille. She just wants to be with Luziel," depensa ni Daniel sa ina. "And besides, we both know na siya ang nakalagay na ina ni Luziel sa birth records ng bata. Kadugo din siya ng anak ko, Ma. Mas gugustuhin ko pang si Luzille ang makasama ng anak ko kaysa kay Caroline. Do you know what that woman did to my daughter?"

Daniel's mother was puzzled at Daniel's question. Mukhang hindi nito alam ang ginawa ni Caroline kay Luziel.

"What did she do to my grandchild?" tanong ng ginang.

"She hit my daughter and I won't let that passed. Ayoko nang pupunta siya sa bahay ko, Ma. Tell her that dahil ayoko na siyang makita o makausap pa."

"Son, she's your first love. Saksi ako sa wagas ninyong pagmamahalan noon. Wala na ba siyang puwang sa puso mo, anak. Bumalik siya para sa'yo." Malambing na wika ng ginang. Botong-boto talaga ito kay Caroline.

"Nagbabago ang mga bagay, Ma. Marami siyang ginawa na naging dahilan para tuluyan nang mawala ang pagmamahal ko sa kanya. Sinadya niyang maaksidente para mawala ang anak namin na magiging hadlang sa mga pangarap niya. I can't love a woman like her. Hindi na ako ang Daniel na nakilala niya noon. I have my daughter now and I have Luzille."

Napatingin sa kanya ang ginang. Akala niya ay susungitan siya nito pero nginitian siya nito. Gumanti naman siya ng ngiti rito. Ano ba naman kasi itong pinagsasasabi ni Daniel?

"Alam mong mahal na mahal kita, anak. Igagalang ko ang desisyon mo. Nagbaka sakali lang naman kami ng Papa mo na ngayong malaya ka na kay Luzia ay maaari ka nang pumasok sa totoong relasyon."

"That's also my plan, Ma, pero hindi po si Caroline ang babaeng gusto ko."

Muling tumingin sa kanya ang ginang. This time ay lumapit ito sa kanya at masuyong hinawakan ang kanyang kamay.

"Luzille, alam kong espesyal ka sa anak ko. Hindi man niya sabihin alam kong ikaw ang babaeng gusto niya. Ang hiling ko lang sa iyo ay huwag mo siyang sasaktan. My son and my granddaughter have been through a lot because of your sister. Sana hindi ka katulad ni Luzia na iiwan din sila."

Hindi siya agad nakapagsalita sa winika ng ginang. Natameme siya na tila ba ay malaking responsibilidad ang inatang nito sa kanya at hindi niya alam kung magagawa niya ba ang responsibilidad na iyon.

"Pasensiya na kayo kung naabala ko kayo. Nabigla lang kasi ako sa pagsugod ni Caroline sa bahay kagabi. She seems like the victim kaya inalam ko kaagad sa inyo ang nangyari. Now that I know what she did to Luziel, I don't like her anymore. Akala ko pa naman inalagaan niya talaga ang apo ko." May pagtatampong wika ng ina ni Daniel.

"That's alright, Ma. Just tell Papa not to push the marriage dahil hindi si Caroline ang pakakasalan ko." Makahulugan itong tumingin  sa kanya bago muling bumaling sa ina.

"Pwede ko bang isama muna ngayon ang apo ko? May birthday party na pupuntahan sina Danica at mga anak nito. I want Luziel to be with them. I'll take care of her, I promise."

Napatawa sila ni Daniel sa nakataas na kanang kamay ng ginang na animo'y nanunumpa.

"Nasa kwarto siya, Ma. Ipapasama ko si Pat para may katulong kayo sa pagbabantay sa kanya."

Abot-tenga ang ngiti ng ginang habang mabilis na tinungo ang silid ni Luziel para isama ito. Naiwan naman sila ni Daniel na nakangiti habang nakatanaw sa papayong ina nito.

"Marami tayong pag-uusapan, Mr. Biancaflor," saad niya nang mahuli itong nakatingin sa kanya.

There's her heart beating fast again. And she knows it's all because of him.
 
  
  
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sweet EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon