SA RESTAURANT NGA SILA NI VICTOR KUMAIN. May reserved table na para sa kanila at nasa VIP section sila ng restaurant. Papasok na sila sa restaurant nang may mapansin siyang pamilyar na babae na bumaba mula sa 2nd floor ng building."Si Caroline 'yon' di ba?" sabi niya kay Daniel na sinundan ang kanyang tinitingnan.
"Anong ginagawa niya dito?" dugtong pa niya.
"Looking for an ally," kaswal na tugon ni Daniel. "Kilala ko si Caroline kapag alam niyang maargabyado siya hahanap at hahanap siya ng kakampi."
"Ibig mong sabihin ay hindi talaga niya tayo titigilan?"
Nagkibit-balikat lamang si Daniel sa tanong niya. Ipinaghila siya nito ng silya habang nakapako pa rin ang tingin niya sa papaalis na kotse ni Caroline.
"She really loves you, aren't she?" Maya-maya pa ay tanong niya rito. Mabuti na lang at abala sa pakikinig ng nursery rhymes sa cellphone nito si Luziel. Hindi sila nito masyadong naririnig.
"I don't know if it's really love, Luzy. Ang alam ko kasi ay kapag mahal mo ang isang tao, hindi mo sasaktan ang mga taong mahal nito. In Caroline's case, handa niyang saktan ang kahit na sino makuha lamang ang kanyang gusto." He eyed for Luziel at alam na niya ang ibig sabihin nito. Hindi talaga nito makakalimutan ang ginawa ni Caroline na pananakit sa bata. " Kahit ayaw ni Luzia kay Luziel noon never na sinaktan ng kapatid mo ang anak natin dahil mahal ka niya. That's love."
Napatango na lamang siya rito. Dumating na din kasi ang waiter na nagdala sa kanila ng menu. They're busy choosing their food for breakfast when Victor came.
"What a lovely family we have here." Napatingin sila rito.
"Victor." Daniel rose from his seat and gave Victor a manly hug. "Namiss ni Luziel ang luto ng chef mo rito eh."
"Tama talaga ang pagkuha ko kay Millicent para maging chef. The only problem is maliban sa luto niya may iba pang binabalik-balikan ang mga tao sa kanya." Minasahe nito ang baba na tila may malaki itong problema.
"I know what you're talking about. She's too pretty. Sabi ko naman sa iyo kunin mo na lang siyang personal chef mo sa bahay. Magkakasama pa kayo."
Aahh.. Okay. Alam na niya ang pinag-uusapan ng dalawa. This Millicent girl caught Victor's attention.
"Hindi ko naisip 'yon ah. I will do that." Napangiti na ito at bumaling sa kanya. "You really found her. Sabi ko na nga ba hindi 'yong babaeng pinakasalan mo noon ang babaeng para sa iyo. Hazel is not your type. Nagoyo ka lang ng mukha niya."
Hazel is Luzia. Napansin niya na wala nang galit sa mukha nito kapag binabanggit ang kapatid niya.
"Are you still mad with my sister?" lakas-loob niyang tanong.
Natigilan ito at saglit na napatitig sa kanya. Maya-maya ay umayos ito ng tayo at inayos ang kurbata. Niluwagan nito iyon. That's a sign of uneasiness.
"Hey man, lost your tongue?" Nanunudyong tanong ni Daniel rito. Hindi kasi ito nagsasalita.
"It's just that.. I already forgave her. She talked to me yesterday and her soon-to-be husband paid all her debts. I love Hazel but I can't love another man's woman and another kids mother. I'm moving on now." May lungkot sa tinig nito.
"Oh God, thank you, Victor."
Hindi niya napigilan na yakapin ito sa sobrang saya. Ang buong akala niya ay may panibagong problema na naman silang haharapin ng kakambal niya. Solved na pala ang lahat.
"Opps! Enough of the hug." Bahagya siya nitong itinulak oara makawala sa pagkakayakap niya. "Milli might see us."
Napatawa silang dalawa ni Daniel sa tinuran nito. Si Millicent na chef pala nito ang bago nitong napupusuan. Masaya siya para rito.
Sinamahan sila ni Victor sa table para mag-almusal. Hindi pa rin daw kasi ito nag-aalmusal pero ang totoo gusto lamang nitong makita si Millicent at matikman ang luto nito araw-araw.
"We saw Caroline earlier, anong ginagawa niya dito?" tanong ni Daniel. Nakikinig lang naman siya sa mga ito habang sinusubuan niya ng ice cream si Luziel.
