DAHIL NGA WALA SA BAHAY SI LUZIEL AT PAT, sila lamang ni Daniel ang naroon at ang tatlong maid na abala sa mga trabaho nito. Abala sa opisina nito si Daniel habang siya naman ay walang magawa sa kanyang kwarto. Naalala niya na may kailangan siyang linawin sa mga sinabi ni Daniel sa ina nito kanina.
She decided to go to his office.
"Marami ka bang ginagawa?" bungad niya rito nang papasukin siya at paupuin nito sa couch.
"Hindi naman masyado. Bakit? May kailangan ka bang puntahan?" Napangiti siya. Ever since na sinabi niya rito na sa bahay na sa bahay muna nito siya titira ay parang reyna na ang turing nito sa kanya. Lahat ng gusto niya ay kinoconsider nito.
"Wala naman. Naalala ko lang 'yong mga sinabi mo kanina sa Mama mo. Lahat ba 'yon totoo? I mean... May totoo ba sa sinabi mo kanina sa Mama mo?" Naguguluhan pa din siya kung paano itatanong rito ang tungkol sa mga makahulugan nitong salita kanina.
"Which one? Marami akong sinabi kay Mama?" He's teasing her.
Iningusan niya ito at sinamaan ng tingin. Kung hindi lang siya masyadong curious sa label nila hindi niya ito kukulitin ng kung anu-ano. Haist! Nilunok niya ang kanyang pride at inalala sa mga sinabi ni Daniel kanina ang gusto niyang mabigyan ng linaw.
"You said that you can't love a woman like Caroline because you're no longer the Daniel she used to know. You also said that you were planning on having a serious relationship but not with Caroline and you looked at me as you said those words. What does that mean? Ayoko mag-assume kaya tinatanong ko ito sa iyo ng diretso, Mr. Biancaflor." Buong tapang niyang wika kasabay ng paglunok niya ng natitirang hiya sa katawan.
Daniel stood up from where he's sitting and walked towards her. Nakaupo siya at ito naman ay nakatayo sa harap niya. That made her looked up on him. Literal.
Bigla siyang napaatras nang bigla itong yumuko para ilapit ang mukha sa kanya. She's now leaning on the couch and he's pinning her down.
"Nasabi ko na ito at sasabihin ko ulit." Sinalubong niya ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. "I like you, Luzille. Everything about you. You are my strength and my weakness. I've spent years to find you and now that you're here, I won't let you off this time without you, using my surname." May diin ang bawat salita na wika nito.
Napakurap siya ng ilang beses para iabsorb ang lahat ng sinabi nito. Hindi siya nito pakakawalan. Ano 'yon? Ikukulong siya nito? Wait! Did he just said that she needs to use his surname?
"Are you asking me to marry you?" Gulat niyang tanong rito.
Natawa naman ito at pabagsak na naupo sa tabi niya.
"What do you think?" balik tanong nito. "Will you marry your sister's ex-husband?"
Hindi siya kaagad nakatugon rito. Tama ba ang mga nangyayari? Eto na naman ang praning na side niya. Mag-iisip na naman siya ng negative na pwedeng makaapekto sa magiging desisyon niya.
"I-I don't know yet, Daniel. Hindi ba masyadong mabilis ang lahat? Kakaalam ko lang na pangalan ko pala ang ginamit ni Luzia sa birth records ni Luziel. Was that okay with the law?"
"I also don't know yet. I'll asked my lawyer about that." Kahit ito ay bakas ang pagkabahala sa tinig.
"If only we're not in this bizarre situation I would probably say yes to your proposal. But we're still stuck in this. Hindi ko pa alam kung paano aayusin ang costudy ni Luziel. The court won't surely allow me to be her mother. Lalo na at kaya namang magpakaina ni Luzia sa anak niya. I just don't know what to do." Naihilamos niya ang palad sa sobrang gulo ng kanyang isipan.
She felt his hands wrapped around her as if he's protecting her.
"Just be with me and Luziel. Stay by my side and take care of us. Ako nang bahala sa mga gumugulo sa isip mo. I promise that everything will be alright."
Tumunghay siya upang makatagpo ang kanilang mga mata. "You promised?"
"I promise." Itinaas pa nito ang kanang kamay na parang nanunumpa. "Pero mangako ka rin sa akin na kapag okay na ang lahat, you will be Mrs. Biancaflor no matter what."
Mahina siyang natawa rito. "Kahit hindi mo sabihin, papayag ako."
He pulled her closer to his chest. Ipinulupot naman niya ang mga braso sa bewang nito.
"Thank you for everything, Luzy. Thank you for the smile you gave to me the day I lost my first child. Thank you for giving me strength and hope."
Hindi niya napigilan na mapangiti. Ganito pala ang pakiramdam na may napasaya kang tao at may nabago ang buhay dahil sa simpleng ngiti ko.
"That's God's plan," aniya saka mas hinigpitan ang pagkakayakap sa bewang nito.
Naramdaman naman niya ang pagdampi ng labi nito sa ulo. He just kissed her head. Shocks! Hindi pa siya naliligo. Mabilis siyang kumalas sa pagkakayakap nito at agad na tumayo.
"Bakit mo ginawa 'yon?!" naiinis niyang tanong rito.
He looked at her with a puzzled look.
"What did I do wrong?" Naguguluhan naman nitong tanong.
"Why did you kissed my head? Hindi pa ako naliligo eh!" Nagpapadyak niyang sabi. Naiinis siya rito. Baka naamoy pa nito ang amoy ng balot na kinain niya sa byahe kagabi.
She heard him chuckled. Naiinis niya itong tiningnan.
"Anong nakakatawa?"
"Your reaction. I just kissed your head. Wala akong pakialam alam kung hindi ka pa naliligo o kahit isang linggo ka pang hindi naliligo. Huwag lang lalampas ng isang linggo dahil iba na talaga ang amoy mo no'n." Mas lalo niya itong sinamaan ng tingin.
"I will still love you even at your worst, Luzille."
Parang kinurot ang puso niya sa sinabi nito. In short, kinikilig ang lola mo. Maiihi na nga sa kilig eh.
"Ewan ko sa'yo." Inirapan niya ito para itago ang pamumula ng pisngi.
"You look lovely when you blush," komento pa nito.
Mas lalo naman siyang namula kaya tinakpan niya ng mga kamay ang pisngi.
"Stop teasing me," saway niya rito.
"I am not teasing you, Luzy. I'm just being honest."
Hindi na niya kaya pang itago ang kilig kaya mabilis siyang tumakbo oalabas ng opisina nito at dumiretso sa kwarto para maligo at kalmahin ang puso.
Kung ganito nang ganito ang mangyayari habang narito siya sa bahay ni Daniel baka wala pang isang linggo ay kamatis na siya or worst parang labi ni Caroline sa pula ang magiging kulay niya.
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
BINABASA MO ANG
Sweet Escape
General FictionWhat if you woke up one day and you are no longer the person you knew you were? Everyone is calling you by other people's name. Paano kung ang buhay ng iyong kapatid ay mapunta sa iyo? At walang naniniwala sa iyo na hindi ikaw ang kapatid mo? How c...