27 - RESULT

3.4K 111 2
                                    


 
 
PAGKATAPOS KUMAIN NG ALMUSAL SA RESTAURANT NI VICTOR AY IPINAGSHOPPING SIYA NG MAG-AMA.

"Kailangan ba talaga na ganito kadami?" Nasa harapan niya ang maraming bags ng mga mamahaling damit, sapatos, pabango, mga sumbrero, tsinelas at pati mga beauty products.

"Of course. Kulang pa nga 'yan eh. Ipapadeliver ko na lang sa bahay  'yong ibang napili namin ni Luziel para sa iyo."

Napanganga na lamang siya sa sobrang mangha. Hindi siya makapaniwala sa ginawang pagshopping ng dalawa para sa kanya. When she checked all the bags, mas lalo siyang namangha sa kakayahan ni Daniel at sa yaman nito. Lahat ng mga naroon ay masasabi niya napakamahal. Marami siyang tinanggihan kanina na mga ipinakita sa kanya ng sales lady na bagay daw sa kanya. Magaganda ang mga ito pero ng makita niya ang presyo ay nanlumo ang bulsa niya. A simple blouse can worth more than five thousand. Hindi naman siya ganoon kapoor para hindi makaafford ng mga branded clothes pero ang ganoon kamahal ay napaka-unreasonable nang bilhin.

"I can't believe you two," aniya. "Kahit yata hindi ako maglaba ng isang buwan ay marami pa rin akong susuotin."

"That's not all, mommy. Tita Luzia said that you love dresses so we asked Tita Luzia for your favorite color and style."

Namilog ang mata niya sa sinabi ni Luziel kaya binalingan niya si Daniel.

"Totoo ba 'yon?" she asked.

"Yes. Gusto naming iparamdam sa iyo na mahalaga ka sa amin ni Luziel. Not just because you're her mother but because we love you."

Nagalak siya sa sinabi nito. But it's too much.

"You don't have to buy all these things to show your love, Daniel. Your time and affection is more than enough. I only need you and Luziel, that's all I need." Nalungkot naman ang mukha ng mag-ama kaya agad siyang bumawi sa mga ito. "But thanks to these. I love it. Medyo mahal ang presyo pero hindi ko naman pera ang ginamit dito kaya tatanggapin ko lahat ito."

Noon lamang ngumiti ang dalawa kaya napangiti na din siya.

"Daddy has a lot of money, mommy. Don't worry about the price."

Natawa siya sa sinabi ni Luziel. Napakamot naman sa batok ang ama nito. Sanay na talaga sa buhay prinsesa ang anak niya. Makakaya kaya nito mabuhay sa probinsya katulad simpleng buhay nila ni Luzia.

Naputol ang kanilang masayang pag-uusap nang tumunog ang cellphone ni Daniel. Saglit nitong tiningnan ang caller ID saka tumingin sa kanya.

"Dad is calling. It might be the about the result."

Nabuhay ang kaba sa dibdib niya. Paano kung iba ang lumabas sa resulta?

Sinagot ni Daniel ang tawag saka sumenyas sa kanya na lalayo muna ito. Tinanguan niya ito bago ito umalis at bahayang lumayo sa kanila ni Luziel.

"What result is it, mommy?" usisa sa kanya ng bata.

"It is about you and me, baby. Your Lolo asked an expert to know if I am really your mommy or not. The result will tell whether I am your real mom or not. Let's hope for a good news, baby."

Napakunot ang noo ng bata. Nginitian na lamang niya ito. Alam niyang hindi nito naintindihan ang mga sinabi niya. She hugged her tight as she said a silent prayer that the result will be positive.

"Whatever that result will say, you will always my mommy. I don't want other mommy." Nakanguso na wika ng bata. Mas lalo niya itong niyakap ng mahigpit.

"Me neither, baby. I don't want any daughter but you."

They were both hugging each other when Daniel came back.

Sweet EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon