LAHAT SILA AY NAGULAT SA SINABI NI LUZIA. Lalong-lalo na siya. Hindi niya alam kung paniniwalaan ba ang sinabi ng kakambal o hindi. Hindi niya alam kung totoo ito o baka sinasabi lamang nito ang bagay na iyon para hindi na manggulo si Caroline."Ano bang sinasabi mo, Luzia?" kinakabahan niyang tanong sa kabila ng pilit na ngiti.
"Totoo ba ang sinasabi mo?" It was Daniel and he was hopeful that it was true.
"Is this some kind of a joke? 'Cause it's not funny." May himig ng inis sa tinig ng ama ni Daniel.
"Luzia, if this is another lie please stop. Hindi biro ang tungkol sa apo ko." Nakikiusap namang wika ng ginang.
"I'm sure this is part of your plan." Nakataas ang kilay na sabat ni Caroline. Totoo pala talaga 'yong tinatawag na feelingera. Caroline is the living evidence.
"Hindi ba kayong lahat nagtaka kung bakit Luzille ang ginamit kong identity sa inyo?" Saglit na naghintay ng tugon mula sa kanila si Luzia ngunit walang umimik kaya nagpatuloy ito. "It is because right from the start I was Luzille in Daniel's eyes. Kilala niya ako bilang isang OB-Gyne at isa lang ang kilala kong OB na kamukha ko. That's Luzille. I admit that I used Daniel for my personal agenda. Kailangan ko no'n ng pera para mahanap ang mga anak ko and Daniel was a blessing from above. I knew she liked my sister kaya nong sabihin niya na gusto niyang magkaanak sa akin sa pag-aakalang ako si Luzille, kapalit ng malaking halaga ay pumayag ako sa kondisyon na magkakaanak kami through IVF procedure. Daniel didn't know that I asked the doctor to change the egg that will be used in the procedure. Ipinalit ko ang egg cell ni Luzille. That makes her the biological mother of Luziel."
Lahat sila ay hindi nakapagsalita sa rebelasyon ni Luzia. Even Daniel couldn't utter a word. Kaya naman naglakas-loob siyang magstanong rito.
"Where did you get my egg cell?"
Luzia smiled at her.
"Hihingi ulit ako ng pasensiya sa iyo, Luzy, dahil ilang beses kong ginamit ang iyong identity para makuha ang gusto ko. You know Tilly?"
Hindi niya pwedeng makalimutan si Doc Tilly dahil isa ito sa circle of friends ni Luzia.
"Yeah, I know her. She's your friend, right? Anong kinalaman niya rito?"
"Siya ang tumulong sa akin para makakuha ng healthy egg cell mo."
Mas lalo siyang naguluhan. Sa pagkakaalala niya ay hindi na siya pwedeng makapagproduce ng egg cell dahil sa surgery na ginawa sa kanya. Ano itong sinasabi ni Luzia?
"I don't understand what you're saying?" Nakakunot ang noo niyang saad, "I had endemotriosis when we were 19, Luzia. I had a surgery a year before you ran away from home. After that surgery I can no longer produce an egg cell because I have no ovaries."
"Ang totoo niyan, Luzy, masama ang loob ko sa inyo ni Papa dahil hindi niyo sinabi sa akin ang naging kondisyon mo. Sana nadamayan kita sa lahat ng sakit. Kaya pala lagi kang nasa ospital noon at hindi ako pinapabisita sa iyo ni Papa dahil ayaw ninyong malaman ko ang totoo." May himig pagtatampo nitong wika.
"We don't want you to worry kaya inilihim namin ni Papa sa iyo. Kaya lagi kang pinapayagan noon ni Dad na mag-out-of-town kasama ang mga kaibigan mo dahil I need to stay in the hospital."
"I know. Nalaman ko din naman ang lahat a month after your surgery."
Bakas ang gulat sa kanyang mukha. Ang buong akala niya ay hindi alam ni Luzia ang kondisyon niya. Wala nga sana siyang balak na sabihin dito ang lahat lalo na ang katotohanan na sakit na katulad ng sa kanya namatayvang kanilang ina.
BINABASA MO ANG
Sweet Escape
General FictionWhat if you woke up one day and you are no longer the person you knew you were? Everyone is calling you by other people's name. Paano kung ang buhay ng iyong kapatid ay mapunta sa iyo? At walang naniniwala sa iyo na hindi ikaw ang kapatid mo? How c...