THEY ARRIVED AT THE HOSPITAL JUST ON TIME. Mabuti na lang may yatch si Daniel. Mabilis silang nakapagtravel from Batangas shore to Pinamalayan shore sa Oriental Mindoro.
Dumiretso kaagad sila sa opisina ni Lynel nang makarating sa ospital. May kausap ito sa telepono nang dumating sila.
"Yes, send them in," wika nito saka ibinaba ang receiver.
He looked at them with a smile.
"Everything is ready. We just need to prepare egg for the procedure. We also need to make sure the surrogate mothers are healthy."
Napakunot ang noo niya sa winika ni Lynel.
"You already found a surrogate mother?" Akala niya kasi maghahanap pa sila.
"Yes, wife. I instructed Lynel to find a compatible surrogate mother for our babies."
Tiningnan niya si Lynel para tiyakin kung totoo ang sinabi ng asawa.
"We have the surrogate mothers here now. Tulad ng gusto mo Daniel, we looked for a married woman and not a single one. Do you want to meet them?" Umahon sa kinauupuan niya si Lynel. "Tilly is giving them instructions and orientation on what we are going to do with them and how they will take good care of their body as well as your baby."
Sinundan nila si Lynel sa kung saan naroon ang mga sinasabi nito na magdadala ng kanilang mga babies. Napagdesisyunan nila ni Daniel na sabay-sabay nilang iuundergo ng IVF procedure ang mga egg cells niya para makabuo ng 4 sets of twins and a single baby. Hindi nila alam kung magiging successful ang procedure but Lynel made sure na gagawin nila lahat ng treatment at care para mabuo ang mga magiging anak nila.
"We're here."
Huminto sila sa isang silid. Nakita niya sa mula sa bubog na pinto ang limang babae na kausap ni Tilly. Pumasok sila sa loob.
"Sila ang magulang ng baby na dadalhin ninyo ng siyam na buwan. Sila sina Mr. Daniel Biancaflor at Mrs. Luzille Biancaflor."
The women looked at them and smile except for this one woman that looked straight into her eyes. Nagtaka siya dahil nakatitig lamang ito sa kanya saka tumingin kay Daniel.
It seems that the woman knew her and Daniel.
"We will start the procedure as soon as possible. But before that Mr. Biancaflor wants you to sign this agreement." Inilapag ni Lynel ang limang kopya ng agreement na ginawa ni Daniel. "Nakalagay sa agreement na habang nasa sinapupunan ninyo ang anak nina Mr. and Mrs. Biancaflor ay susunod kayo sa pangangalaga ng mga doctor na nakaassign sa inyo. You will live under one roof para masiguro na naaalagaan kayo para sa health ng mga baby. As for your family, they will receive monthly budget while you are away."
"Nasabi ko na kanina kung ano ang gagawin sa inyo. You will be well compensated for this."
Tumango-tango naman ang mga babae saka pumirma sa agreement.
"We will start the procedure today," anunsiyo ni Lynel.
Katulad nga ng sinabi ni Lynel, nagsimula agad sila sa pamamagitan ng pagreready sa kanyang egg cell ganon din sa sperm na galing kay Daniel. It will take days bago maiready ang egg cell. Kailangan kasi na maisakto sa ovulation period ng babae ang pagiinject para malaki ang chance ng success ng procedure.
They stayed at the hospital for hours bago nila napagdesisyunan umalis. Habang nasa harap siya ng hospital aylt hinihintay na mailabas ni Daniel ang kotse mula sa parking area ay napansin niya ang pamilyar na babae na sumakay sa isang kotse. Kilala niya ang kotse na iyon at isa sa mga surrogate mother ang babaeng sumakay doon.
"Hindi ako owedeng magkamali. Kay Caroline ang kotse na 'yon," bulong niya sa sarili. Bakit sumakay ang isa sa mga surrogate mother nila sa kotse ni Caroline?
Hindi maganda ang kutob niya rito. Sakto naman na dumating na si Daniel. Agad siyang sumakay sa kotse at sinabi rito ang nakita. Itinuro niya din dito ang kotse na tinutukoy.
"Kay Caroline nga ang kotse na 'yan. She's planning something." May tinawagan ito sa cellphone. "Victor, I need some of your men. I need numbers of security for the surrogate mothers of our children. Caroline is planning something and she's using one of our surrogate."
"Hindi talaga titigil ang babaeng 'yon hanggat hindi nakukuha ang gusto niya. Don't worry, bro. Ako na ang bahala."
"I want the security to be discreet. I don't want her to know that I am three steps ahead of her plans. Send more men on my condo in Batangas. Doon titira ang mga surrogate mothers."
May ilan pang ibinilin at inihingi ng tulong si Daniel sa kaibigan bago nito ibinaba ang tawag. Naroon pa rin sila sa harap ng hospital at sinusubaybayan ang kotse ni Caroline. Mabuti na lang tinted ang kotse na ginamit nila at hindi ito ang kotse na madalas gamitin ni Daniel kaya sigurado siya na hindi ito kilala ni Caroline.
Ilang sandali pa ay lumabas na ng kotse ang babae na isa sa mga surrogate mother. May dala na itong isang envelope.
Nagkatinginan silang mag-asawa. Alam niya na pareho sila ng iniisip.
"We should call Lynel. We should tell him na isa sa mga surrogate ay binayaran ni Caroline. That woman and Caroline are planning something evil to our unborn child, Daniel." Natatakot siya para sa anak niya na ilalagay sa katawan ng babaeng 'yon. Pwede nitong ilagay sa kapahamakan ang anak niya dahil sa pera ni Caroline.
"I won't let that happen, wife. Kapag tinanggal natin bilang surrogate mother ang babaeng' yon. Gagawa ulit ng paraan si Caroline para matupad kung ano man ang pinaplano niya. Hayaan natin siya na i-execute ang kanyang mga plano. Let's just make sure we're way far ahead of her plans. Mas pahihigpitan ko ang security ng babaeng 'yon. I won't let anything happen to our future children, wife. Trust me."
Wala siyang nagawa kundi sumang-ayon sa asawa. May tiwala siya rito na hindi nito ipapahamak ang mga magiging anak nila.
Pinaandar na nito ang sasakyan para makabalik sila sa Batangas. Luziel is waiting for them.
" Akala ko pa naman ay totoo na ang paghingi nito ng tawad noon kasal natin. It was all a lie. Tama si Luzia, hindi ko dapat pagkatiwalaan si Caroline," wika niya habang nasa byahe sila.
"I really didn't buy her apology. Kilala ko si Caroline. Hindi siya ang tao na humihingi ng tawad sa nagawa niya. Kahit noong maagas ang anak namin dahil sa extreme workout niya. She never asked for a sincere sorry even to our child. Hindi ko hahayaan na may anak na naman akong mawala dahil sa kanya. I won't let her lay a hand to our children. Mamamatay muna ako bago niya magawa 'yon."
Napanatag ang loob niya kahit papaano sa sinabi ng asawa. Kahit papano alam niyang may isang tao na katulad niyang isusugal ang buhay para sa mga mahal nila.
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
BINABASA MO ANG
Sweet Escape
General FictionWhat if you woke up one day and you are no longer the person you knew you were? Everyone is calling you by other people's name. Paano kung ang buhay ng iyong kapatid ay mapunta sa iyo? At walang naniniwala sa iyo na hindi ikaw ang kapatid mo? How c...