ILANG MINUTO na mula nang pumasok sa silid nito si Hazel pero bakit pakiramdam ni Daniel ay napakalayo pa rin ng asawa. Nasa iisang bahay lamang sila ngunit hindi niya maramdaman ang presensiya ni Hazel. Minsan napapaisip na siya kung si Hazel ba talaga ang babaeng kinuha ng mga tauhan niya. Pero base sa imbistigasyon ng kanyang private investigator ay ito ang kanyang asawa at hindi iyon maikakaila dahil pareho sila ng mukha ni Hazel.Kahit dalawang taon na mula nang lumayas sa bahay nila si Hazel ay sariwa pa rin sa kanya ang hirap at sakit na dinulot nito sa kanyang anak. Sobrang nasaktan si Luziel sa ginawa ng ina nito kaya pinangako niya sa sarili na hahanapin niya si Hazel at pagbabayarin sa ginawa nito sa bata.
Malinaw sa kanila ni Hazel ang relasyon nila bilang mag-asawa. Gusto niyang magkaanak at ito naman ay kailangan ng pera. Kaya bilang kapalit ay dadalhin ni Hazel ang anak niya via IVF procedure. No sex involved. Egg cell nito at sperm niya ay iiinject sa uterus nito para makabuo sila ng baby. The procedure was a success kaya nga may Luziel siya ngayon. Akala niya may chance na magiging okay sila ni Hazel. Akala niya may feelings na madedevelop after niya itong alukin ng kasal pero nagkamali siya. Pera lang pala niya ang habol nito. Sa isang taon na pananatili nito sa bahay nila pagkatapos nilang makasal ay hindi nito ni minsan inalagaan si Luziel. Nagpapasalamat na lang siya dahil nariyan si Patricia para tulungan siya sa pagpapalaki at pag-aalaga sa anak.
Ang pinakamasakit na ginawa ni Hazel ay ang makipagrelasyon ito sa mga kaibigan niya kapalit ng pera. Malaking kahihiyan ang binigay nito sa pangalan niya kaya pagbabayarin niya ito ngayon.
"Sir.."
Napatingin siya sa nagsalita. Si Patricia pala at dala nito ang mga gamot ni Luziel na nakalimutan na sigurong inumin dahil nakatulog na nang kargahin ni Hazel.
"Papainumin mo ba si Luziel ng mga gamot?"
"Opo, sir." Binuksan nito ang pinto sa tabi niya saka pumasok sa loob ng silid ng anak.
Pinanood niya lamang ito habang ginigising si Luziel. Mabait naman ang bata dahil agad itong uminom ng gamot para sa trauma nito. He pity his child. Hindi nito mararanasan ang lahat ng ito kung hindi dahil sa sarili nitong ina.
Ilang sandali pa ay tulog na ulit ang anak.
"Nahahalata niyo din po ba ang pagkakaiba nila, sir?"
Napakunot ang noo niya sa tanong ni Patricia.
"Anong ibig mong sabihin?"
Parang kapatid na ang turing niya kay Patricia na mas matanda sa kanya ng ilang taon kaya komportable siyang makipag-usap dito.
"Marami silang pagkakaiba ni mam Hazel, sir. Mula sa pananamit hanggang sa pagsasalita. Hindi niyo po siguro nahalata dahil bihira niyo po makasama noon si mam Hazel. Pero ako po, alam ko ang ayaw at gusto ni mam dahil nakakatakot magalit ang asawa niyo." Bumuntong-hininga ito bago muling nagsalita." Kanina nang dalhan ko siya ng pagkain ay ibinigay niya sa akin ang lahat ng putahe na may karne ng baboy, hindi daw siya kumakain no'n na salungat naman kay mam Hazel na ang laging gusto ay pork. Tapos kanina nang hatiran ko siya ng damit para sa dinner niyo kasama si sir Victor ay hindi nito sinuot ang mga paborito nitong damit dati sa halip ay naghanap ito ng pantalon at t-shirt na hindi naman sinusuot ni mam Hazel."
