MINULAT NIYA ANG MGA MATA, umaasang ang dating silid na ang mabubungaran. Ngunit laking pagkadismaya niya nang makita ang puting kisame at naririnig pa din niya ang hampas ng alon sa dalampasigan.Bumangon siya mula sa pagkakahiga at naglakad patungo sa veranda. Ramdam niya ang lamig ng sahig sa kanyang walang sapin na paa. Medyo madilim na sa labas ngunit tanaw niya mula sa kinatatayuan ang karagatan. Papalubog pa lang ang araw at napakaganda nitong pagmasdan. Humahampas naman sa kanyang katawan ang malamig na hangin at nilalaro nito ang nakalugay niyang hanggang bewang na buhok. Napayakap siya sa sarili.
"Ano bang nangyari sa akin?" bulong niya sa sarili habang nakatingin sa malayo.
Kasabay ng paglubog ng araw ay ang paglaho ng kanyang buhay. Sa wari niya ay mabubuhay na siya mula ngayon bilang si Hazel na dating si Luzille. Naguguluhan siya sa sinabi ng lalaking nanakit sa kanya kanina na ang dati niyang pangalan ay Luzille at pinalitan lamang niya ng Hazel. It seems like a big part of her life was missing.
Napalingon siya sa bumukas na pinto ng silid. Kakabahan na sana siya dahil baka 'yong lalaki kanina ang lumasok ngunit iniluwa ng pinto ang isang babae. Nakauniporme ito ng pangkasambahay.
"Mam Hazel, kumain na daw po kayo sabi ni sir."
Inilapag ng babae ang tray ng pagkain sa coffee table. Siya naman ay naupo sa single sofa sa tapat ng mesa. Tinitigan niya ang pagkain.
"Wala bang lason 'yan?" tanong niya sa babae.
"Naku, mam, wala po!" Kabadong tugon nito. "Kahit po sobrang galit sa inyo si sir ay hindi po niya inutos na lagyan ng lason ang pagkain niyo. Kayo pa rin daw po kasi ang ina ng anak niya."
Hindi na siya nakatiis. Kinuha niya ng kutsara at tinidor saka nilantakan ang mga pagkain. Kanina pa siya nagugutom. Ikaw ba naman ang halos maghapon nang tulog.
Nakatayo sa tabi niya ang babae na parang binabantayan ang bawat niyang kilos. Ibinaba niya ang mga kubyertos at tiningnan ito.
"Kasama ba sa utos ng sir mo na bantayan ang bawat pagsubo ko?" Mataray niyang tanong.
Napayuko naman ito na parang napahiya.
"H-Hindi po, mam. 'Yon po kasi ang lagi ninyong pinapagawa sa akin."
Napapikit siya ng mariin. It was not her, it's Hazel.
"Ayoko na may nanonood sa akin habang kumakain. Much netter if you join me. Hindi ko ito kayang ubusin lahat." Ibinigay niya rito ang reserbang kutsara at iniabot rito ang ibang pagkain. "Hindi ako kumakain ng pork kaya sa iyo na ito."
Napatingin sa kanya ang babae.
"Bakit?" she asked.
"Mam, paborito niyo po kasi 'yan." Naguguluhan nitong wika.
Umiling siya. "Hindi ko paborito 'yan. Baka si Hazel ang tinutukoy mo. I'm not Hazel, okay? Ako si Luzille. Call me Luzy."
"Kayo nga po si Mam Luzille na nagpapalit ng pangalan para kalimutan ang inyong nakaraan."
Ayaw niyang magalit pero kapag pinagpilitan ng mga tao sa bahay na iyon na siya si Hazel na dating si Luzille ay mauubos na ang pasensiya njya.
"Look at me and listen carefully." Bahagyang natakot ang babae sa kanya kaya kumalma siya. "Hindi ako si Hazel pero totoo na ako si Luzille. Itong buhay na ito ay hindi ko alam kung kanino ito. Siguro kamukha ko ang Hazel na iyon kaya napagkamalan ako ng amo mo. Isa lang ang alam ko, hindi ako si Hazel. Ako si Luzille Guandez."
Napatango na lamang sa kanya ang babae. She sighed. Mukhang hindi ito naniniwala sa kanya.
"Eat up," sabi niya rito na agad namang tumalima. "Anong pangalan mo?"
BINABASA MO ANG
Sweet Escape
General FictionWhat if you woke up one day and you are no longer the person you knew you were? Everyone is calling you by other people's name. Paano kung ang buhay ng iyong kapatid ay mapunta sa iyo? At walang naniniwala sa iyo na hindi ikaw ang kapatid mo? How c...