LAHAT SILA ROON AY HINDI ALAM KUNG ALIN ANG TOTOO SA DALAWANG RESULTA. Ngunit sigurado siya na hindi gagawa si Victor ng bagay na ikasisira ng pagkakaibigan nila ni Daniel. She's sure that the result given by Victor is the real one.
"Only one person can answer our questions right now," pahayag ni Daniel.Lahat sila ay napatingin rito.
"Who is it, Daniel?" It's her mom.
"Maggie herself. Victor can call her to come here together with her team who did the test."
Napatango naman ang dalawang matanda ngunit agad na komontra si Caroline.
"There's no need for that, Tito and Tita. Alam naman po natin na gagawin ni Luzille ang lahat para maging parte ng pamilya ninyo. She can do anything to be a part of it. Kaya hindi na po ako magtataka kung pineke nila ni Victor ang resulta. As far as I know, Victor likes her twin sister Luzia. Baka ginamit niya ang nararamdaman ni Victor para kontrolin ito." Ngumisi sa kanya si Caroline pagkasabi no'n.
Hindi niya napigilan na umusok sa inis at galit rito.
"Sino ba sa atin ang pilit na nagsusumiksik sa pamilyang ito, Caroline? Ako ba o ikaw?" Here comes her the bitch inside her. "Oo, mahal ko si Daniel at gustong-gusto ko na ako na lang ang ina ni Luziel. But that doesn't mean na gagawa ako ng bagay na ikasisira ng pangalan at reputasyon ko."
Nakita niya na namula sa galit si Caroline. That's right. Provoke the devil inside her para lumabas ang sungay nito.
"To tell you the truth, I, myself can do the test. Pero ginalang ko ang desisyon ng pamilya ni Daniel na magpa-DNA test sa trusted hospital nila. Nagtiwala ako sa kakayahan ng ospital na mailabas ang katotohanan. Pero kung ganito ang ibibintang mo sa akin lalo na at wala naman akong ginagawang masama, nagkakamali ka ng kinakalaban mo." Nagpupuyos siya sa galit sa babaeng 'yon.
Agad naman siyang kinalma ni Daniel. He held her hand and squeezed it. In his simple gesture, agad na kumalma ang puso niya. She exhaled and looked at Daniel's parents.
"Pasensiya na po sa mga sinabi ko. Ayaw ko lang po na pinagbibintangan ako ng isang bagay na hindi ko magagawa sa tanang buhay ko."
Nagulat ang mga ito sa pagtaas ng boses niya kay Caroline kaya hindi agad nakapagsalita ang mga ito. Nakita na lamang niya na bahagyang tumango ang ama ni Daniel.
"Tawagan mo na si Victor, Daniel. We need to settle this as soon as possible."
Agad naman sumunod si Daniel. Tinawagan nito si Victor para tawagan si Maggie at papuntahin sa mansion ng mga Biancaflor. Wala pang isang oras ay kasama na nila sa silid ang dalawa, si Victor na abot tenga ang ngiti at si Maggie na napakaganda kahit na panay ang irap kay Victor.
"Pasensiya na sa abala, Maggie. We just need to clear things about the result." Inilahad ni Daniel ang dalawang envelope kay Maggie. "These two envelopes of results both came from your hospital. Pero magkaiba ang resulta ng mga DNA test na nasa loob ng mga ito."
"Which is the one I handed over Victor earlier today?" Diretso ang tono na tanong ni Maggie. Sinusuri nito ang dalawang envelope.
Daniel pointed the one on Maggie's right side. Sa halip na damputin ito ay ang nasa kaliwa nito ang dinampot ni Maggie at binuksan. Ito ang resulta na dala ni Caroline. Tiningnan nito at sinuri ang laman nito.
Pinagmamasdan lamang nila ito habang sinisiyasat ang bawat detalye ng resulta na dala ni Caroline.
"This one was tampered," anunsiyo nito. Inilabas din ni Maggie ang laman ng isa pang envelope at inilatag ang mga iyon sa mesa para makita nilang lahat. They all looked closer to the documents on the table.
"Take a closer looked at this." Tinuro ni Maggie ang upper right corner ng document na galing kay Victor. "That's my seal on the corner. This is the original copy. Lahat ng original document ng ospital ay may seal ng opisina ko. At kung iniisip ninyo na mandaraya ako ng dokumento para sa mga kaibigan ko, I am not that kind of person. I have my dignity."
Muli nitong binalikan ang mga dokumento. Sunod na itinuro naman nito ang galing kay Caroline.