Kaya pala iba ang tingin niya rito nong nasa hapag kainan sila. Parang hindi si Hazel ang katabi niya kundi ibang tao. Pareho sila ng napapansin ni Patricia.
"Saka 'yong pakikitungo niya kay Luziel ay ibang-iba sa mam Hazel na kilala ko. Si mam Hazel ay ayaw na makasama si Luziel ng tatagal sa limang minuto. Pinapalayo na niya sa akin ang bata kapag tumagal na kasama niya. Pero ang mam Hazel na narito ngayon ay napakamagiliw kay Luziel. Ayaw nito na umiiyak ang bata. Hindi kaya hindi talaga siya si mam Hazel? Hindi kaya ibang tao siya na kamukha ni mam Hazel? Kakambal kaya siya ni mam Hazel?"
Napaisip siya sa mga sinabi nito. May posibilidad na tama ang hinala ni Patricia pero malaki din an posibilidad na mali ito.
"Imposible ang sinasabi mo na may kakambal si Hazel. Matagal ko na siyang kilala."
"Halos tatlong taon mo lang siyang kilala, dalawang taon pa lang kayo na kasal at wala pa kayong isang taon na nagsama sa iisang bahay bilang mag-asawa. Alam mo ba ang lahat ng tungkol sa kanya? Totoo kaya ang mga sinabi niya sa iyo tungkol sa buhay niya?"
Mas lalo siyang nakukumbinsi sa pinupunto ni Patricia. Hindi pa nga niya ganon kakilala si Hazel.
"I made a background check on her at sa mga sinabi ng private investigator na kinuha ko ay tama ang lahat ng sinabi ni Hazel tungkol sa sarili niya. Wala siyang kakambal. Pati ang mga legal documents nito ay tama rin."
Hindi nakapagsalita si Patricia. Saglit itong napaisip saka nagkibit ng balikat.
"Hindi pa rin ako kumbinsido na ang babaeng nasa guest room ay ang asawa mo at ina ni Luziel. Pero kung hindi man siya ang ina ni Luziel sana huwag na siyang umalis dahil malaki ang epekto ng presensiya at atensiyon niya sa paggaling ng bata. Kahit ako ayaw ko na din bumalik ang dating Hazel."
Pagkasabi non ay lumabas na ng silid si Patricia. Siya naman ay naiwan na nakatingin sa natutulog na anak. Umupo siya sa gilid ng kama nito at hinagkan ito sa noo.
"Daddy will do anything for you, anak."
Umahon siya mula sa kama at nagtungo sa walk-in closet ng bata. Binuksan niya ang pinakamalaking cabinet na naroon at tumambad sa kanya ang malaking larawan ng asawa.
Kamukhang-kamukha nito ang babaeng nasa guest room nila. Kung hindi si Hazel ang kasama nila sa bahay ay sino ito? Posible nga kaya na may kakambal si Hazel?
Unti-unting lumakas ang kanyang pagdududa nang mapansin ang isang bagay sa lirawan. Hazel has a mole on her collar bone just like on the picture. Hindi niya napansin kung may taling sa collar bone ang Hazel na kasama nila ngayon dahil lagi itong nakasuot ng t-shirt na tago ang collar bone.
Isa iyon sa magpapatunay kung si Hazel ba talaga ang kasama nila. He needs to see that. But how?
Ano naman ang gagawin mo kung hindi nga siya si Hazel? Ibig sabihin hindi mo mapaparusahan ang talagang may kasalanan.
Natigilan siya sa bulong ng isip. Paano nga kung hindi ito si Hazel? Ano ang gagawin niya?
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
BINABASA MO ANG
Sweet Escape
General FictionWhat if you woke up one day and you are no longer the person you knew you were? Everyone is calling you by other people's name. Paano kung ang buhay ng iyong kapatid ay mapunta sa iyo? At walang naniniwala sa iyo na hindi ikaw ang kapatid mo? How c...