12 - Request

4.1K 140 5
                                    

 
  
   
AGAD NA NAGLARO si Luziel nang makarating sila sa bahay niya. Kinuha nito sa malaking cabinet ang mga teddy bears na dati nilang laruan ni Luzia. Nakadaragdag talaga sa kasiyahan ng isang bahay ang ngiti at tawa ng isang bata. Just like now. Naging maingay sa bahay niya dahil sa tawa ni Luziel. Tuwang-tuwa ito sa mga laruan at mga gamit na pambata na naroon. Hindi niya tinanggal ang mga iyon sa bahay dahil 'yon lang ang tangin bagay na nagpapaalala sa kanya sa kakambal.

"Dito na kayo kumain ng dinner. Magluluto ako," sabi niya kay Daniel.

Abala ito sa pagtingin sa kabuuan ng bahay. Luma na ang bahay nila pero hindi naman luma na marurupok na ang materyales. Simula nang maiwan ito sa kanya ay pinglalaanan niya talaga ng pera ang maintenance nito.

"Can we spend the night here?"

Natigilan siya sa tanong ni Daniel. Pati si Luziel ay napatingin sa kanya.

"Yes, mommy. Can we sleep here with you?" Nakangiting hiling ng bata.

Alanganin siyang ngumiti sa mga ito habang nag-iisip kung papayag o hindi.

"May kailangan din akong sabihin sa iyo about your sister."

"Kung gano'n naman pala, sige. You can stay here."

Napatalon sa sobrang saya si Luziel sa pagpayag niya. Tumango at ngumiti naman si Daniel. Makakasama niya ulit sa iisang bubong ang pamilya ni Luzia na napalapit na sa kanya. Alam niyang mahirap ang kapalit ng ginawa niyang pagpayag dahil kailangan niyang kontrolin ang puso at damdamin para kay Daniel. Pero kung ang kapalit naman nito ay ang tungkol sa kapatid niya, kakayanin niya. Kailangan niya lang kontrolin ang sarili. Kaya mo 'yan, Luzy.

"Maghahanda lang ako ng meryenda," aniya saka nagtungo sa kusina.

Mabuti na lang nakapag-grocery siya kahapon. Maraming laman kitchen niya ng mga pagkain gano' n din ang storage room niya ng mga essential utensils para sa mga bisita. She's expecting Luzia kasi to come home every time na nasa clinic siya. Kaya sinisiguro niya na may mga gamit itong madadatnan at pwedeng dalhin kung saan man ito tumutuloy.

Naghanda siya ng sandwich para sa kanila ni Daniel at cookies naman para kay Luziel. She was busy on preparing a juice when she felt a pair of eyes looking at her. Nang lumingon siya ay nakita niya si Daniel na nakatayo sa may pinto ng kusina at nakamasid sa kanya.

"Is there something you need?" tanong niya rito sa kabila ng uneasiness na nararamdaman dahil sa pagtingin nito.

"Actually, there is."

Humakbang ito palapit sa kinaroroonan niya. Sumandal ito patalikod sa counter table habang siya ay nakaharap sa counter. He's near her again.

"Anong kailangan mo?" muli niyang tanong.

"Ikaw ang kailangan ko, Luzille."

Napahinto siya sa ginagawa at tumingin rito. Masuyo itong nakatingin sa kanya. Nagtama ang kanilang mga mata at sa mga sandaling 'yon, hindi niya mawari ang lakas ng tibok ng kanyang puso. Ilang segundo ang lumipas. Hinihintay niya na sabihin nito na biro lang ang sinabi pero wala itong sinabing ganoon.

"Ano bang sinasabi mo, Daniel? Kailangan mo ako? Para ano? Para maging ina ng anak mo dahil nilayasan kayo ng kakambal ko? Anong tingin mo sa akin isang panakip butas?!" Nahilamos niya ang mukha sa inis at galit na nararamdaman. "Hindi ako ang kakambal ko, Daniel. Needing me won't fill the spaces in you and in your daughter's life. I am Luzille and I want to be loved and liked as me not as my sister!"

Matatalim ang tingin na ipinukol niya rito. Ito naman ay nakangisi sa kanya at nagpipigil ng tawa.

She arched her brows.

Sweet EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon