38 - Escaped

7K 173 19
                                    

 
 
 
"MOMMY! DADDY! " Napatakip silang mag-asawa ng tenga nang sabay-sabay na sumalubong sa kanila ang mga anak. Kasunod ng mga ito ang dalawang nakatatandang kapatid na sina Luziel at Agatha.

"Well, hello there our bunch of happiness." Isa-isa niyang hinalikan sa noo ang mga anak maliban kina Luziel at Agatha na ayaw magpahalik dahil hindi na daw sila bata.

Anong magagawa niya? Five years have passed. They already have 4 sets of twins and a boy na six years old. Luziel is nine years old and Agatha is fifteen years old. Tatlong taon na lang at malalaman na ni Agatha ang tungkol sa mga ibinigay sa kanya ni Caroline. Mukhang napatawad na rin nito si Caroline sa nagawa sa ina.

"How's Switzerland, Dad?" tanong ni Luziel sa ama.

"Still peace and serene, baby. Sa susunod kasama na namin kayo ni Mommy."

Inihanda na nila ang tenga nang muling maghiyawan ang mga anak dahil sa sobrang saya. They stayed in Switzerland for five days dahil sa business nila doon. Inasikaso rin nila ang bahay na binili nila roon dahil plano nila na doon manirahan kasama ang mga anak. They love Philippines but at this rate where their children are growing up, they need a peaceful environment for them. At sa tingin nila sa Switzerland nila ito makikita.

"Mom, someone came here earlier today." Bakas sa mukha ni Agatha ang kaba at takot. It was the same expression she saw whem Nathalie died.

"Sino?" she asked.

"Si Caroline." Napayuko ito at nakatingin lamang sa mga daliri habang nilalaro ang mga ito. "I sent her away dahil baka magalit kayo sa akin kapag nakita niyo siya rito."

Agad niyang nilapitan si Agatha. Inutusan naman ni Daniel ang mga yaya na dalhin muna sa play area ang mga bata pati si Luziel kahit ayaw nito.

Dinaluhan nila si Agatha. "Bakit mo naman naisip na magagalit kami sa iyo, Agie?"

Agie's face turned red. Senyales na may pinipigil itong damdamin.

"It's because of her kaya napahamak sina Luzi at Dani, right?"

Nagkatinginan muna sila ni Daniel bago siya tumango sa anak. "Yes but it's all in the past, Agie. The truth is.."

Muli niyang tiningnan si Daniel para humingi rito ng permiso na sabihin kay Agie ang tungkol sa pagbibisita nila kay Caroline.

"What truth, mom?"

"The truth is that we've already forgiven Caroline to what she did. Months after what happened, binibisita na namin siya sa kulungan. Wala nang pamilya si Caroline dahil tinakwil siya ng mga magulang niya dahil sa ginawa niya. She almost lost her mind dahil sa sobrang pagsisisi sa nagawa sa Mama mo at sa iyo. Sa tulong ng pagpunta namin doon at pagbisita sa kanya, kahit papaano ay nakarecover siya. Ang totoo niyan ipinangako niya na kapag nakalaya siya sa kukungan ay babawi siya sa iyo. Habang buhay ka niyang susuyuin para mapatawad mo siya. I guess she kept her promise."

Nakatingin lamang sa kanya si Agatha na parang may malalim na iniisip.

"I already forgave her, mom. Matagal na po. Sabi ni Mama huwag akong magtatanim ng galit sa ibang tao. Nakagawa man sila ng masama sa akin o hindi. Sabi ni Mama, everything happens for a reason. Ang lahat ng nangyari ay may dahilan. Dahil sa nangyari natutunan kong maging matapang at magpatawad." Agie looked at her with her eyes full of hope.

Hindi niya napigilang maoangitp sa sinabi ng anak. Niyakap niya ito habang naiiyak sa kasiyahan.

"I am so happy to know that you chose to live a peaceful life, Agie. Tama ang sinabi ng Mama mo. Your mom really raised you well." Muli niya itong niyakap ng mahigpit.

"Mom, can I ask you a favor?" tanong nito nang kumalas sa pagkakayakap.

"What is it, Agie?"

Nag-aalinlangan pa itong tumingin kay Daniel saka muling tumingin sa kanya. Mukhang nahihiya ito sa amain.

"May problema ba, Agie?" tanong ni Daniel rito.

"Pwede ba akong makipagkita kay Caroline?"

Nagkatinginan silang mag-asawa sa tanong ni Agatha. Sa pagtango ni Daniel ay agad siyang napangiti. Some people may think she's naive for letting Caroline into their life knowing that she is Daniel's former lover. Malawak na pang-unawa lang naman ang kailangan. May tiwala siya sa asawa niya na hindi ito magloloko at ipagpapalit sila ng mga bata sa isang babae.

"Sure, baby. Do you want us to come with you?"

Mabilis na tumango ang bata. "Yes, mom. Thank you po."

Masaya itong tumakbo patungo sa mga kapatid habang sila ay naiwan ni Daniel na walang pagsidlan ang saya. Akala nila mahihirapan sila na kumbinsihin si Agatha na patawarin si Caroline. Napakabuting ina ni Nathalie dahil pinalaki nito si Agatha na may mabuting puso. Hindi tuluyang nabalot ng galit ang puso nito.

Daniel pulled her closer to him as they look at their children. Yumakap siya sa bewang ng asawa at humilig sa balikat nito. Wala na silang aalalahanin pa para sa mga anak.

This is the start of their happily ever after.

The End...
 
 
 
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Sweet EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon