HININTO NIYA ANG KOTSE SA TAPAT NG BAHAY NG MGA BIANCAFLOR. Agad siyang bumaba at inilang hakbang ang main door. It was not locked kaya pumasok siya. Gabi na nang makarating siya at ilang oras na din mula nang makausap niya si Luziel. Agad niyang hinanap ang silid ng bata.Nakahinga siya ng maluwag nang makita si Luziel na mahimbing na natutulog habang yakap ang malaki nitong bear at ang picture niya. Humikbi ang bata kaya alam niyang nakatulog ito sa pag-iyak.
Umupo siya sa tabi nito at masuyong hinaplos ang buhok nito.
"Pasensya na kung ngayon lang si Mommy." Dinampian niya ng halik ang noo ng bata.
"Ma'am Luzille??"
Napalingon siya sa nagsalita. Si Pat pala ito dala ang isang tray ng pagkain. Bakas ang gulat sa mukha nito.
"Mabuti po narito na kayo, mam!" bulaslas nito saka ibinaba ang tray at lumapit sa kanya.
Siya naman ay tumayo at bahagyang lumayo sa natutulog na bata.
"Tumawag sa akin kanina si Luziel at umiiyak. Ano bang nangyari?"
Sumilip muna si Pat sa labas ng silid. Siniguro nito na walang tao saka inilock ang pinto.
"Si mam Caroline po kasi.." panimula nito.
"Anong ginawa ni Caroline?" Alam niyang may mali pero nanatili siyang kalmado.
"Tatlong araw na po na wala si sir Daniel. Sa akin po niya iniwan si Luziel pero kahapon po bigla na lang dumating dito si mam Caroline na umaasta na parang siya ang may-ari nitong bahay. Paulit-ulit nitong sinasabi na pagbalik ni sir Daniel ay ikakasal na sila kaya dapat kaming masanay na siya ang masusunod dito sa bahay. Ayos lang naman po sa aming mga katulong 'yon pero oagdating mo kay Luziel ay iba po ang trato niya. Lagi niyang sinisigawan ang bata. May isang beses po kahapon na napagbuhatan nito ng kamay ang pamangkin niyo dahil nagpupumilit si Luziel na tawagan kayo. Napalo po niya ang bata kaya po hanggang ngayon ay umiiyak at hindi pa kumakain ang bata."
Naikuyom niya ang kamao sa mga sinabi ni Pat. Tiningnan niya ang batang natutulog. Kaya siguro kinakabahan siya kahapon pa.
"Alam ba ito ni Daniel?"
"Hindi po. Hindi kami pinapayagan ni mam Caroline na tawagan si sir Daniel. Kahit po ang lola ni Luziel ay hindi rin alam ang bagay na ito."
Nabuhay ang galit sa dibdib niya. Sa kanilang dalawa ng babaeng 'yon ay siya ang higit na mas may karapatan sa bata. Wala itong karapatan na saktan ang pamangkin niya. Kahit pa siya ang mapapangasawa ni Daniel.
"Nasaan si Caroline?" matapang niyang tanong.
"Lumabas po sandali para kumuha ng ilang gamit daw niya sa condo. Dito na daw siya titira kaya mas lalo akong natatakot para sa kay Luziel."
Kahit siya ay natatakot para sa kapakanan ng pamangkin. If only Luzia is here. Ito ang higit na may karapatan sa bata.
"Kailan ang balik ni Daniel?" muli niyang tanong.
"Ngayong gabi po ang flight nila pabalik kaya baka bukas po o mamayang madaling araw ay nandito na po si sir. Bakit niyo po tinatanong, mam?"
"Kailangan naming mag-usap ni Daniel para sa costudy ng bata."
"Po?"
Hindi na niya sinagot pa si Pat at kinuha na lamang niya ang tray ng pagkain.
"Huwag mong ipapaalam sa kahit na sino na narito ako." Kinuha niya ang susi ng kotse sa bulsa. "Itago mo ang kotse ko sa malayo para walang makakita. Kailangan kong mahuli sa akto ang kasamaan ng ugali ng Caroline na 'yon."
BINABASA MO ANG
Sweet Escape
General FictionWhat if you woke up one day and you are no longer the person you knew you were? Everyone is calling you by other people's name. Paano kung ang buhay ng iyong kapatid ay mapunta sa iyo? At walang naniniwala sa iyo na hindi ikaw ang kapatid mo? How c...