"Oh, that woman! She's crazy, man!" bulaslas ni Victor. "She's insisting that Luzille ruined your relationship. Pilit niyang sinisiraan si Luzille sa akin. I even called Tyler and Wrendel and Caroline also did the same to them. Sinisiraan niya si Luzille sa aming mga kaibigan mo. Akala naman niya madadala niya kami sa mga kwento niya. We've been together since we get circumcised at alam ko ang buong kwento ng buhay mo. I know how she broke your heart and I also knew how the smile of a stranger mend those broken pieces of your heart."
"You really know me," napailing na lamang si Daniel.
Pinagmasdan niya ang magkaibigan. Hindi niya alam kung ilang pagsubok na ang pinagdaanan ng mga ito ngunit mababakas sa kanilang dalawa na hindi lang isa o dalawa ang kanilang nalampasang mga pagsubok. Kilalang kilala ng mga ito ang isa't isa na animo ay nagmula sila sa iisang sinapupunan lamang. Bihira ang makahanap ng mga tunay at tapat na kaibigan. She's happy that Daniel found his true friends.
"Of course! Saka wala kayong dapat isipin ni Luzille about Caroline," sinulyapan at nginitian siya ni Victor to asure her that everything will be alright. "Kami na nina Tyler and Wrendel ang bahala sa kanya at sa mga connections niya. You've helped us a lot kaya kami naman ang tutulong sa iyo especially to your family."
"Thanks, man. I really need your help right now." Nilingon siya ni Daniel, "Is it okay to tell him about the test?"
Nakangiti naman siyang tumango. Napag-usapan kasi nila kanina on their to the restaurant ang tungkol sa DNA testing na ginawa ng ama ni Daniel. They're worried na baka mapeke ang resulta lalo na at gusto ng ama ni Daniel si Caroline para kay Daniel.
"This is about my daughter and Luzille. Sabi ni Luzia na si Luzille ang biological mother ni Luziel kaya nagpa-DNA test si Papa para sa dalawa. We're worried that Caroline might influenced Papa to falsify the result. Can you help us contact the doctor in Simeone hospital. Alam kong may contact ka sa loob ng ospital at matutulungan mo kami."
Ngumisi si Victor sa kanila.
"Sisiw," pagyayabang nito saka kinuha ang cellphone at may tinawagan. "This is Victor Del Seanne, I want to speak with Ms. Simeone."
Nakamasid lamang sila ni Daniel rito habang abala naman sa paglalaro ng kanyang bear si Luziel. Victor tapped the table. He's being impatient kaya inilapag nito ang cellphone sa mesa at nilagay sa speaker mode.
Ilang saglit pa ay may tinig ng babae na nagsalita sa kabilang linya.
"Ano na namang kailangan mo, Del Seanne?" bakas sa tinig ng babae ang pagkainis.
"Hello there, Maggie! I have a small favor to ask at alam kong pagbibigyan mo ako." Nakangising wika ni Victor. Nasa soeaker mode pa din ang cellphone nito.
"Who's with you? May ibang nakikinig sa usapan natin."
Mas lalong ngumisi si Victor at dinampot ang cellphone saka inalis sa pagkakaloud speaker.
"I'm with Daniel and his family."
Hindi na niya narinig ang iba pang sinabi ni Victor dahil lumayo ito sa kanila. Kinuha naman niya ang pagkakataon para tanungin si Daniel.
"Sino si Maggie?"
Ngumiti ng nakakaloko si Daniel bago sumagot.
"She is Victor's first girlfriend and fiancè. Their situation is a bit complicated but they both don't like the idea of marrying each other kaya naman nagtutulungan sila para walang kasalan na maganap."
Kaya pala masungit ang bungad noong Maggie kay Victor. May something pala sa pagitan ng mga ito.
Maya-maya pa ay bumalik sa mesa nila si Victor na may ngiti sa mga labi.
"The result is out and Maggie made sure na hindi ito mahahawakan ng kahit na sino maliban sa inyong dalawa. Although nagpadala siya ng kopya kina Tito at Tita, the original copy of the result is safe and intact."
Nakahinga sila ni Daniel ng maluwag.
Sana maging maayos ang resulta. Iyon lamang ang tangi niyang dasal.
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
BINABASA MO ANG
Sweet Escape
General FictionWhat if you woke up one day and you are no longer the person you knew you were? Everyone is calling you by other people's name. Paano kung ang buhay ng iyong kapatid ay mapunta sa iyo? At walang naniniwala sa iyo na hindi ikaw ang kapatid mo? How c...