" This one is tampered because aside from the absence of my seal, my signature was also falsified. Dinaya ang pirma ko rito. Saan galing ang resulta na ito? I will sue them for faking an official document of my hospital."
Lahat sila ay napatingin kay Caroline kaya tiningnan din ito ni Maggie.
"Caroline.." Maggie said like she's saying 'long time no see'. "Hindi na ako magtataka. Ganito ka na ba kadesperada, Caroline?"
"Shut up, Maggie!" Tumayo sa kinauupuan nito si Caroline at dinuro si Maggie na ngumisi lang sa huli. "Kung sana noong una pa lang ay tinulungan mo na ako, hindi ko na sana ito ginawa!"
"The culprit just admitted her crime," nanunukso na wika ni Maggie.
Maging si Victor ay natawa sa ginawa ni Maggie.
"Oo! Dinaya ko ang resulta! Pero nagawa ko lang 'yon dahil mahal na mahal kita, Daniel. Hindi ko kaya na mawala ka sa akin. Sabi mo sa akin ka lang 'di ba?" Caroline face soften as she looked at Daniel.
"That was decades ago, Caroline. People changes and so as my heart. Sinayang mo ang pagmamahal ko noon. Pinagpalit mo ako sa iyong career. And now that you're not happy with what you're doing babalik ka sa akin na parang walang nangyari? Ang pagkawala ng anak natin dahil sa kapabayaan mo ay sapat ng dahilan para mawala lahat ng pagmamahal ko sa iyo. You know how much I wanted a child. Now that Luzille gave that to me, sisirain mo naman kami. You're so selfish, Caroline!"
Nagtagis ang bagang ni Caroline sa sinabi ni Daniel. Namumula na rin ito sa galit at nanlilisik ang mga mata na nakatingin sa kanya.
"Ibig sabihin, si Luzille talaga ang ina ni Luziel? We just want to know the truth here," singit ng ina ni Daniel.
"Yes, Luzille Guandez is Luziel's biological mother." Maggie announced.
Napangiti ang ginang at ang asawa nito sa sinabi ni Maggie.
"Kung hindi ka babalik sa akin, Daniel, hindi ako papayag na mapunta ka sa babaeng 'yan!"
They were all alarmed at Caroline's threat.
"Hindi ko kayo hahayaan na maging masaya!" umalingawngaw ang sigaw nito sa buong kabahayan.
"Stop this nonsense, Caroline!!" Napapitlag siya sa pagtaas ng tinig ng ama ni Daniel. His voice was too powerful and authoritative. "Hindi pagmamahal ang tawag sa ginagawa mo. We both know that this is not just about you and Daniel. Your company needs our money to survive and your father's solution is this idea of marrying Daniel. Hindi ako papayag na pagbantaan mo o ilagay mo sa kapahamakan ang buhay ng pamilya ko. Lumayas ka sa pamamahay ko habang may natitira pa akong awa sa iyo!"
Hindi niya kinakitaan ng takot ang mukha ni Caroline habang nagmamartsa ito palabas ng kabahayan. Nang makaalis na ito ay saka lamang sila nakahinga ng maluwag.
"That woman is crazy. She needs medication," komento ni Maggie na ikinatawa nila ni Victor.
"Naiintindihan ko si Caroline kung bakit siya nagkakaganon. Pinepressure siya ng kanyang ama na tumulong sa pagbangon ng kanilang naluluging kompanya. I wanted to help them pero sa mga ginawa niya ngayon, ang pamemeke ng resulta ng DNA at pagbabanta sa pamilya ng anak ko, hindi ko maaatim na tulungan ang tulad nila." Daniel's father said.
"I don't care about Caroline now, Dad. I want to focus now on my family." Nilingon siya ni Daniel at nginitian. Pinisil nito ang kamay niya na hawak nito. She can see happiness in his eyes as he smiles.
Maging siya ay masaya sa mga nangyari. Although, nahigh blood siya sa ginawa ni Caroline na pambibintang ay nakontrol naman niya ang kanyang sarili. Ang hiling lang niya ay sana dito na matapos ang panggugulo ni Caroline sa buhay nila.
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
BINABASA MO ANG
Sweet Escape
General FictionWhat if you woke up one day and you are no longer the person you knew you were? Everyone is calling you by other people's name. Paano kung ang buhay ng iyong kapatid ay mapunta sa iyo? At walang naniniwala sa iyo na hindi ikaw ang kapatid mo? How c...