NAPANGITI SIYA nang muling masilayan ang bahay na nabungaran niya nang minsang magising upang maging si Luzia. Nalaman na ni Daniel na nasa malapit lang pala nakatira si Luzia. So to make everything clear, they decided to talk over coffee at Daniel's house. Mabuti na lang may emergency na ginawa si Rizza. May dahilan siya para isara muna ang clinic."Wala pa ring pinagbago ang bahay na ito," puna ni Luzia habang inililibot ang tingin sa buong bahay.
"This place is nice," komento niya naman.
"Yes, just like what you wanted."
Napakunot ang noo niya sa sinabi ni Luzia. Katulad ng gusto niya? Yes, she loves houses near the shore and Luzia hated it. Ayaw nito sa tunog ng paghampas ng alon. Para sa kanya parang nagbabadya daw ang tunog nito ng isang delubyo. She probably get that idea from the movies she loved to watch when they were young.
Sumunod siya rito nang magtungo ito sa office ni Daniel. Kasama nga pala nila si Lynel. It's a bit uncomfortable dahil sa naging sagutan nila kahapon. Pero mukhang okay na ito at si Luzia. Nakapag-usap na siguro ng masinsinan ang dalawa.
"Now that we're here, Luzia I want to know your plan about Luziel. Luzille told me about your other children," panimula ni Daniel.
Nakaupo sila ng magkakaharap sa conference table na naroon. She's sitting next to Daniel while across them are Luzia sitting next to Lynel.
"Hindi kasama sa kontrata natin na magiging ina ako ng anak mo, Daniel. It was clearly stated there na bibigyan lang kita ng anak. That's why we did the IVF procedure 'di ba? Pumayag ako sa offee mo dahil kailangan ko ng pera para sa paghahanap sa mga anak ko. I already gave you what you want. I even married you to give Luziel a c9m0lete picture of a family. That's our deal. Kung hinihiling mo na maging ina ako sa kanya, I'm sorry but I can't. I also have children who need me more than Luziel needs me."
Nakita niyang nagtagis ang mga bagang ni Daniel sa galit ngunit agad itong kumalma nang hawakan niya ang kamay nito.
"Naiintindihan ko ang pinupunto mo pero paano naman 'yong bata na itinuring ka na ina niya?" Muling tanong ni Daniel.
"That's the reason why I lead you to my sister." Binalingan siya ni Luzia. "You're the perfect mother for Luziel, Luzy. You have that maternal instinct that I don't have. Malayo ang loob ko kay Luziel dahil alam kong hindi sila bunga ng pagmamahalan namin ng Daddy niya."
"Ano bang sinasabi mo, Luzia? Sa ating dalawa ikaw ang isang ina kaya ikaw ang dapat na may alam kung paano maging ina sa mga anak mo. At kabilang sa mga anak mo si Luziel."
Mabilis na umiling ang kakambal niya kaya lalo silang naguluhan.
"Para sa akin bunga si Luziel ng kagustuhan kong mahanap ang mga anak kong iginapang ko sa hirap. Hindi naranasan ng mga anak ko ang pag-aaruga at pagmamahal na dapat ay ibinigay ko sa kanila dahil sa kapabayaan ko. Hindi ko magawa na ibigay ang pagmamahal na iyon kay Luziel habang ang mga anak ko ay hindi ko kapiling. I'm sorry pero hindi ko kayang maging ina kay Luziel." Pagkasabi no'n ay tumakbo paalis si Luzia na agad sinundan ni Lynel.
Marahas na napatayo naman si Daniel at galit na galit na itinapon ang mga gamit nito sa mesa. Nabasag ang paper weight nito na yari sa marmol ganoon din ang picture frame ng larawan nito at ni Luziel. Pinulot niya ang basag na picture frame at inalis ang mga basag na bubog.
Napangiti niya nang makita ang ngiti sa labi ng mag-ama habang nakatingin sa camera. Nang sandaling 'yon may sigla at sayang nabuhay sa dibdib niya.
"Pumapayag na ako," turan niya habang nakangiting nakatingin sa galit na galit na si Daniel.
"What?!" bakas ang inis sa tinig nito.
BINABASA MO ANG
Sweet Escape
General FictionWhat if you woke up one day and you are no longer the person you knew you were? Everyone is calling you by other people's name. Paano kung ang buhay ng iyong kapatid ay mapunta sa iyo? At walang naniniwala sa iyo na hindi ikaw ang kapatid mo? How c...